Chapter 3
JASMINE
Kung hindi dahil sa anak ng tikbalang na'yun hindi sana nadumihan ang sling bag ko. Regalo pa naman ni Mama ito sa akin last year, pero mabuti na lang ang sling bag ko ang nadumihan kaysa ako ang nahulog sa putikan.
"Jasmine!" malakas na boses na tawag sa akin ng pinsan ko na si Danica.
Nakita ko siyang tumakbong lumapit sa kinaroroonan ko. Kilala ko ang pinsan ko hindi yan nagmamadaling lumapit sa akin kapag walang nasagap na balita.
"Danica, kung may tsismis ka na naman na e-chika sa akin pwedeng mamaya mo na lang sasabihin. I don't have enough time. Late na ako baka pagalitan ako ni Dr. Emanuel." Sabi ko sa pinsan ko.
"Sige mamaya ko nalang sasabihin sa'yo. May gwapo kasi kanina sa clinic kausap ni Dr. Emanuel, I think kaibigan niya pogi na'yun katulad ng boss mo," umiling-iling lang ako sa sinabi ni Danica sa akin at tinalikuran ko siya. Kung sasagutin ko pa baka lalo akong mahuli sa trabaho ko.
Pagpasok ko sa Emanuel dental clinic center ay may dalawang babaeng nakaupo sa waiting area. Nginitian ko sila ng matamis na ngiti at binati ko rin sila ng magandang umaga. Malaking hakbang kung tinungo ang front desk ko. Hindi pa ako nakaupo sa pwesto ko ay nakita kung bumukas ang sariling opisina ni Sir Emanuel.
"Good morning Sir," I said.
"Good morning too, Jasmine. Please come to my office," he said.
Nilagay ko sa ilalim ng mesa ang bag ko at inaayos ko ang sarili ko bago ako papasok sa opisina ni doctor Emanuel. Nakaramdam tuloy ako ng kaba sa boss ko. Siguro may importante siyang sasabihin sa akin o baka galit siya sa akin dahil almost thirty minutes I'm late. Malaya akong pumasok sa opisina ng boss ko dahil iniwan niyang nakabukas ang pintuan.
"Sir," I said.
"Come in, Jasmine." Mahinahon sabi ng boss ko.
Hindi pa naman matanda si Sir Emanuel at age of 34 ay parang fifty na ang itsura kung seryoso siya. Kung nakangiti at nasa mood ay litaw na litaw ang kanyang kagwapuhan. Tumikhim muna ako bago nagsalita. Tila nanginginig na naman ang tuhod ko.
"Sir, sorry I was late. Dahil nahihirapan po akong humanap ng sasakyan. Ano po ang kailangan n'yo?" tanong ko.
"It's okay, Jasmine. I want you to talk to you. Alam mo naman my family nasa Canada sila. Next day, I have to travel." Malungkot na sabi ni Dr. Emanuel sa akin.
"Po, bakit naman po biglaan Sir?" malumay na boses na tanong ko.
"I'm sorry, Jasmine. I want to inform you na ang dental clinic ko ay benenta ko at hindi na ako ang may-ari. Don't worry kung papayag ang bagong dentista na ikaw ang kukunin niya ay mananatili ka pa rin sa trabaho mo. Kapag hindi ay…" hindi natuloy ni Dr. Emanuel ang sasabihin.
"I understand po Sir, huwag po kayong mag-alala baka makahanap din po ako ng mapapasukan." Sabi ko, tumayo ako at nagpaalam ako sa kan'ya.
Wala akong ka-energy na lumabas sa office ni Dr. Emanuel. Dumiretso ako sa aking table at sinandal ko ang likod ko sa maliit na swivel chair ko. Hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin ang isip ko sa sinabi ni Sir Emanuel. Nahilot ko sintido ko bigla rin sumakit ang aking ulo.
Pagkalipas ng ilang oras ay oras na out ko, nagpaalam ako kay sir Emanuel. Tomorrow is my last day at the clinic. Alam ko na mahalaga kay Sir ang dental clinic na ito. Hindi ko naman hawak ang kanyang desisyon na bilga niyang binenta ang kanyang dental clinic. Nang makita ako ang ibang ka-work ko sa clinic na'to ay tinawag nila ako.
"Sinabi na ba sa'yo ni Sir Emanuel na hindi na sa kan'ya ang dental clinic?" tanong sa akin ni Randy."
"Oo, nabigla rin ako e, next day na rin ang punta niya ng Canada," I said ang mata nila sa akin.
"Paano, mag-umpisa ka na maghanap ng trabaho? Sinabi ba sa'yo ni Sir Emanuel kung sino ang bumili ng kanyang sariling dental clinic?" tanong ni Carol. I shook my head to them.
"Sige, see you tomorrow." Paalam ko.
Pakiramdam ko parang tumigil ang oras para sa akin. Saan kaya ako makahanap ng panibagong trabaho nito? Nang nasa bahay na ako ay tahimik ang loob ng bahay. Siguro ay napagod na naman ang katawan ni Mama at si Papa naman ay sa likod ng bahay na nagpapahangin.
"Anak, dumating ka na pala? Kumusta ang araw mo sa trabaho?" tanong ni Papa sa akin
"As usual po Papa. Ano po ang napag-uusapan n'yo ni Donya Daniela kanina?" pag-iiba ko sa usapan namin ng aking ama.
Hindi ko rin alam kung paano ko umpisahan sasabihin kay Papa na bukas na ang huling pasok ko sa clinic. Saka ko na lang sasabihin sa kanila kung wala ako mahanap na trabaho o baka ang papalit kay Dr. Emanuel ay ako rin ang kukunin niyang executive secretary sa clinic.
"Alam mo naman anak, malaki ang utang na loob natin sa kanila. Tulad ng sinabi niya sa'yo kanina pero ang desisyon ay nasa iyo pa rin anak. Kung papayag ka sa kagustuhan ni Donya Daniela ay ikaw pa rin ang masusunod." Seryosong sabi sa akin ni Papa.
"Pag-iisipan ko Pa, alam mo naman kapag hindi ako nakikita ni Mama nalulungkot po siya at isa pa po ayoko rin po napag-alala ko si Mama." Sabi ko kay Papa.
"Ikaw talaga na bata ka, kung saan ka masaya anak sa mga gusto masaya rin kami para sa'yo. May sarili kang desisyon sa buhay anak at gusto rin namin ng Mama mo na Makita mo rin ang ibang lugar dito sa Pilipinas. Alam namin na matagal mo rin gustong lumuwas ng Maynila hindi mo lang magawa dahil kami lagi ang iniisip mo." Naiyak ako sa sinabi ni Papa sa akin. Ang swerte ko dahil may magulang ako tulad nila.
"Papa naman e, pinapaiyak muna naman ako, si Mama po Pa nasaan siya?" tanong ko kay Papa dahil mas lalong mag-e-emosyon si Papa baka maging isang drum ang luha ko.
"Jasmine nandito ako sa kwarto mo princess!" malakas na sabi ni Mama mula sa sarili kung kwarto.
Mabilis kung tinungo ang kwarto ko. Ano naman kaya ang ginagawa ni Mama sa kwarto? Nang buksan ko ang doorknob ay namilog ang dalawang mata ng makita ko ang mga dresses ko sa ibabaw ng maliit na kama ko. Nang makita ako ni Mama ay bigla niyang hinatak ang kamay ko.
"Ma, what does it mean? Bakit inilabas mo ang mga damit ko?" pagtataka na tanong ko kay Mama.
"Jasmine, may dinner tayo sa Mauritius mansyon mamaya gabi. Kaarawan ngayon ni Donya Daniela inimbitahan nila tayo sa kanyang kaarawan." Sagot ni Mama sa akin at mga mata ni Mama ay sa mga damit ko na nagkalat sa ibabaw ng kama ko.
Sa tagal ng panahon na lumipas nakalimutan ko rin ang kaarawan ni Doña Daniela Mauritius. Tumikhim si Mama sa harap ko.
"Ano, anak? Ano ba ang hinihintay mo pumili ka ng maisuot mo rito. Wala na tayong oras mamaya ay darating ang susundo sa atin. Nakakahiya kay Donya Daniela." Sabi sa akin ni Mama.
Marami po ba silang bisita Ma? Kung maraming tao Ma, kayo na lang ni Papa. Huwag na po n'yo akong isama." Pagtatangi ko kay Mama.
"Minsan lang ito anak e, puro ka naman trabaho. Don't worry anak ang malalapit lang na kaibigan ni Donya sa Mauritius Island lang invite at ibang kamag-anak." Saad ni Mama.
Biglang kumakabog ang dibdib ko. It means ang lalaking mula kaninang umaga ang nasa isip ko ay baka nandon siya ngayon sa Mauritius Island? Dahil si Donya Mauritius ang isa sa itinuturing ni Gilbert na ina mula ng iniwan siya ng kanyang ina. Hindi ko rin alam ang totoong story ni Gilbert, nasabi lang sa akin ni Luis na lumayas ang ina ni Gilbert at iniwan siya sa kanyang ama. Until now ay hindi ko rin nakita kung sino ang ama ni Gilbert.
Kinuha ko sa kamay ni Mama ang damit na inabot niya sa akin. Pakiramdam ko lumiwanag ang mukha ni Mama. Gustuhin ko man siyang kunsutuhin na silang ayokong magtampo sila ni Papa sa akin.
Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin akong magbihis. Sinuot ko ang blue cotton jumpsuit ko, nakalugay ang buhok sa likod na light brown ang kulay na hanggang baba ng balikat ko ang haba nito. Isa ito sa mga paborito ko na damit. Bukod sa fit na fit sa katawan ko at bagay na bagay rin sa kulay ng mata ko na dark green.
Kinuha ko ang maliit na bag ko at lumabas ako sa kwarto ko. Nabungaran ng mata ko ang lovebirds na sina Mama at Papa. Parang ngayon lang nila akong nakita na ganito ang ayos ko.
"Ang ganda ng prinsesa namin," puri ni Mama sa akin.
"Saan pa ba magmamana ang anak niyo, kundi sa inyo ni Papa." Nakangiting sabi ko kay Mama.
Ilang sandali ay may kumatok sa pintuan. Tumayo ako at binuksan ko ang pinto sa entrance namin ng buksan ko ay natulala ang lalaki ng makita ako. Nagulat siya ng magsalita si Papa sa likod ko.
"Magandang gabi po Ma'am and Sir, ako po si Benjamin ang isa driver ni Don George Mauritius," magalang na sabi sa amin ng driver.
Lumabas kami ng bahay, nagulat ang iba namin na kapitbahay dahil napaka-pormal namin sa suot naming damit na tatlo.
Walang kahit anong ingay sa loob ng magarang sa sasakyan. Ganito ka yaman ang Mauritius family sasakyan pa lang ay tila loob na ng mansyon ang loob nito at pasadong alas nuebe ng gabi kaming dumating sa mansyon ng pamilyang Mauritius.
Paglabas namin sa black limousine car ay sinalubong kami ng tatlong lalaking hindi namin kilala at may isang babae rin na may edad na rin. Pinapasok kami sa loob ng mansyon, twelve years mula ay ngayon ko lang naapakan muli ang mansyon. Marami akong alala sa mansyon na ito.
"Magandang gabi Donya Daniela at Don George." Bati ni Papa at Mama sa kanila.
"Happy birthday po Donya Daniela," masaya kung sabi kay Donya Daniela hinalikan ko siya sa pisngi.
Niyakap niya ako at gumanti ako sa yakap niya sa akin. Nakita ko inabot ni Mama kay Donya Daniela ang regalo namin. Hindi na ako nagtataka kung kailan binili ni Papa ang regalo. Ngumiti ako ng palihim.
Nagpaalam ako saglit sa kanila. Inikot ko ang mata ko sa loob ng mansyon. May mga bagay na konting nagbago it looks more elegant ang loob the luxuries are more elegant. May mga bagong chandeliers din pero napansin ko ang upuan sa living room ay black leather couch. Biglang kumunot ang noo ko sa taong papalapit sa kinatatayuan ko.
"Jasmine, right?" baritonong boses ng lalaki na nakangiti na inilahad ang kamay niya sa akin.
"Jasper Guillermo," I said.
"Thank you, you still remember me," he said.
"Sino ba naman ang hindi maka-alaala sa inyo. Ang iingay n'yo dati." Sagot ko.
"Yeah, you are more beautiful now. Ang laki na ng pinagbago mo? I'm sure, na may asawa kana or boyfriend?"
"Asawa no, but boyfriend meron," mabilis ko na sagot.
Magsasalita pa sana si Jasper ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Humingi siya ng paumanhin sa akin para sagutin niya ang linya. I nodded to him. Hanggang sa may isang lalaking nasagip ng mata ko na mukhang kanina pang nagmamasid sa akin. Ang tindig na'yun ay hindi ako pwedeng magkamali ang dalawang mata ko.
"Gilbert Mauritius," mahinang sambit ko sa kanyang pangalan.
Tila massive rock na sumabog ang nararamdaman ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nag-umpisa naman pawisan ang dalawang palad ko. To many things was on my mind ng muling pumasok sa isip ko sa labing dalawang taon na nakaraan. He still on my mind ang pang-iinis niya sa akin. Hinding-hindi iyun nabubura sa isip ko lalo na ang salitang paparusahan niya ako.
Ginawa ko ibinaling ko ang ulo sa bandang kanan. Kumuha ako lakas na loob gamit ang buntong-hininga ko. Exhale and inhale ang ginawa ko dahil pakiramdam ko tila titigil ang hininga ko sa anak ni Miss Minchin yan kasi ang serkerto na tawag ko sa kan'ya. Daig pa kasi niya si Miss Minchin sa pinapanood ko dati sa television.
I turned around suddenly and I was surprised at who was behind me standing seriously and his blue eyes on me. One of his right hands was inside his pocket the blue jeans he was wearing. He changed a lot. He had a muscular body. Tila tinuklaw ako ng ahas ng mapansin kung he was staring at me. Mula ulo hanggang paa niya ako tinitingnan.
I hate him so much. I knew he was getting older than me. Lumapit siya sa akin mabilis niyang hinuli ang isa kung braso. Gusto kung humingi ng saklolo pero tila kinandado ang bibig ko.
"Let me talk to you in a private place," he whispered in my ear, nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya sa akin.
"Who are you?" I pretend I don't know him.
"Come on Jasmine Sweden, until now pabe-baby ka pa rin," he said in a varitone voice.
"Bitawan mo nga ako! Lalaking asungot kung sino ka man!" madiin kung sabi. Nakita ko paano dumilim ang kanyang dalawang mata.
"Stop acting like you don't know me."
"Bakit sino ka ba? Baka gusto mo Mr. na sumigaw ako dito dahil bigla kang humahatak ng tao na hindi ka kilala." Ma-awtoridad na sabi ko.
Nakita kung sumingkit ang kanyang mga mata. Napaniwala ko yata siya na hindi ko siya kilala, gustong-gusto kung tumawa sa ekspresyon ng kanyang mukha. Kahit na nanginginig na ang dalawang tuhod ko. Kung hindi lang ubod ng sungit ang mokong na'to ay mas lalo siyang gumuwapo ngayon.
Tinalikuran ko siya at iniwan ng walang paalam, pero bigla niyang ang isang kamay ko. Muntik na akong mapasigaw sa gulat.
"Bitawan mo ako! Ano ba ang kailangan mo sa akin?" hindi niya sinagot ang galit na tanong ko sa kan'ya.
Nilayo niya ako sa maraming tao at dinala niya ako sa maliit na kwarto. Idinikit niya ang likod ko sa dingding. Halos magdikit na ang mukha namin na dalawa.
"Jasmine," bulong niya sa punong-tenga ko.
"Gilbert, nahihirapan akong huminga," sabi ko.
Binalewala niya ang sinabi ko sa kan'ya. Ang kabog ng puso ko ay hindi ko maintindihan. Kinagat niya ang ibabang labi niya, kitang-kita ko paano tumaas baba ang kanyang adams apple. Nang mapansin ko na gusto niya akong halikan ay nanlaki ang dalawa kung mata at malakas ko siyang tinulak.
"Jasmine, anak!" malakas na tawag ni Mama sa pangalan ko.
Inayos ko ang sarili ko ayokong makita ako ni Mama na tila hinabol ako ng sampung kabayo sa itsura ko. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko gamit ang aking palad. Nilingon ko si Gilbert na ang kanyang mata ay nakatingin pa rin sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay tinalikuran ko siya at mabilis ko siyang iniwan napahilamos ako ng aking mukha.
"Jasmine," tawag niya ulit sa pangalan ko. May sinabi siya sa huli ay hindi ko masyadong narinig dahi sa lakas ng kabog ng dibdib ko.