Chapter 4
JASMINE
Kinabukasan ay maaga akong gumising after ng party ni donya Daniela sa mansion. Tiningnan ko ang oras ay pasado alas singko palang ng umaga. Hindi pa rin nawawala sa isip ang nangyari sa amin ni Gilbert hindi pa rin nagbabago ang kanyang ugali mainitin pa rin.
Pakiramdam ko hanggang ngayon ay ang kanyang mainit na hininga ay nakadikit pa rin sa mukha ko. Ang kanyang mata tila anino na naglalaro sa aking mata. I shook my head. Bakit kay aga-aga siya ang laman ng isip ko ang anak ni Ms. Minchin na'yun?
Para akong bata sa ibabaw ng kama ko na pagulong-gulong. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko para makaidlip ulit pero matapang ang mata ko ayaw na yatang dalawin ng antok. Ginawa ko ay bumangon ako at naligo. Ngayon araw din ang pag-umpisa ko na maghanap ng trabaho.
Pagkatapos kung maligo ay pumunta ako ng kusina as usual nagluto ako ng almusal namin. Ang niluto ko ay less cholesterol para sa kalusugan ni Mama at Papa. Hindi rin akong gumawa ng kahit anong ingay sa loob ng kusina ayoko rin na magising ng maaga ang mga magulang ko.
Next year din ang kaarawan ko after ng new year. Kung may sapat lang sana ako ng pera at hindi ako nawalan ng trabaho ay plano ko pa naman sa aking kaarawan na unwind ko si Mama at Papa sa Manila. Gustong-gusto kasi ni Mama na makita ang Mall of Asia kahit ako rin hindi ko pa kasi napuntahan ang mall na'yun.
Nagulat ako na biglang tumunog ang cellphone ko sa counter namin na maliit. Kumunot ang aking noo ko na makita ko sa screen ng cellphone ko ang number ni Vinnie. Himala na tumawag siya sa akin e, ilang araw na hindi siya nagpaparamdam sa akin.
"Hello," sagot ko sa linya.
"Hon, I miss you pasensya na I was busy sa trabaho ko nawawala na ang oras ko sa'yo, promise next week bibisitahin kita. Then naalala mo na sa darating na birthday mo ay isasama kita sa Maynila?" bumuntong hininga ako sa sinabi ni Vinnie sa akin.
"Salamat Vinnie may time pa naman baka magbago pa ang isip mo. Huwag muna na'tin pag-usapan ang birthday ko. Edi sa pasko magbabakasyon kayo rito?" tanong ko para maiba ang usapan namin.
"Yes, hon. Can't wait to see you," he said.
"See you Vinnie, I have to hang up the call may ginagawa pa ako," sabi ko ibaba ko na sana ang tawag ko ay narinig kung may babaeng nagsalita sa linya.
Tinanong ko si Vinnie kung sino ang babae na'yun. Hindi agad sinagot ni Vinnie ang tanong ko sa kan'ya ng hindi ko na hinintay pa ang sagot niya sa kabilang linya, pinatay ko agad ang cellphone ko.
Sa inis ko kay Vinnie ay nawala ang magandang mood ko. Teka maganda nga ba ang mood ko? Pati ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Ilang sandali ay pumasok rin si Mama at Papa sa kusina. Nakangiting lumapit sila sa akin at isa-isa ko silang hinalikan sa pisngi. Napapangiti ako ng sekreto ng subuan ni Papa si Mama. Kahit matanda na sila Papa and Mama ay hindi pa rin nawawala sa kanilang lambingan. Sana all nalang ako sa magulang ko hindi katulad ng relationship ko na minsan sweet minsan bitter.
"Nakita mo ba si Gilbert anak? Aba ang gwapo ng bata na'yun magalang at mabait pa." Puri ni Papa kay Gilbert.
Tumikhim ako sa harapan nila Mama at Papa. Tinanong ako ni Mama kung okay lang ba ako, nginitian ko sila ang tanging tango lang ang nagawa ko. Bakit ba kasi pangalan pa lang ni Gilbert ay nabubulunan na ako.
Pagkatapos namin kumain ng almusal ay nilinis ko muna ang kusina. Hanggang ngayon hindi ko pa nasabi kila Mama at Papa na nawalan na ako ng trabaho. Sana ay makakahanap din ako ng bagong trabaho.
Sinuot ko ang black jeans at puti na t-shirt, pagkatapos kung suotin ay kinuha ko rin ang jeans jacket ko sa loob ng kabinet ko. Light makeup lang nilagay ko sa mukha ko ng tingnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin ay halatang puyat ang mata ko. Dinagdan ko ng concealer ang ilalim ng mata ko.
"Ma, Pa aalis na po ako. Kung pupunta po kayo Papa sa manggahan mo ay huwag pong magpainit sa sinag ng araw." Habilin ko kay Papa sabay halik sa kanyang pisngi.
Habang naghihintay ako ng sasakyan sa kanto ay tumunog ang cellphone ko. Nang makita ko ay ang pinsan kung si Danica ang sinagot ko naman agad ang kanyang tawag.
"Ate Jasmine, may good news ako sa'yo, 'di po ba ay naghahanap ka ng bagong trabaho." Sabi ng pinsan ko, napangiti ako dahil tinawag niya akong ate minsan lang kasi ako niya na e-ate laging Jasmine ang tinatawag niya sa akin.
"Wow! Saan naman iyan at mapuntahan ko agad," mabilis na tanong ko.
"Alam mo 'yung bagong maliit na resort sa Perlas Resort. Kailangan yata nila ng new receptionist."
Nagpasalamat ako sa pinsan ko after namin mag-usap ay pinatay ko ang cellphone ko.
Pagkalipas ng kalahating oras ay nasa harap na ako ng Perlas Resort dito sa Batangas. Pumasok ako sa loob tinanong ko ang isang security guard kung totoo bang naghahanap ng bagong receptionist ang resort. Tumango sa akin ang guard at tinuro niya sa akin kung saan banda ang nag-e-interview new aplikante.
Umupo ako kasama ang ibang babae. Sa init ng panahon ay lahat kami ay pinapawisan sa loob. Kahit naka-on naman ang AC ay naiinitan din kami.
Hanggang sa isang oras din akong naghihintay na tawagin ang pangalan ko. Ang iba ay katulad ko rin naiinip. Pero kailangan kong magtiis para sa ekonomiya este para sa magulang ko. Nang may babaeng lumabas mukha pa lang ay manginig ka na sa nervous kung siya mag-e-interview sa'yo. Ang strict kasi ng mukha at hindi na yata bumaba ang kilay. Tinapik ko ang noo ko dahil bakit ang kilay ng babae ang napansin ko.
"I'm sorry ladies, may napili na po kami." She said, nagkatinginan kaming lahat kanina pang nangangawit ang paa namin sa kakahintay tapos at sorry lang pa ang hinihintay namin.
Lumabas ako, ng nasa labas na ako ay naririnig kung nag-uusap ang ibang babae. Pinag-uusapan nila na sana ay muling magbukas ang Mauritius resort. Malaki kasi nagpapasahod ang pamilyang Mauritius sa mga empleyado nila.
How I wish na magbukas din ulit ang Mauritius resort dahil I'm sure na matanggap ako bilang receptionist o isang secretary ni donya Daniela.
Umupo ako sa isang bakanteng bench. As usual nag-iisip naman ako saan ako pwedeng mag-apply. Hindi ko namamalayan na may isang lalaking lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Amoy na amoy ko ang mabaho niyang hininga kay aga ay amoy alak na lalaki.
Kung ano-ano na ang pinagsasabi. Hinawakan niya ang braso ko sinubukan ko siyang itulak ay mas hinigpitan niya ang paghawak sa braso. Hanggang sa hindi ko namalayan na may isang malaking anino na nakita ko ay tinanggal niya ang kamay ng lalaki sa braso ko. Sinuntok din niya ang mukha ng lalaki.
"Gilbert," sambit ko, akala ko ay namamalikmata lang ako.
Hanggang sa may lumapit na dalawang lalaki para awatin nila si Gilbert. Ilang beses ko rin pinapatigil si Gilbert na tama na ang kakasuntok sa lalaking walang lakas at dumugo pa ang bibig ng lalaki.
"Ma'am and Sir pasensya na po kayo kay Manong Cardo dahil sure na natalo naman sa sabong kaya ginawa na naman almusal ang alak," paumanhin ng isang security guard.
"Dapat safety kayo sa resort na'to. How come kung may mangyaring masama sa mga turista na dumayo sa Island na'to," na tahimik ang dalawang guard sa sinabi ni Gilbert sa kanila.
Nakiusap din ang dalawa na kung pwede na hindi na makarating sa manager ng resort ang nangyari. Sumang-ayon naman si Gilbert sa pakiusap ng dalawang lalaki. May puso rin pala ang masungit na lalaki na'to.
Napangiti ako ng lihim. Nang makita niya akong nakangiti ay tinaasan ako ng kanyang kilay. Tinitigan niya ako. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa kanyang titig.
Hahakbang sana ako ay mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. Ito na naman ang kabog ng dibdib ko lalong tumitindi ang kabog ng bigla niya akong hinila palapit sa kan'ya.
Ang mata niya ay kitang-kita ko kung paano bumaba sa aking labi. Napalunok ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Akala ko ay hahalikan niya ako. Nang ilayo niya ang sarili niya sa akin ay nakaginhawa ako ng maluwang.
Hinatak niya ang kamay ko, para naman akong batang nakasunod sa kan'ya. Hanggang sa dumating kami sa magarang sasakyan niya na Lamborghini. Binuksan niya ang frontseat ng sasakyan.
Inutusan niya akong pumasok. Hindi ko rin maintindihan kung isang salita lang niya ay napapasunod niya ako. Tila kinikilabutan ako na katabi ko siya.
"Anong ginawa mo rito sa lugar na'to?" he asked me.
"Nag-a-apply ng bagong trabaho," sagot ko.
Walang salitang lumabas sa kanyang bibig. He took a deep breath at pinaandar niya ang manibela ng sasakyan niya.
"Ihahatid na kita," ang mata niya sa akin.
"Ihatid mo muna ako sa bahay ng kaibigan ko," nag-salubong ang kanyang makapal na kilay sa sagot ko.
Magprotesta sana siya ay hindi na niya tinuloy. Hanggang sa dumating kami sa address na sinabi ko.
Jasmine if you need anything I can help you, this is my number anytime pwede mo akong tawagan." Nagdalawang isip pa akong kung kukunin ko ba ang number niya. Tinawag niya ulit ang pangalan ko. Hindi ko rin natiis na kunin ko ang inabot niya na card.
Lumabas ako ng sasakyan niya at nagpasalamat sa paghatid sa akin. Paglabas ko ay hindi ko na siya nilingon pa ulit. Narinig ko lang na pinaandar niya ang kanyang sasakyan.