"Sa totoo lang, Peter may boyfriend na kasi ako." Alangan kong sabi sakanya. Kala ko malulungkot siya sa sinabi ko pero tumawa lang siya sabay sabing " Alam ko. Pero ayos lang 'yon sakin." "Ha? Sakin kasi hindi ayos y~~""Nag kakalabuan naman na kayo diba?" Dagdag niya pa kaya naman napatingin ako sakanya. "Pano mo nalaman?" Gulat na sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya habang nakatitig sakin. "Alam ko lahat ng tungkol sayo." Bigla akong nakaramdam ng takot sa sinabi niya kaya naman napa atras ako. "Sino kaba talaga?" Nauutal ko ng tanong sakanya. "Ha? Ako nga si Peter. Matagal na kasi kitang gusto. Simula pa elementary kaso nung nakaraan di ako masingit kila Jeremy at Kenneth." Tawa niya sakin. Natatakot na talaga ako sakanya. Pero hindi ko naman siya matandaan. Maski itsura niya hindi

