Kabanata 6: Nagpalinga-linga ako sa labas ng apartment bago ko sinenyasan si Damulag na lumabas doon. Hindi pwedeng makita siyang galing sa bahay ko dahil ang magagaling kong kapit-bahay ay matatabil ang dila. Siguradong kapag may lumabas na lalaki sa bahay ko ay iba na ang ibabalita ng mga iyan. Kesyo, buntis ako. Napairap ako sa hangin ng sumakay kami sa jeep ni Damulag ay kumandong ito sa akin. Putcha! Natawa 'yong mga kasabay namin. "Maupo ka, magbabayad naman tayo," utos ko sa kaniya na agad niyang ginawa, bahagya akong yumuko dahil sa pamumula ng mukha ko. Mas maaga akong umalis sa bahay ngayon dahil ayokong sumakay kay Berto paniguradong magtatanong na naman ng kung ano-ano iyon at sasakit ang ulo ko kakaintindi sa kaniya. Napatingin ako kay Damulag nang kumapit siya sa bras

