3RD PERSON POV
Maaga kumilos Ang binatang Alkalde, nakiligo na lamang sya ng mabilis sa Banyo ng dalaga.
Paglabas nya ay naabutan nyang naghahain na ang Tita Alia ni Xelyn.
"Mayor, Magandang umaga, Gising kana pala, Halika na at kumain, nakahanda na ang umagahan." Anyaya nito sa Binata.
"Salamat po Tita Alia, Ahm si Xelyn po?"
"Ah nasa banyo pa sa kwarto naliligo, baka nagbibihis na rin iyon."
"Ganon po ba, hintayin ko na rin po sya, iinom na lang po ako ng Kape." Saad ng binata rito.
"Mahilig ka rin pala sa kape?"
"Opo Tita Alia,"
"Ahm..Alam mo Mayor salamat ah, nagawa mo pang ihatid ang pamangkin ko, kahit masama ang panahon, Napakabuti mo, naniniwala akong maganda ang pag lalalaki sayo ng mga magulang mo. " Saad ni Alia na tila maluha luha ang mata.
"Opo Tita Alia, Kahit naman po papaano ay napalaki nila ako ng Tama. Si Mommy, isa sa mga istriktang babae na nakilala ko, Kahit nung bata po ako hindi ako umubra kay mommy, Kapag sinabi nya pong hindi pwede, hindi po talaga pwede hehe, Si Dad naman po, Lagi ko naman po sya ka jam sa lahat ng bagay, Si Dad naman po, kampi sa akin palagi. Pero kahit po ganon hindi po ako pinalaki ni daddy na spoiled, kumbaga sakto lang po.
"Ganon ba? Hmm..kamukha mo siguro ang Daddy mo ano? Saad ni Alia sa binatang alkalde.
"Opo daw tita alia, Kamukha ko daw po si Dad, yung kulay ko daw po ang nakuha ko sa mommy ko hehe." Dagdag pa ng binata.
"Ahm.. Kumusta naman ang mga magulang mo Mayor?
"Hmm.Si Mommy po 2 years na po syang Wala. 3 taon nya rin po nilabanan ang sakit nya pero, bumigay din po. Pero tinangap na lang din po namin ng maluwag atleast po wala ng pain, makakapag pahinga na po sya." Sagot ng alkalde.
Huminga ng malalim Si Alia saka muli nagtanong.
"Eh..Ang ...Ang ama mo? Kumusta sya?
"Hmm..Ayos naman po si Dad, nasa States pa rin po, Kasama po ng Isa ko pang kapatid. Wili po mag alaga ng Apo. Mas nauna pa po kasi mag Asawa sa akin yung bunso naming babae. 2 lang po kasi kami, ako po ang panganay.
"Ah..Ganon ba? Naku naunahan ka pa pala ng kapatid mo,ah.. nasa ibang bansa pa rin pala ang daddy mo.
"Opo Tita Alia, Ewan ko po kung matutuloy, gusto nya na rin po kasing umuwe dito sa pilipinas. Iba parin po daw kasi ang buhay kapag naririto, hinahanap hanap nya po ang simoy Probinsya." Dagdag pa ng alkalde.
Habang nag uusap ay dumating na rin si Xelyn, naupo ito sa bakanteng upuan saka nagsimula na silang kumain.
Habang kumakain ay panay ang masid ng ginang sa alkalde. Pinabaunan nya rin ito ng pananghalian nila sa tanghali.
"Eto Mayor, Tig isa kayo ni Xelyn, sigurado akong magugustuhan mo yan."
"Naku, salamat po Tita Alia, mukang mapaparami na naman po ako ng kain neto." Saad ng Alkalde.
Nagpaalam narin sila, dahil may sasakyan naman sila ay ala sais na sila umalis.
Tahimik lamang sila sa sasakyan, pansin ng binata na inaantok pa amg dalaga.
"Hmm..Mukang di ka nakatulog ng ayos ah..himihikab ka pa XL."
"Ahm..Opo nga Mayor medyo nakakatamad pa nga po bumangon, di ako masyado nakatulog dahil kumukulog, ikaw na mayor, naka tulog po ba kayo sa kwarto ko?"
"Oo naman, ang bilis ko nga nakatulog eh, medyo malamig sa kwarto mo kahit walang power."
"Hmm..ako mayor antok parin"
"Umidlip ka muna, gigisingin nalang kita kapag malapit na."
"Sure ka? Ok lang sayo na matulog ako?
"Go Ahead, Sleep if you want, gigisingin na lamang kita" saad pa ng binata rito.
Ilang sandali nga lamang ay napapikit na ang dalaga.
XELYN
Pag gising ko ay nakahinto na ang sasakyan. Ngunit di pa naman ako ginigising ni Mayor. Kaya napabalikwas ako, hindi ko alam kung gaano na kami katagal dito.
"Mayor, sorry..kanina pa po ba tayo rito? Aligagang tanong ko saka hinagilap ang aking bag at baunan.
"XL, Easy..yan kana naman, Bakit ang bilis mo mag panic, Kararating lang natin at maaga pa, kaya wala kang dapat ipag alala." Sagot ni Mayor.
Kumalma naman ako ng marinig iyon, nang bumaba na sya ay marahan narin akong bumaba. Pinauna ko muna sya, nakakahiya naman na magkasabay kami, baka mamaya ano pa isipin ng mga tao. Nang ilang minuto ng makapasok so Mayor ay saka ako sumunod. Buti na lamang at wala parin namang tao. Dating gawi ay tinanong ko muna sya kung gusto nya parin ba ng kape. Coffee lover din si Mayor kaya kahit nakainom na ito sa bahay ay iinom parin daw sya rito
Ibinaba ko ang kape sa table nya saka ako bumalik sa pwesto ko. Nagpasalamat naman sya.
Maya maya lamang ay narinig kong may kausap sya at kikitaim nya mamatang gabi, sa pagkakarinig ko ay isa sa mga malalapit nyang kaibigan nagpapatulong sa kanya tungkol sa lupa na gusto pagtayuan mg clinic. Tinuloy ko na lamang ang aking ginagawa.
Lapitin talaga si Mayor ng kahit na sino, Mapa ordinaryong mamamayan or kahit mga malalapit na kaibigan.
Ngayon ko na rerealize na talagang maka masa si Mayor. Mahal na mahal sya ng mga tao.
May mga araw din na may mga pumupunta sa munisipyo at may dalang mga bagong aning mga saging, gulay para kay Mayor. Kapag ganito ay ipag uutos nyang iluto at ipakain pangeryenda para sa aming lahat.
Napapangiti naman ako.Suplado at masungit pero may mabuting kalooban.
Ilang sandali ay tinawag nya ako para sa schedule nya mamaya. Sinabi ko naman ang mga activities nya for today. Nabanggit nya rin na kikitain nya sa gabi ang kadarating lamang na childhood friend at ang isang Congressman na nag mamay ari ng lupa. Tumango na lamang din ako saka bahagyang ngumiti sa kanya at bumalik sa aking mesa.
Lumipas pa ang mga araw at linggo ay ayos naman ang aking trabaho. Nagagawa ko na halos lahat ng task na dating ginagawa ni Mam Leah, Halos gamay ko na. May times nga lang din na may mali pero naitatama naman dahil narin sa tulong nila.
As usual , may times na napapagalitan din ako ni Mayor, Lalo na kapag may hindi ko agad makuha o ma gets naiiyak nalang ako.
Palagi nya sinasabi na bakit dinadaan ko sa iyak yung isang bagay mas lalong di ko matatapos. Pero syempre ginagawa ko naman kahit na umiiyak ako. Pero tong si Mayor lalo naiinis kapag nakikita ako umiiyak kaya ginagawa ko nalang napunta nalang ako sa CR.
One time nagulat pa ako dahil may folder akong nakita sa Table ko, akala ko ay Tine terminate na ako. Pag bukas ko ay isa itong Scholarship mula kay Mayor Mavee. May time kasi na uwian na nagka kwentuhan kami, na mag iipon lang ako pero gusto ko bumalik sa pag aaral, gusto kong makatapos. Kaya nagulat ako sa nakita ko ngayon sa table ko. Halos lumundag ang puso ko.
Full scholarship iyon.
Sa sobrang saya ko ay lumapit ako sa table nya, busy sya at nakatutok sa laptop nakasuot pa sya ng salamin. Lumapit ako at nagpasalamat.
"Mayor Mavee.. Thank you po sa scholarship." Nakangiting wika ko.
Tumingin naman sya sa akin saka hinubad ang kanyang salamin, bakit napaka hot nya parin tingnan kahit naka glasses sya.
"Hmm..Dahil scholar kana, mahahati na ang oras mo, Kailangan mong humabol sa enrollment. Aayusin natin ang schedule mo once na naka enrol kana at naayos na ang mga subject mo."
"Super Thank you po talaga Mayor, Aayusin ko po yung pag aaral ko at ang trabaho ko."
"Copy, basta wala kang ibang gagawin kundi mag aral, priority mo yon, then saka ka mag rereport after ng pasok mo."
"Copy po Mayor, sobrang saya ko po." Saad ko pa saka bumalik sa pwesto ko. May isang buwan pa na bakasyon kaya makakapag Full time pa ako ng work dito sa opisina ni Mayor.
Dahil nga summer na ay napag pasyahan din na magkaron ng Outing at team building.
Sa Isang resort sa Davao nagpa Book si Mayor, sa Pearl Farm Beach Resort kami magtutungo napakaganda ng lugar na iyon, nakaka excite tuloy base sa larawan na pinakita sa amin. Sa isang araw na ito Gaganapin kaya talaga namang excited ang lahat.
Pinayagan naman ako ni Tita Alia, at saka pinagpaalam din ako ni Mayor para sa nasabing Team building.
Naka empake na rin ako ng mga Damit na babaunin. 3 days and 2 nights din kami roon.
3 van ang Sasakyan na hinire para sakyan namin. Akala ko ay sa Van ako sasakay ngunit nagulat ako nang malaman na sa Sasakyan pala ako ni Mayor sasakay kasama ito, Isang bodyguard at ang isang Driver.
Halos 3-hours din ang byahe mula rito sa Gensan patungo sa Davao. Sa likod kami nakaupo ni Mayor. Tanghali kami umalis kaya pagdating namin ay Medyo hapon na.
Nang makarating kami sa Resort ay Winelcome kami ng mga Staff. Iginiya naman kami ng mga ito patungo sa loob. Ginuide nila kami at Nagtungo naman kami sa mga naka assign samin na rooms bale 4 na tao sa isang kwarto. Kasama ko si Mam lea sa room, pati ang iba pang kasama sa work na sina ate Gee at ate Mara. Super ganda sa loob ng resort. Ready na ready sila ate leah. Kasalukuyan naming inaayos ang mga dala naming damit. Lahat sila ay may mga dalang pang ligo. Ako lang ata ang wala, may baom naman akong White na damit at Cycling pang ligo kaya pwede na yon.
"Oh..Beh, Ihanda mo na rin ang 2 piece mo pang ligo hehe sulitin natin kailangan pak na pak, hehe aawra tayo." Saad ni ate leah.
"Hehe naku ate Leah, kayo nalang cycling at Tshirt ok na ako hehe."
"Hey, hindi pwede, lahat naka 2 piece hehe bawal KJ.
"Hehe eh wala naman akong 2 piece na baon te."
"Sauce 2 piece lang ba? Don't worry may extra ako, fresh na fresh from Shein. Im sure kaysa sayo ito oh sayo, sayo na lang" nakangiting wika ni Ate Leah.
"Hala ate, Kakahiya naman,"
"Ano kaba ,oks lang yon, bagay yan sayo beh." Saad pa ni ate leah.
Habang inaayos ang gamit ay doon ko napansin na tila wala ang ziplock na pinaglalagyan ko ng underwear. Sa makatuwid wala akong baong panty.
Ala singko Y media iyon ng hapon, may bukas pa naman sigurong store na malapit dito. Agad namang napansin ni Ate Leah ang pagkabalisa ko.
"Beh ok ka lang?"
"Ahm.. Ate.. Naiwan ko yung ziplock na may laman na panty ko, Wala akong baong panty. May nakita akong 7 eleven kahit disposable sana pamalit. Kainis kadami maiiwan yung panty pa talaga hays.." inis ko sabay buntong hininga.
"Awts, yon lang..wala ako extra panty dito beh, halika samahan kita bumili, saglit lang tayo."
Saad ni Ate Leah, medyo nabuhayan ako ng loob. Paglabas namin ay nakita naminnna ang iba ay nagpipicture na, iba naman ay nag sa sight seeing, Si mayor naman ay Nakatayo kausap ang ibang lalaking empleyado.
Dumaan kami malapit sa kanila, tumango ito sa amin, ngiti naman amg sinukli namin rito, Pagkalampas ay nagulat pa kami ng magsalita sya sa likod namin.
"Xelyn ate Leah, Saan kayo pupunta?
Tanong ni Mayor sa amin, hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
"Ahm..kasi Mayor .Ahm..medyo nagugutom po kami, gusto po sana namin mag snack..sa may...Sa may 7 eleven po."
"Snacks? Diba marami tayong baong Food, saka may cafeteria dito sa resort." Saad ni Mayor.
"Ahm..Sorry, mayor ahm..medyo sumakit po pala ulo ko sa byahe, eh nagpapasama lang po ako kay ate Leah bumili ng gamot." Ikalawang pagdadahilan ko pa.
"Headache? I have Medicine, Bibigyan kita." Sagot ni Mayor habang nakatingin sa akin. Mukang di kami makakalabas ni Ate Leah ah, Pero di Maari, Wala akong baong Panty.
Tumingin ako kay Ate Leah. Nagulat ako ng bigla itong nagsalita.
"Mayor Mavee, payagan mo na kami Lumabas, para sa ikapapanatag ni Xelyn"
"Bakit nga kayo lalabas? San ba kayo pupunta? Mag gagabi na oh?
"Yun na nga Yorme, Gagabi na, kailangan na talaga namin umalis at makabili."
"Bakit ano bang Bibilhin nyo?" Tanong ni Mayor.
Napayuko ako, Di ko na alam kung anong Idadahilan. Nagulat ako sa sumunod na sinabi ni ate Leah.
"Ano munang Bibilhin nyo?" Taning nito.
"Hmm..Gusto mo talaga malaman? Lalabas kami kasi Bibili kami ng PANIKI ni Xelyn." Saad no Ate Leah napayuko naman ako.
"PANIKI ni Xelyn? Ano yon?
"PANIKI, PANTY...NI XELYN"
"What? Eh bakit PANIKI?
"San ba Ginagamit ang Panty?
"Eh di Sa Ki..." Hindi na naituloy ni Mayor ang sasabihin Dahil napamura ito sabay tingin sa akin.
"f**k, Gabi na Ate Leah, Ako na ang bibili."
"Oh ayon naman pala eh, Bibilhan kana ni Mayor ng PANIKI."
"ATE leah..."
"Halika na Xelyn, Samahan mo na Ako, ng matapos na yang problema mo." Saad namam ni Mayor Mavee.
Halos pamulahan ako ng mukha dahil sa hiya. Ginamit namin ang sasakyan nya saka kami nagtungo sa bayan na medyo malapit sa isang Department Store.
Napakabilis ng hakbang ni Mayor kaya nakasumod lamang ako sa kanya.
Hangang sa makarating kami sa Bilihan ng mga PANIKI, este mga Panty pala.
Grabe ang mga panty dito, parang kakapiranggot na lang ang may takip, wala ba kahit parang soen ang gawa." Saad ko sa isip habang pumipili.
Sa wakas nakakita ako ng panty na medyo maayos ang cut. Bumili ako ng 3 pirasong panty. Inilapag ko iyon sa kahera. Nagulat pa ako ng ilapag ni Mayor ang ibat ibang Dark Color ng panty na medyo Seksi ang itsura.
Halos pamulahan ako ng mukha lalo na ng bayaran ni Mayor ang mga Panty.
"Sorry XL, walang Winnie the Pooh dito, Yan lang ang meron, sa tingin koy mas bagay sayo yan." Saad pa nito saka tumingin sa akin saka kinagat ang kanyang labi saka umalis. Nakasunod naman ako sa kanya. Hangang sa makarating kami sa sasakyan.
Hindi ako makakibo, Hindi ko alam kung paano sya ia approach. Imagine si Mayor may pa AYUDANG PANTY sa akin, napangiwi na lamang ako. Parang lululunin ako ng kahihiyan talaga.
Hanggang sa makarating kami, Nakakahiya man ngunit bago bumaba ay nagpasalamat din ako.
"Salamat Mayor" saad ko
"No worries, Alang alang sa ikapapanatag ng PANIKI mo." Saad ni Mayor saka Bumaba ng Sasakyan.
Hirap talaga spellingin ni Mayor, Supladong Maginoo" saad ko sa isip ko saka napailing na lamang din habang medyo natatawa na nahihiya sa aking isip.