ARIANA NAGISING ako sa di pamilyar na lugar. Kahit na medyo nahihilo pa ay iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Madilim ang paligid at ang tanging ilaw lamang na nagsisilbing liwanag ay nagmumula sa patay sinding kulay dilaw na bombilya. Tumingala ako't, nagsitayuan lahat ng balahibo ko ng makita ko ang madaming sapot o bahay ng gagamba na halos sakupin na nito ang buong kisame ng silid na iyon. Sa tingin ko ay isa itong abandonadong bahay. Sinubukan kung magpumiglas ngunit mahigpit ang pagkakatali sa akin sa isang silya. Mabuti na lamang at hanggang ilalim ng dibdib ko lang ang nakapulupot na tali sa akin at hindi ang tiyan ko. "Anak, wag kang matakot okay. Andito lang si Mommy" nagsimula na akong humikbi habang kinakausap ko ang anak ko sa sinapupunan ko. Wala akong m

