Kabanata 10: Napatingin ako sa mukha ni Damulag pagkatapos kong linisin ang sugat sa kanyang tuhod at siko. Payapa ang kanyang mukha habang natutulog at bahagya pang nakabukas ang bibig. Napabuga ako ng hangin bago iligpit ang mga panlinis sa sugat na aking ginamit. Kanina ay pagkatapos namin mag-iyakan ay umuwi na kami na parang walang nangyari. Natawa pa ako dahil kahit nadapa na si Damulag ay hindi pa rin niya binitawan ang buko juice na naka-plastic, na siya rin ang uminom dahil nauhaw siya. Umupo ako sa kama, kung iisipin ay hindi magandang tingnan magtabi ang babae at lalaki sa iisang kama lalo't hindi ko pa siya lubos na kilala. Maraming dahilan para hindi ko kupkupin pero hindi ko magawa. Napatingin ako sa phone nang tumunog iyon, napangiti ako nang makita ang pangalan na nak

