Kabanata 36: "Hush. Mee. It's me, your baby Damulag." Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi ni Damulag. Tama ba ang narinig ko? Naaalala na ba talaga niya ako? Kailan? Paano? Inaasahan ko na iyon base sa mga kilos niya kapag kami lang pero ang sarap pala sa pakiramdam na sabihin niya iyon mismo sa harapan ko. Hindi ko alam pero tuluyan ng tumulo ang luha ko. Tears of joy na lang siguro para akong nabunutan ng tinik dahil sa narinig ko gusto ko sanang magtanong sa kanya pero sa sitwasyon namin ngayon ay mukhang hindi ako pwedeng makapagtanong. "Who's there?" "May tao ba diyan?" Kumabog ang puso ko dahil naalala ko ang nakita ko kanina. My twin sister, Diane. She's alive, hindi ko alam kung paano. Narinig ko ang kanilang mga yabag papalapit kung nasaan kami ni Damulag. Mas isiniksik ko

