Ngayon ang araw ng pagdating ni Mr. Cali sa hidden mansion ng mga ito . Ala una ng hapon nang magsimula na kaming ihanda ang aming sarili.Dalawang oras o mahigit ang biyahe papunta sa mansion na iyon kaya kailangang maaga ang alis namin. Naisip ko ang susuotin kong dress na lampas hita ko lamang ngunit noong kinuha ko ito sa wardrobe ay nanlumo ako nang makitang gutay-gutay ang suot ko na parang pinagtripan ng gunting. " Walang hiya ka talaga!" Kumatok si Princess Claire sa aking kwarto at nagulat ito nang makitang hindi pa ako nakapagbihis. " W-wala kang dress? I have dresses but I don't know if it will fit on you!" Talagang hindi kakasya sa akin dahil maliit lamang ang dibdib ni Princess Claire. " Hey, may nakita akong dress rito oh!" Nakangiting saad ni Ken sa akin at iniabot ang b

