KABANATA 5

1300 Words
Kabanata 5: Pagkatapos kong maligo ay kaagad napakunot ang aking noo pagkalabas ko ng banyo dahil hindi ko makita si Damulag. Pagkatapos ko siyang paliguan ay ako rin ang nag-bihis sa kaniya dahil nakatitig lang siya sa akin kahit anong utos ko sa kanya. Pinaglalaruan pa niya 'yong abs niya sa harapan ko, akala ata pandesal. "Hoy Damulag?!" tawag ko sa kaniya. Mabilis kong inilibot ang aking paningin sa buong lugar. Nasaan na ba 'yon? Dumeretsyo ako sa kusina at gano'n na lang ang paglaglag ng aking panga nang makita ko siyang nakaupo sa lababo roon, sa laki niyang iyon ay isiniksik niya ang sarili roon habang pinapapak ang cheese powder. "What the? Anong ginagawa mo?!" gulat na aniko tapos ay mabilis na lumapit sa kaniya. Gulat siyang napatingin sa akin tapos ay bumaba sa lababo habang puro cheese ang gilid ng labi. Bahagya siyang yumuko animong takot na salubungin ang aking tingin habang sinisimot pa rin ang mga tirang cheese sa daliri. Mariin akong napapikit bakit ba kumuha pa ako ng sakit sa ulo? Imbes na wala akong iintindihin ay kumuha pa ako ng poproblemahin. Magaling, Denzy. "Bakit mo kinakain 'yan? Sira na ata 'yan, matagal na 'to rito," sabi mo sabay agaw ang cheese powder. Ibinalik ko iyon sa istante, nameywang ako paharap sa kanya. Ang inis ko ay biglang nawala nang makita ko ang buo niyang katawan. Medyo masikip sa kanya ang short ni Berto, hindi man iyon umabot sa itaas ng kaniyang tuhod hindi ko maiwasan hindi mapatangin sa nakabukol doon. Ang pinahiram kong shirt ay fit din sa kanya kaya kitang-kita ko ang kanyang braso. Napakurap-kurap nagbabakasakaling maalis iyon sa aking isip. Napaka bait ko, hindi dapat ako nag-iisip ng gano'n. Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon na ngayon ay abala sa paglalaro sa sariling kamay. "Kakalinis ko lang sa'yo tapos nagdudumi ka na naman," sermon ko tapos ay hinila ko siya sa lababo para hugasan ang kanyang kamay. Pagkatapos no'n ay tumingin ako sa kanyang mata nahuli ko itong nakatingin sa akin habang pinupunasan ko siya. Hindi ko mabasa ang kanyang emosyon blanko ang mukha niya pero may kakaiba sa kanyang mga mata. Nag-iwas tingin na lang ako tapos ay kinuha ang adobo sa ref na kahapon ko pa niluto. Hindi pa naman siguro sira at saka kung sira man nandyan naman ang banyo feel free naman siyang tumambay roon. Humarap ako sa kaniya nakita ko siyang sinisipat din ang loob lang ref tapos nang nakita niya akong nakatingin ay bumaba ulit ang mata niya sa kanyang mga paa. Geez, ang cute niya para siyang bata na nahuli ng magulang. "Umupo ka muna roon." Turo ko sa isang kahoy na upuan sa harap ng maliit na mesa ko. Hindi siya nagsalita, hindi rin siya gumalaw tumabingi lang ang kanyang ulo. Napailing na lang ako saka siya iginaya paupo sa isang plastik na upuan. Hindi pa siya tuluyan nakaka-upo ay nabiyak na ang paa no'n, napasalampak siya sa sahig habang napamura naman ako. Ilang taon sa akin 'yan! "s**t!" Kinuha ko ang sirang upuan saka ginilid, nang balikan ko siya ay nasa sahig pa rin siya habang hawak ang balakang. "Tumayo ka, masakit ba? Ang laki mo naman kasi." Napanguso siya. Nagpalinga-linga ako upang humahanap ng matibay na uupuan niya. Sa huli ay sa timba ko siya pinaupo, tinaob ko na lang iyon. Habang iniinit ko ang adobo ay ramdam kong tahimik lang siya sa likod ko, bahagya ko siyang sinulyapan nakita kong nakadukmo na siya sa lamesa at pumupungay ang mata. "Damulag oy, kain na muna." Kumurap-kurap siya bago mabilis na kumuha, madaming natatapon kaya sa huli ay ako na lang din ang naglagay sa pinggan niya. Kita kong napangiti siya nang malasahan ang luto kong pagkain, hindi siya nagkutsara basta pinasak na lang niya bigla sa bunganga niya iyong manok tapos ang kain ay iniikot at binibilog niyang parang bolang maliit sa malaki niyang palad bago kainin. Hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya, ibang-iba na ang itsura niya roon sa kaninang nasa ospital na gusgusin. Ngayon ay malinis at mabango na siya pero bakit gano'n ang kaniyang pag-iisip? Hindi pa natatapos ang araw pero ang dami ng nangyari. What if he's a bad guy? Paano kung umaarte lang siya na wala sa tamang pag-iisip. Sana hindi ko pag-sisihin ang pagtulong sa'yo, Damulag. PAGKATAPOS namin kumain ay hinila ko siya sa maliit na sofa. Hindi kami pwede magkasama sa kwarto. May regla kase ako—este hindi ko siya gano'n kakilala. Mahirap na no. "Dito ka matutulog." At bukas ay ibabalik na kita sa kalsada, hindi ko iyon maidagdag. Hindi ko kaya. Nakatingin lang siya sa akin, pakiramdam ko tuloy ay ako ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa dahil sa tingin niya. Inabutan ko siya ng extrang unan at kumot. Chineck ko rin ang pinto bago bumaling sa kanya na nakabaluktot sa maliit kong sofa. Dilat na dilat siya hindi ako nagsalita, akmang lalagpasan ko na siya ay nakita kong sumulyap siya sa akin. "M-Matulog ka na kasi maaga tayo bukas." Maaga kitang ibabalik sa kalsada. Hindi ko na naman na idagdag basta isinara ko ang pinto ng kwarto ko bago mahiga. Lumipas ang ilang minuto ay tulala ako sa kisame. Nakailang pabaling-baling ako sa kama pero hindi pa rin ako madalaw ng antok kahit pagod na ako at gusto ng magpahinga ng mata ko.Bakit ba hindi ako makatulog? Putcha, nababaliw na talaga ako. Mariin akong pumikit tapos ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Naabutan ko si Damulag na nagbabaling-baling sa sofa, pinaglalaruan niya ang kanyang paa. Napatingin siya sa gawi ko nang tumunog ang pinto, mas niluwagan ko ang bukas nito. Pinagkrus ko ang braso sa harap ng dibdib kong flat. "Basta huwag kang didikit sa akin. Sa kama ka na rin matulog at—" Nanlalaking mata ko nang hindi pa ako tapos magsalita ay nilagpasan na ako ng dimuhong lalaki at patalon na nahiga sa kama ko at humagikgik animong natuwa siya sa lambot nito. Nagsalubong kaagad ang kilay ko dahil doon. Aba't ang kapal ng mukha. "Umusog ka nang kaunti," utos ko sa kaniya na sinunod naman niya kaagad, mabuti at malapad ang higaan ko. Nahiga ako habang pigil ko ang aking hininga, hindi dahil sa may katabi akong lalaki. Kundi dahil umutot siya. Tahimik pero pamatay. Halos umikot ang mata ko dahil doon napabalikwas ako ng pagkakahiga at tinakpan ang ilong ko. "Munyeta namulag, humutot ngapa. Ngelan nga ba numae?!" Ngongong usal ko dahil nakatakip ang ilong ko at winagayway ang kamay animong tinataboy ang masamang hangin. Nakita kong namula ang mukha ni Damulag tapos humawak sa tiyan tumingin sa akin. "I want to poop, m-mommy." pahina nang pahina usal niya hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Agad akong tumayo at hinila siya papunta sa banyo. "Kaya mo na iyan ha?" tanong ko tapos ay lumabas na. Umupo muna ako sa sofa. "Bwiset! Denzy ano bang pinaggagawa mo! Wala ka na ngang pera kukuha ka pa ng aalagan! Tapos ano? Papalayasin ka sa bahay na ito tapos isasama mo pa rin siya sa kalsada tss." Naihilamos ko ang sariling palad sa aking mukha habang kausap ang sarili. "Magpokpok na lang kaya ako?" Napahawak ako sa dibdib ko. "Okay lang kaya ro'n hindi masiyadong malaki." Tapos napatingin ako sa ibabang parte ko. "Mabango naman ang pukekeng ko." Tumango-tango pa ako. Tapos ay mariin akong napapikit. "No... Hindi ko iyon kaya. Baka kapag nalaman pa ni Berto na p****k na ako e ibenta niya ang padyak niya para matira lang ako. Nako! Hindi bale na lang," bulong ko na may kasamang pag-iling pa. Napatitig ako sa kisame ng aking apartment. Kailan kaya ako yayaman? Ang hirap maging mahirap. Mula sa pagkakatulala ay napabalikwas ako sa pagkakaupo ng sumigaw si Damulag. "Mommy!! Wash my butt!!" Tengeneeee? _________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD