NAPAIGTAD si Myla nang makarinig ng sunod-sunod ng katok sa pinto ng kanyang kuwarto. Kasabay niyon ay ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya.It was the night of the dance and she was already wearing her black spaghetti-strapped dress but she can’t seem to have the courage to leave her room. Nagdadalawang-isip siya kung dadalo pa rin o mananatili na lamang sa loob ng kuwarto niya. Masama kasi ang kutob niya nang gabing iyon. “Myla, are you ready? It’s passed 7pm already. Hinihintay ka na ni Lola sa ibaba.” Lalong nagwala ang dibdib niya nang marinig ang pamilya na tinig na iyon. It was Darwin. Bakit ba sa dinami-dami ng kasambahay sa bahay nila ay ito pa ang kumakatok ngayon sa kuwarto niya upang pababain siya. “S-sandali

