Kabanata 35: Nagsalubong ang aking kilay nang paglabas ko ng elevator ay nakita kong nandoon si Bianca at parang may inaabangan. Kakauwi lang namin ni Damulag galing sa bayan. Hindi ko pa rin ako maka-move on sa mga pinaggagawa namin. Nagtatampo ako pero kanina habang magkasama kami hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba iyon o talagang ginawa namin ni Damulag ang mga ginagawa namin dati. Bumili kaming cotton candy at buko juice tapos nag-aya siyang bumili ng damit, couple shirt. Kaya naman dala-dala ko ang isa no'n na ibinigay niya sa akin. Tapos pumunta rin kaming palengke, naglibot lang kami hanggang magdilim. Walang oras na hindi siya nakakapit sa qkin kaya hindi maalis sa isip ko kung nakaalala na ba siya. Ang hindi ko

