“MASAYA kami at nagawa ninyo kaming bisitahin ulit dito, Senyorita.” Ang nakangiting sabi ni Mang Cardo, ang ama ni Angelica. Naaalala pa niya ito dahil ito ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tao ng Lola niya sa Hacienda nito. Ito rin ang nagpapasyal sa kanila ng Kuya niya noong mga bata pa sila sa tuwing magbabakasyon sila sa hacienda. “Masaya din akong makita kayo ulit, Mang Cardo.” Ang magalang na sabi niya. Nasa harap nila ngayon ang isang mahabang mesang nalalatagan maraming pagkaing inihanda ng matanda. Mayroong inihaw na bangus, tilapia na nakapatong pa sa dahon ng saging. Mayroong ensaladang talong, kamatis at itlog na pula din doon. Simple ngunit alam niyang masarap ang mga iyon. “Sana ay magustuhan niyo rin itong s

