MAVEE
Nadala ako ng inis ng makita kong hawak ni Xelyn ang Frame namin ni Evren. Nabasag ito, Sa sobrang inis ay nagbitaw ako ng salita kay Xelyn. Dahil sa ilang taon non dito sa table ko ay walang nangahas na pakialaman iyon, pero heto ngayon, pinakialaman nya na, nabasag nya pa. Kaya sa puntong nakita kong basag iyon at hawak nya ay inagaw ko ito, tinangka nya pa magpaliwanag pero di ko na sya pinatapos sa sobrang inis ko.
Mahalaga ito para sa akin, Kung sa tingin ng iba ay Simpleng Frame lamang ito, pwes sa akin ay hindi, Dahil larawan namin ito ng mag ina ni Evren na naging malapit sa puso ko.
Matapos ko sabihin ang mga nais kong sabihin sa kanya ay di na ako kumibo. Inayos ko na lamang ulit ang frame saka bumalik sa trabaho, kita ko naman na nilinisan nya ang mga bubog na nabasag at kinuha ang basahan na nasa table ko.
Nagtrabaho ako maghapon ngunit medyo asar pa rin ako sa kanya.
Akala ko ay hindi sya magpapa alam sa akin matapos mangyari ang sermon ko sa kanya kanina, ngunit nitong hapon ay lumapit sya sa akin at nag paalam na uuwi na sya. Wala syang nakuha na sagot sa akin kundi "LEAVE." di ko sya tinapunan ng pansin but base on my peripheral vision ay dahan dahan syang naglakad palabas.
Paglabas nya ay tinuloy ko pa ang trabaho, pero di na ako maka Focus, tumingin ako ulit sa frame. At inisip ko naman si Xelyn ang mga nasabi ko sa kanya. Napakamot ako sa ulo. Kung kanina ay ang frame ay iniisip ko ngayon ay si Xelyn na. Naglabas ako ng shot glass at ng alak kaya sumimsim ako. Pumasok muna ako sa lounge room ko at pinanood ang CCTV ng opisina namin.
Sa una ay nakayupyop si Xelyn sa table nya tila nagpapahinga, Maya maya ay bumangon ito at nagtungo sa gawi ng table ko. Isinara nya ang Bintana saka lumapit sa table ko at inusod ang ibang folder, umalis sya sandali at pagbalik ay may dala syang basahan at pinunasan ito. Nakita kong dinampot nya ang frame at tiningnan iyon, nakita ko rin napinunasan nya iyon ng tissue saka tinabi, sunod naman ay ang isa, ngunit sa din inaasahan ay natabig nya ang isa sa mga yon at bumagsak ito sa sahig at nabasag, kasunod noon ay ang paglabas ko na.
Medyo na guilty ako ng mapanood ko ang CCTV. Concerned lang naman pala sya sa mga gamit ko ngunit sa di inaasahan ay natabig nya ang frame ng larawan namin ni Evren.
Agad akong lumabas ng opisina at nagtungo sa terminal. Umaasang maabutan ko pa ito, ngunit kaaalis lamang daw ng jeep. Agad kong binaybay ang daan patungo sa San Ramon. Sa di kalayuan ay nakita ko ang Jeep.
Iilan na lamang ang sakay nito nilampasan ko ito saka ko pinara.
Huminto naman ito, tila nagulat pa si Xelyn ng makita ako.
"Me, Mayor..ano pong ginagawa nyo rito?" Tanong sa akin ni Xelyn na pansin kong medyo namumula pa ang mata.
Ngunit imbes na sumagot ay inakay ko sya pababa. At ang driver na lamang ang sinagot ko.
"Manong, sa akin na ho sya sasabay. Salamat po." Wika ko saka iginiya sya sa sa sasakyan.
Sumakay na ako sa Driver seat ngunit na nanatili syang nakatayo kaya bumaba ulit ako.
"Sakay na, bat nakatayo ka pa riyan, Mababasa ka ng ulan!" Saad ko na mariin ngunit nag aalala lamang ako sa kanya.
Saka lamang sya sumakay. Nananatili lamang itong tahimik habang binabaybay namin ang daan patungong San Ramon.
Sumulyap ako sa kanya ngunit nakatingin lamang sya sa labas kung saan palakas ng palakas ang ulan.
Tumingin akong muli sa kanya, Saka ako nagsalita.
"Sorry Xelyn!" Saad ko rito saka ako huminga ng malalim. Hindi sya sumagot ni Katiting man kaya muli akong sumulyap sa kanya. Nakita kong umiiyak sya. Anak ng Tokwa naman, bat umiiyak sya? Wala pa naman akong ginagawa sa kanya ah, Ayoko pa naman sa lahat nakakakita ng Babaeng Umiiyak.
"Can you Please Stop Crying, Ayoko nakakakita ng umiiyak." Saad ko ngunit sa mababang tono lamang dahil baka pag sarcastic ay lalong mag umiyak itong si Xelyn.
Nakita ko naman na suminghot sya saka pinunasan ang mga luha gamit ang kanyang kamay, may hinahanap sya sa bag nya ngunit tila di nya makita kaya kamay na lamang ang ginamit nya pamunas. Hindi ko alam bakit ayaw nyang kumuha ng Tissue e nasa harapan nya lang naman.
"Use Tissue, Ayan lang sa harapan mo" saad ko na naman.
"Ayoko po." Saad nya habang sumisinghot singhot pa.
"Huh? Bakit naman? Nasa harapan mo na kukunin mo nalang."
"Ayoko na po makialam ng kahit na anong gamit nyo Mayor, sapat na po na napakialaman ko yung table nyo kanina at nabasag ko yung frame na napakahalaga sa inyo." Saad nito sa akin, ngunit imbes na tumahan ay tila lalo pa syang napaiyak habang nagsasalita. Itinigil ko ang sasakyan. Saka ako tumingin sa kanya. Para syang bata na hindi binigyan ng Lollipop.
Napabuga ako ng hangin. Saka ako dumampot ng Tissue saka ibinigay sa kanya. Saka nya lamang ito kinuha. Punas sya ng punas ng luha.
Pansin kong nakatingin sya sa Frame namin ni Evren na narito naman sa aking Sasakyan.
Kinuha ko iyon saka ako nagsalita.
"Pasensya ka na, nabigla ako sa mga nasabi ko, Hindi na kita hinayaang makapag paliwanag dala ng inis. Siguro sa isip mo OA lang ako, frame lang naman ito, pero sorry Xelyn, Dahil dito nasigawan kita.
Nananatili syang tahimik, sa tingin ko naman ay nakikinig sya kaya nagsimula akong mag kwento.
"Espesyal na Babae si Evren para sa akin, Minahal ko sya, silang dalawa ng anak nya, handa ko silang tangapin ng buo. Kaso hindi kami pareho ng nararamdaman. Mahal na mahal ni Evren ang ama ng anak nya, nagkawalay lamang sila dahil sa isang masalimuot na pangyayari. Pero kahit kailan ay di ko mapapantayan sa puso ni Evren Si Major Escobar. Pero kahit na ganon naging malapit kaming magkaibigan. Ipinakilala nya rin ako sa asawa nya, at kinuha din akong ninong ng anak nila.
Ganon sya kahalaga sa akin, kaya pasensya kana, nabigla ako." Saad ko rito
"Hindi ka na po galit?" tanong nya sa akin ngunit ang mata ay nananatiling nakatingin sa labas.
"Kaya nga kita hinabol, gusto ko mag sorry."
"Bakit hinabol mo pa po ako, pwede ka naman po mag message, pwede ka rin naman po mag sorry bukas."
"Eh gusto ko kasi ngayon na, ayoko ng ipinagpapabukas pa!" Saad ko na medyo nataas na naman ang boses.
"Akala ko ba mag so sorry ka? Bakit sumisigaw kana naman."
"Sorry na, Ikaw kasi eh, Ayaw mo kasi makinig, gusto ko kasiag sorry mg personal eh." Dagdag ko pa.
"Ok, Tama na, okay na, Tangap ko na. Halika na Mayor, umuwi na tayo, gumagabi na at lumalakas ang ulan, Baka abutan ka pa ng Dilim sa San Ramon." Saad nito sa akin.
Nang mga oras na yon ala sais pa lamang ngunit madilim na ang paligid, Dahil medyo liblib pa ang ibang parte na daraanan papunta sa San Ramon, medyl may parte rim na madalang ang ilaw sa daan kaya talagang dapat ay maingat ka. Nagsisimula na rin kumulog at Kumidlat nakita kong nakatakip ng tenga si XL saka nakapikit. Nakita ko rin na patlrang naginginig ang kanyang kamay.
"Xelyn, are you okay?"
"Yes Mayor, pero bilisan mo na po, Gusto ko na pumasok sa kwarto." Saad nito na nananatiling nakapikit.
Binilisan ko na ang andar, nakarating din naman kami sa kanila,medyo mahirap lang ang daan dahil medyo malubak sabayan pa ng may parte na medyo matubig.
Pagkababa ay inakay ko sya papasok, may payong naman ito. Sinalubong kami ni Tita Alia sa May terrace. Umakap si XL dito ngunit pumasok din agad sa loob. Patuloy pang lumakas ang ulan na tila parang may bagyo na, Pumapagaspas ang mga sanga at dahon sa puno dahil sa lakas ng hangin. Inaya muna ako ni Tita Alia na pumasok.
"Mayor, halika muna, napakalakas ng ulan Delikado." Aya nito kaya pumasok na rin ako sa loob, Dahil sa lakas ng ulan ay nabasa rin ang suot ko pag baba ng sasakyan.
"Naku Mayor, nabasa kana, Bat kasi sumugod ka sa ulan, di mo na hinintay ang payong."
"Ayos lang po Tita Alia, Ahmm..si Xelyn po pumasok na sa loob?" Tanong ko rito.
"Opo Mayor, ganan ang batang yan, Takot sa Kulog at Kidlat kaya nasa kwarto nya yan at nakabalangot ng kumot."
"Ganon po ba? Kaya po pala nakapikit sya sa byahe tapos nakatakip ang tenga."
"Oo Mayor, ganan sya simula pagkabata., pero hwag ka mag alala, lalabas rin yan mamaya." Saad naman nito sa akin.
Patuloy parin ang malakas na ulan kasunod niyon ay Ang Pag dilim ng buong paligid dahil nawalan ng Kuryente."
"Mama..." Sigaw ni Xelyn sa loob ng kwarto kaya pinuntahan ito ni Tita Alia. Mabuti na lamang kahit papano ay meron silang isang Solar light.
Nakatalukbong ng kumot na lumabas ng kwarto si Xelyn saka pumunta sa Sala. Nakita nya naman na narito pa rin ako at tila nagulat pa sya.
"Mayor? Narito ka pa pala, a akala ko po umuwi na rin kayo?"
"Hija, pinigilan ko si Mayor, Delikado ang daan , malakas ang ulan at saka madilim." Saad ni Tita.
"Mayor, Basa po ang damit nyo, Magpalit po muna kayo." Wika nito saka bumalik sa kwarto nya.
Pagbalik nya ay may Bitbit itong isang Tshirt na malaki na sa tingin koy kasya naman sa akin saka ng isang Jersey short.
"Eto po Mayor, para di kapo matuyuan. Saad nito. Inabot ko naman iyon. Basa rin ang aking panloob pati na ang pants.
Mabuti na lamang at meron akong extra boxer at uniform sa loob ng sasakyan. Pero yung boxer lamang ang kukunin ko dahil nga pinahiram ako ni XL ng shirt at jersey short, medyo lampas tuhod ko nga lang jersey pero ok na rin. Inabutan din ako ni XL ng Tuyong towel. Si Tita Alia naman ay nagtungo sa kusina saka naghain ng pagkain.
Nang handa na ay tinawag na nya kami sa mesa. Ilaw mula sa Kandila ang gamit namin sa Hapag. Mabuti na lamang at Gulay ang ulam saka pritong galunggong. Kahit papano ay di ganong mahirap kainin.
"Mayor, kumain ka ha, marami pang gulay."
"Salamat po Tita Alia, sobrang mis ko po itong mga gantong pagkain."
"Hmm..hehe mukha nga Hijo."
Hindi ko alam ngunit napakabait sa akin ni Tita alia.
"Salamat po Tita." Saad ko rito saka ito nginitian
Matapos kumain ay wala paring tigil ang ulan, marami na rin daw nagkalat na putol na kahoy sa daan kaya negative na talaga na makauwi ako.
Bandang alas nuebe ay naglinis narin ako ng katawan. Buti na lamang din ay may dala din akong personal hygiene kit sa kotse. Pero kung wala man ay may ipinagagamit naman sa akin sila Xl na stocks nila.
"Mayor, Matutulog ka na ba? Don kana po matulog at magpahinga sa kwarto ko."
"Ikaw? Paano ka? Ok na ako rito sa sofa."
"Dun po ako tatabi kay Tita, kaya don kana po sa kwarto."
"Sure ka? Ok salamat."
Maya maya ay nagpahinga na rin ako. Simple lamang ang Kwarto ni XL pero malalaman mong babae ang may ari ng kwarto. Maayos din ang loob nito. May scented candle din na ilaw sa kwarto na nakalagay sa baso kaya di din mausok kahit papano.
Akala ko noong una ay mamamahay ako, pero hindi, nakatulog din agad ako, amoy ko pa sa higaan ang pabango na gamit ni XL kaya kinuha ko ang unan at niyakap ito, kaya siguro nakatulog din ako ng ayos.
Pag gising ko ay medyo maliwanag na pero naulan parin, binuksan ko ang bintana kaya mas lumiwanag pa.
Nakita ko nang maigi ang kabuuan ng kwarto naka tupi ng maayos ang mga gamit. Pero nagawi ang mga mata ko sa mga nakatuping Underwear ni XL yung bra nya size 36A na may Foam tapos yung undies nya pang bata ang design may drawing na pusa, panda,duck at winnie the pooh. Natawa ako bigla.
Sa bagay, petite kasi si XL, pero maganda at bagay sa kanya ang kanyang pangangatawan. Sa porma naman ay tila isa syang fashionistang Boho girl.
Hay Naku XL di ako maka move on sa Winnie the Pooh, ibang Winnie the Pooh ang nasa isip ko, Winnie the Poohssy." Napailing na lamang ako sa isip ko, ang aga aga ang berde berde. Lumabas na ako ng kwarto ni Xelyn, baka kasi kung ano pa magawa ko sa loob kung di pa ako lalabas baka mag iwan pa ako ng bakas.