Kabanata 9: "Huwag kang aalis dito ha, matulog ka o kaya manuod ka na lang. Huwag na huwag kang lalabas, nako! Siguradong malilintikan ako sa Boss ko kapag nalaman 'to," mahabang litanya ko kay Damulag na ngayon ay nakaupo sa sofa. Kasalukuyan kaming nasa staff room at kadadating lang namin. Sana lang talaga ay hindi ako ilaglag ng mga kasamahan ko rito. Huwag naman silang bida-bida. "Naiintindihan mo ba?" "Yes Mee," sabi niya na sumaludo pa tapos ay umayos ng upo bago ko buksan ang maliit na TV roon na para bang pagmamay-ari niya. "Aalis na ako, babalik ako kapag break time na namin kaya umayos ka ha." Tatalikod na sana ako nang tumayo si Damulag at halikan ako sa pisngi katulad ng ginawa niya kahapon. Napakurap-kurap ako ulit dahil doon bakit ba sa tuwing ginagawa niya iyon ay nap

