Chapter 5

1276 Words
Chapter 5 JASMINE Papasok pa lang ako sa loob ng gate ay may naririnig na akong may nagtatawanan sa loob ng bahay ng aking kaibigan na si Vilma. Kumatok muna ako sa pinto hindi pa ako nakapasok ay hinila na ni Vilma ang kamay ko. Hindi rin magpapahuli ang isa namin na kaibigan na bakla na si Willie. "Hmm, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong sa akin ni Vilma at pinaupo ako sa kanyang tabi na hawak-hawak niya ang gown niya na puti. Hindi ko kaagad siya sa tanong niya sa akin. Tinapon naman sa akin ni Nina ang unan na hawak. Ngumuso lang ako sa mga kaibigan ko. "Hoy, Jasmine! Kung pinunta mo lang dito na sisismangot ka bawal iyan dito girl. Alam mo naman na ilang araw nalang ay ikakasal na'to si aling Vilma." Malakas na boses ni Willie. "Ikaw pala Jasmine, kumusta ang Mama mo matagal-tagal na rin hindi ko siya na bisita?" nakangiting tanong sa akin ni Aling Eula. Sa awa ng panginoon po okay lang po siyzt Tita, salamat po," saad ko at tumayo para kunin ang hawak niyang tray na lamang juices. Ayokong masira ang araw ng kaibigan ko na si Vilma. Dahil limang araw nalang ay ikakasal na siya sa jowa niya nakilala niya ng nasa Dubai siya. Isang sales lady naman ang kaibigan ko at nurse ang kanyang boyfriend. Nakisabay na rin akong nagbibiruan sa kanila feeling nakakalimutan ko na may problema ako. "Hindi-hinding kita mapapatawad Jasmine kung hindi ka dadalo sa kasal ko isa sa mga abay ko. Para next ikaw na ang ikakasal." Biro sa akin ni Vilma. "Hmm, how's Vinnie? Wala ako trust, trust and trust d'yan sa jowa mo girl. Itsura pa lang ay hindi na mapagkakatiwalaan. Yeah gwapo nga pero hmm playboy." Pinatahimik agad siya ni Vilma si Willie. "Ikaw talaga Willie ang bibig mo kahit kailan walang preno," suway ni Tita Eula na tinatahi ang flower sa gown ng kanyang anak na si Vilma. "Tita kailan pa nakokontrol ni Willie ang bibig niya. Kung malaman ko lang sino ang secret crush ng bakla na'to ay humanda siya sa akin." Wika ko. Tumawa ng malakas si Willie, tila thunder na nagulat kaming lahat muntik pang masugat ni Tita Eula ng karayom ang kamay niya. "Isa lang crush ko ang nag-iisang Gilbert Mauritius. Kaya ikaw Jasmine lubayan mo ang poging Gilbert na'yun, don't tell na aagawin mo siya sa akin." Napaawang labi ko sa sinabi ni Willie. Pakiramdam ko iba ang pagkarinig ko at tinamaan ng puso ko ng kakaiba. Tila kumatok sa puso ko sampung tao na paulit-ulit. Inayos ko ang upo sa at sinandal ko ang likod ng maayos. Kahit nakatutok naman sa akin ang electrifan ay pinapawisan ako. Kung hindi lang si Willie ay boss ng saloon niya ay kanina pang wala ang malanding bakla na'to. Mabuti na lang hindi nila napapansin kung bakit nandito ako ng wala sa oras. Tiningnan ko si Vilma na pinapasukat ng kanyang ina ang gown niya. Habang pinagmamasdan ni Vilma ang kanyang sarili sa salamin ay seryosong nakatingin kami ni Willie sa kan'ya. Hindi ko namalayan na alas tres y medya na pala ng hapon. Magpapaalam sana ako na uuwi ay biglang bumagsak ang malakas na ulan. Nakalimutan rin naming kumain ng tanghalian. Narinig kung naghahanda ng pagkain si Tita Eula Kasama niya si Vilma. Tumayo ako at dahan-dahan akong humakbang papuntang kusina. Tutulongan ko sana sila ay pinigilan ako ni Vilma. Nakita ko ang mesa ay naka-ready na ang lahat. Nagulat ako kinurot ni Willie ang tagiliran ko. "Jas, sino yung naghatid sa'yo, ngayon ko lang naalala itanong sa'yo?" bulong na tanong sa akin ni Willie. Hindi ko alam ano ang isasagot ko sa kaibigan ko. Hanggang sa pinalo niya ang braso ko dahil nakalutang sa ere ang isip ko. "Sino ba siya? Isang kaibigan Will nadaanan niya ako kanina kaya nag prisinta na ihahatid ako. Pumayag na rin ako dahil free." Medyo nauutal at nalilito ako sa sagot ko. "Talaga lang ah, Jasmine. Bakit nasa labas pa rin hanggang ngayon ay yellow Lamborghini?" lumaki ang dalawang mata ko sa sinabi ni Willie. Patakbo na tinungo ko ang bintana sa maliit na living room. Dahan-dahan kung itinaas ang blue na kurtina at sinilip ko sa bintana kung totoo ang sinasabi ni Willie. Nang makita ko ang sasakyan ni Gilbert ay napatakip ako ng bibig ko. Tama nga ang sinasabi ni Willie. Ano ang ginawa ni Gilbert dito sa harap ng bahay ng kaibigan ko. Ang magarang sasakyan niya basang-basa ng ulan. Hindi pa ako nakonteto pinalaki ko lalo ang dalawang mata ko. I wanna make sure na sasakyan ba ni Gilbert ang nakikita ko. Hindi ko alam ano isasagot ko kay Willie dahil kanina pa akong kinukulit. "Jasmine!" tila banta sa akin ni Willie. Thank God at tinawag na kami ni Vilma para kumain. Habang sinusubo ko ang pagkain ko ay ang isip ko ay si Gilbert na nasa labas. Palihim na tinititigan ako ni Willie, hindi talaga akong titigilan ng bakla na ito hangga't wala siyang makuha sa akin na sagot. Maya-maya ay natapos na rin kaming kumain. Mabilis rin namin natapos ligpitin ang pinagkainan namin. Binuksan ko ang bintana at tumili na rin ang ulan. Sabay kami ni Willie nakasilip sa bintana kung nandoon pa rin ba ang sasakyan ni Gilbert. I sighed, dahil nawala na ang sasakyan na kanina pa itong binabantayan ni Willie. Maya-maya ay nagpaalam na rin akong umuwi. Si Willie ay wala yatang balak na umuwi siya pa excited sa ikakasal. Hinatid ako ni Willie sa labas ng gate. Left to right niya tinitingnan kung may yellow sasakyan ba. "Sino ba iyun? tanong ulit. "Si Gilbert," mahinang sambit ko. Napatili ng sigaw ang bruha ng sabihin kung sino ang naghatid sa akin. I shook my head for how many times. He kissed me left to right. "Selfish mo girl! Bakit hindi mo sinabi kaagad para papasukin sa loob. Jasmine may hindi ba kami nalalaman? Teka nalito muna ako e, Gilbert as in Gilbert Mauritius iyon?" I nodded to him. "Kung ano man ang nasa isip mo ay mali. Like what I say hinatid niya lang ako. You know Gilbert pagdating sa akin ay laging may regla ang lalaki na'yun." Tinaasan lang ako ni Willie ng kilay. "Huwag mong sabihin sa akin na makalusot ka sa akin. Dahil mark my words Jasmine until hindi mo masabi kung anong meron sa inyo hindi kita patahimikin," banta ni Willie sa akin at tinulak ko siyang pumasok sa loob. Kilala ko si Willie hindi matahimik ang kaluluwa until hindi niya malaman kung ano ang totoo. Nang marinig niyang malakas na sigaw ni Vilma ay mabilis siyang pumasok. Walang tricycle na dumadaan sa harap ng gate ng bahay nj Vilma. Hanggang sa nilakad ko kung saan banda ang bahay ni Vilma sa Island na'to. Nang wala akong makitang masakyan ay biglang may pumaradang sasakyan sa harap ko. Sabayan pa ng malakas na ulan basang-basa ako ng ulan tumakbong umikot si Gilbert para pabuksan niya ako pinto ng kanyang sasakyan. Para siyang superhero ng buhay ko. Hindi kami nag-iimikan sa loob ng sasakyan niya. Ako naman ay mag-uumpisa na akong lamigin medyo se-sensitive pa naman ako lamig ng ulan. Mula ng bata pa ako ay hindi talaga ako naliligo sa buhos ng ulan hindi ako katulad ng ibang bata na masaya sa labas ng ulan na naglalaro sa ulan. Tumigil sa pagmamaneho si Gilbert na mapansin kinakamot ko ang leeg ko. Walang tigil pa rin ako sa kakamot 'till sa para akong kinagat ng bubuyog ang leeg ko. Mas natataranta pa si Gilbert kaysa sa akin. "Dadalhin kita sa hospital," he said at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD