DYLAN Nagmamadali akong tinahak ang daan papunta sa dati kung bahay ngunit nakapangalan na ang titulo niyon kay Theo. Ibinigay ko na iyon sa kanya because he is my best friend ever since college at minsan niya na ding iniligtas ang buhay ni Aria sa kapahamakan kaya malaki ang tiwala at utang na loob ko sa kanya. Kapatid na din ang turing ko dito at kung tutuusin nga ay kulang pa itong naibigay ko sa mga ginawa niya para sa akin. Pagkadating ko sa bahay nito ay agad akong pinagbuksan ng gate ng isa sa apat na tauhan ko. "Boss pasok po kayo." ang sambit pa nito. Tinanguan ko lang ito't mabilis akong pumasok sa loob. Halos liparin ko na ang pasilyo para makarating agad sa kwarto kung nasan sila Marvin at Theo. Di ako mapakali at parang gusto ko ng malaman kung sino ang mastermind sa pagk

