CHAPTER 4 " MAYOR SUNGIT ni XL"

2156 Words
3RD PERSON POV Matapos makapag kape at makipag kwentuhan ay nag paalam na rin ang Alkalde. Inihatid naman sya ng dalaga hangang sa Makasakay ito sa kanyang sasakyan. "Mayor, Mag iingat po kayo Pauwi, salamat po ulit." "Salamat din sa Kape, Mauna na ako.. See you tomorrow." Saad ng Binatang alkalde sa dalaga. Nang makaalis na ay pumasok na rin ang dalaga sa loob. Dahil busog sya ay di na nya nagawang kumain ng hapunan. Nagtungo na lamang sya sa kwarto saka nag shower. Matapos iyon ay nagbihis din sya agad at ginawa ang kanyang night routine. Hindi naman sya masyadong ma rekotitos sa mukha dahil natural ang ganda nya dahil nga may lahi ang kanyang ama, kaya kahit di sya gumamit ng mga whitening kemerot ay likas na syang maganda. Nang makabihis na sya at akmang hihiga na ay nag pop Up ang Cellphone nya. Gc nila Iyon sa Viber. Nag Noted naman sya. Ngunit maya maya ay nag Pop up ulit. Akala nya ay GC parin nagulat sya ng sunod sunod ang message nito. "Im Home" "Thanks for the Coffee." "Bakit Di ka nag rereply?" "I seen mo message ko." Yan ang sunod sunod na Chat ni Mayor. Agad namang Tumipa ang dalaga ng sasabihin sa Mayor. "Sorry po Mayor, Akala ko po sa GC parin, kakabasa ko pa lang po." "Sige na Sige na...Goodnight Xelyn!" Reply ng binata rito. Napailing na lamang ang dalaga, Dahil tila naging moody na naman ang nasabing alkalde. Nagpahinga na lamang sya dahil maaga na naman syang gigising bukas. Katulad ng araw araw na routine ay maaga na naman kumilos ang dalaga. Nagluto rin sya mg ginulay na mais. Saka sya nagsapaw ng Okra sa ibabaw ng kanin. Mukang mapaparami sya ng kain dahil bagong pitas ang mais at manamis namis ito. Ang okra naman ay bagong pitas din sa likod bahay nila. Mabilis naman syang kumilos at gumayak. Ewan nya ba pakiramdam nya ay antok pa sya..Dahil tulog na ang nos ng kanyang katawan ngunit tila may gumugulo sa kanyang isipan. Nakaidlip sya sa Jeep, pag gising nya ay nasa Sta.Veronica na sila. Dali Dali naman syang nag In, walang trapik kaya maaga syang nakarating umaasa syang sya ang Una dahil patay pa ang ilaw. "Yes! Fist!" Saad nya saka binuksan ang ilaw. Laking Gulat nya pag Bukas ng ilaw ay naroroon na si Mayor at Inaayos ang botones ng suot nitong coat. "Ehem..Ehem.." Tikhim pa ni Mayor saka sumipol sipol Para iwas pagkapahiya na lamang din ay kunwaring palapit ang dalaga rito. "Ahm..Good Morning Mayor, narito na po pala kayo, hehe akala ko ako na yung una, mas una parin po pala kayo hehe." Wika ng dalaga sabay kamot sa ulo. "Actually, Di naman talaga ako umuwi, Dito talaga ako natulog." Saad ng Mayor "Totoo po?" Tanong ng dalaga saka nilapitan ang alkalde upang tiyakin kung totoo at tumango naman ito. Tumango na lang din ang dalaga at akmang aalis ng biglang bulungan ng alkalde sa mala Bed room voice na tinig nito. "Charaught lang" saad nito saka umupo sa kanyang swivel chair. Napanganga naman ang dalaga sa tinuran ng alkalde kaya napalingon sya dito ngunit mukang nagkamali sya na sulyapan ito dahil mapungay na mata ng alkalde habang kagat ang labi ang nakita nya. "Na miss ko ang Kape mo, Can i have some coffee Ms. XL? Turan ng Alkalde. Napanganga na naman ang dalaga sa Husky Voice na ginamit ng alkalde kahit magpapa timpla lang naman ng kape. "Eh... XL po Mayor? "Oo... XL yung iyo diba? Malanding boses na wika ng Alkalde. "Po? Hindi naman po, 36-A lang po ang sa akin." Saad ng dalaga saka yumuko. Ngunit halos magulat sya ng tumawa ng malakas ang Alkalde halos hawak pa nito Ang tyan kakatawa. "Haha...Lakas mo talaga XL, napatawa mo ako ng husto." Saad ng alkalde. "Po? Bakit? Ano po bang nakakatawa sa 36-A? Tanong pa ng dalaga. "Hahaha, ano ba kasing size ang sinasabi mo? XL means Xelca Lynzie, Bakit? Akala mo ba yang boobs mo yung sinasabi kong XL? Hahaha eh parang 34 nga lang yan eh." Kaya pano ko naman pagkakamalamg XL yan. Hahaha, You made my Day XL, hahaha." Walang tigil parin na tawa ng binatang alkalde. Napakamot na lamang sa ulo ang dalaga saka pumunta sa Pantry upang itimpla ng kape ang alkalde. Habang nagtitimpla ay halos mamula naman sa hiya ang dalaga ng ma realize ang mga sinabi nya. "Ughh..Ang baliw mo talaga Xelyn .bat nga ba boobs ang nasa isip ko na sinabi nyang XL? Saka teka..loko yon si Mayor ah..Oo sabihin nating di Xl tong sakin, pero maumbok din naman ah. Nasa 36-A naman to ah, kasama nga lang yung foam." Saad sa isip ng dalaga saka hinawakan at inayos pa ang suot na bra. Maya maya pa ay lumabas na ito dala ang tinimplang kape para sa alkalde. Marahan nya itong ibinaba sa mesa. "Heto na po ang Kape Nyo Mayor." "Salamat XL, maari ka na muna bumalik sa pwesto mo, hindi pa naman oras ng trabaho kaya pwede kapa matulog para magpalaki baka sakaling maging XL yan, hehehe." Saad na naman ni Mayor saka tumawa. Pakiramdam ng dalaga ay nag iinit ang mukha nya sa hiya kaya bumalik na lang muna sya sa pwesto nya. Pero imbes na magpahinga ay sinimulan nya na rin mag basa ng files. Maya maya ay narinig nyang may kausap ang binata at tila napakasaya nito. "Oh, Evren, kumusta? Napatawag ka, ok lang naman, eto medyo busy. Ikaw kumusta kana? Si Yohanna matalinong bata yan. I kiss mo na lamang ako sa kanya. Na mimiss ko yung pag iingay nya dito sa opisina ko, hehe..at yung inaanak ko kumusta na, matulin na siguro tumakbo yan. Regards nalang sa kanila. Pati na rin kay Kumpareng Major." Wika ng Alkalde sa Kabilang linya saka ibinaba ang telepono at nakangiting bumalik ang tingin sa laptop sabay sulyap sa larawan sa kanyang harapan. XELYN Narito ako sa table ko, pagkalapag ko ng kape ay bumalik din agad ako sa pwesto ko, ilang sandalo lamang ay may tumawag sa kanyang telepono. Pag sulyap ko sa kanyang pwesto at maganda ang kanyang ngiti ng marinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Hindi ko alam king sino ito pero dama ko ang saya ni Mayor habang kausap ang nasa kabilang linya. Saglit lamang din naman ito, at maya maya ay nawala na rin ang tawag. Kita ko na sinulyapan ni Mayor ang larawan nang Mag ina sa kanyang harapan. Hindi ko na lamang ito inusisa pero kumpirmado nga na mahalaga ang mga ito kay Mayor. Nag focus ako sa trabaho, hindi ko namalayan na alas dose na pala, oras na para kumain. Inaaya ako ni Ms.Leah ma kumain sa labas. Pero sinabi ko na next time na lamang dahil meron akong baon, kaya doon na lamang ako kumain. Habang kumakain, ay narinig ko na may kausap si Mayor at tila mataas naman ang boses nito. "That's Final! Wala na akong magagawa! Kalusugan ng mga tao na nasa nasasakupan ko ang apektado. Kung kami ngang taga rito, natuto at pinatutupad namin ang Segragation. Tapos ngayon Gusto nyong gawing tapunan mg basura o Landfill itong lugar namin? San nyo nakuha ang ideang nyan, Ano dahil malaki ang papasok na pera sa amin kapag naipatupad yan? Wala akong pake sa perang kakabigin. Ang ayokong mangyari ay maging tapunan ng basura ng ibat ibang lugar ang Bayan ko, Salamat!" Saad nya sa kabilang linya. HB na naman si Mayor, Sa bagay, sino ba namam kasing hindi maiinis kung dto sa Sta. Veronica ang gagawing landfill. Kakain na sana ako, binuksan ko na ang ulam kong mais at sabik na sabik na talaga akong kumain pati ng Okra na isasawsaw ko sa Toyo. Kakain na ako ng biglang sumigaw si Mayor at tinatawag ako. "XL come here!" saad nito sa seryosong tinig. "Bakit po Mayor? May ipag uutos po ba kayo? Tanong ko rito na tila ß "Wala! Pero sabayan mo akong Kumain dito!" Saad nito sa seryosong tinig habang naka Kunot ang noo. Wala na akong nagawa kundi sumunod. Magkatapat kami sa mesa nya. Nakita kong nakatingin sya sa ulam ko. Kaya inalok ko sya. "Ahm..Kayo po mayor, baka gusto nyo po? "Sige Titikman ko, pati yang OKRA Mo" Saad pa nito, Kumakain kami at tahimik lamang, tanging mga kalansing lamang ng plato at kubyertos ang maririnig. Mukang nasarapan si Mayor sa dala kong Ulam dahil sarap na sarap din sya sa mais at okra., Yung ibang baon naman nya ay ibinigay nya sa akin kumbaga sharing Foodangs lang ang nangyari. Nang maubos na ay nagpasalamat sya, na miss nya raw kumain ng ganito, Noong bata daw sya ay nakakain pa sila nito. Nagpasalamat naman sya akin at sa dala kong ulam. "XL salamat sa Manamis namis mong Mais at sa Madulas at Masarap mong Okra. Nag enjoy ako." Turan pa ni Mayor Habang nakatingin sa akin. Medyo nailang naman ako ng very light kaya tumango na lamang ako. "Welcome Mayor Mabuti naman po at nagustuhan nyo, Sige po sa susunod dadagdagan ko na po ang mga baon ko para in case po na may magustuhan kayo." Sagot ko rito. Bumalik na ulit ako sa table saka nag tungo sa sink upang mag sipilyo. Matapos kong gawin iyon ay yumupyop muna ako sa mesa. Mahaba haba pa ang oras. Si Mayor naman ay nawala, parang pumasok sa kanyang mini lounge room, siguro ay nagpapahinga muna. Naalimpungatan ako dahil sa Ulan bukas ang bintana sa may Tapat ng Table ni Mayor, Wala pa ito sa pwesto nya kaya dali dali ako pumunta roon at isinara ang bintana. Naampiyasan ang table nya kaya medyo basa iyon, mabuti na lamambg at nasa kabilang side ang mga Documento. Agad ako kumuha ng tuyong pamunas saka ko ito pinunasan. Pati amgga larawan ay natilamsikan buti na lamang at naka frame ito. Tinitigan ko muli ang babae sa larawan. Maganda ang Babae pati ang bata, para silang isang masayang Pamilya rito. Ang ngiti sa mata ni Mayor ay talaga namang di mapatid. Buhat nya ang bata sa larawan at Nakaakbay naman sya sa Babae. Sa isang larawan naman na sila lamang ng babae ay Naka Akbay rin sya rito. Habang tinitingnan ang larawan ay Aksidente kong natabig ang isa dahilan ng Pagbagsak nito at pagka basag, kasunod noon ay ang paglabas ni Mayor. Huli nya sa akto ma pinupulot ko ang nagkabasag basag na Frame. "What happened?! Tsk..tsk.. Bakit nabasag, bat ba kasi nandito ka? Move!" Masungit na turan ni Mayor sa akin sabay agaw ng Frame na nabasag. "Sorry po Mayor, Di ko po sinasad...." "Sino ba kasi may sabing lumapit ka dito sa table ko without my permission? Hindi ito mababasag kung di mo pinakialaman. Ilang taon na sa table ko ang frame na yan pero hindi nabasag, IKAW...IKAW lang pala ang makakabasag, Kung hindi mo pinakialaman ang Frame na yan malamang buo at di yan magkakaganyan, Next time hwag kang pakialamera sa mga bagay dito, lalo nat di naman related sa trabaho mo!" Napayuko na lamang ako at di na nagawa pang magpaliwanag. Napatingin na lamang ako sa labas at tinanaw ang lumalakas na ulan saka tumingin sa baba, Doon ko lamang napansin na dumudugo pala ang Daliri ko, nahiwa pag hila ni Mayor ng Frame. Si Mayor naman ay busy sa pag aayos ng frame nila ng babae na nabasag ko, umalis na lamang ako at kumuha ng Dustpan at walis para linisin ang mga bubog. Nilinis ko iyon, Di na ako kumibo habang ginagawa ko iyon. Dinampot ko na lamang rin ang basahan na ginamit ko pamunas kanina at di na ako umimik. Nang araw na yon ay ginawa ko ng ayos ang trabaho ko, hindi ko alam pero naluluha ako habang nagtra trabaho, hindi nya man lang ako hinayaan magpaliwanag. Ganon ba talaga yung tingin nya sa akin pakialamera? Mas mahalaga sa kanya yung larawan nila nung babae, na tanging ako lang daw ang nangahas na lapitan at makabasag. Tila nahabag ako sa aking sarili ng mga oras na iyon. Matapos ang hapon na iyon ay Sakto 5:10 ay nag out na ako. Ayoko man sana sya kausapin dahil alam kung galit sya sa akin ay no choice ako kundi mag paalam. "Mayor, Mauuna na po ako, Salamat" wika ko rito, ngunit busy ang mata nya sa laptop nya. "Then Leave" walang ka gatol gatol na tugon nya habang patuloy parin sa ginagawa, ni hindi nya man lang ako tinapunan ng konting pansin, kaya umalis na ako sa harapan nya. Ramdam ko parin ang inis nya sa akin. Hangang sa Byahe ay naaalala ko pa rin ang nangyari kaya di maiwasang maluha na naman ako. Mabuti na lamang at wala akong pasaherong katabi. Nasa unahan kasi ako ng jeep na katabi ng driver. Kunwaring sa labas ako nakatingin habang napatak ang luha ko, di parin kasi mawala sa aking ala ala ang mga salitang binitawan ni Mayor Kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD