Kabanata 7: Mabilis ang aking kilos habang nililigpit ko ang lamesa. Hindi ako makapali at patingin-tingin ako sa pinto kung nasaan ang staff room habang nagta-trabaho. This is not good. Kahit anong pilit kong kumalma ay hindi ko magawa. Nakakainis! "Hay nako, Ateng baka mabali na ang leeg mo kakalingon nyan," bulong ni Jules sa akin sabay ngisi. Sa totoo lang ay kanina niya pa ako kinukulit na magkwento tungkol kay Damulag pero wala akong binanggit sa kanyang kahit ano. Mapapagod na lang siya kaka-tanong ay wala siyang makukuhang sagot sa akin. Napatingin ako sa wall clock na kanina ko pa ina-abangan, napabuga ako ng hangin nang makitang oras na ng out ko. Sa wakas! Kung noon ay hindi ko pansin ang oras ay ngayon ay inip na inip ako, ba't parang ang tagal ata ngayon? Mabilis an

