Umuwi na kami ni Tiger sa aming lakehouse. Kaming dalawa lamang ang narito dahil nakiusap si mama na doon na muna ang kambal sa kanya.Pagdating ko sa bahay ay naligo na muna ako dahil ang lagkit ng katawan ko .Si Tiger ay humingi muna ng permiso sa akin na pupuntahan muna si Tobby dahil may problema raw ito. Naghahanda ako ng lulutuin para sa hapunan namin nang marinig kong tumunog ang doorbell . Nang binuksan ko ang pinto ay nakita ko si Tiger na may dalang isang bouquet ng puting rosas. " Para sa aking pinakamagandang asawa!" saad niya habang iniaabot sa akin ang bulaklak. " Maganda lang hindi sexy?" " Syempre pinakamaganda at pinakasexing asawa!" " Maganda at sexy lang? Hindi mo mahal?" " Jelaine, 'ayan ka na naman ...hindi matatapos ang usapin natin pag ganyan ka!" "Ba't parang

