Chapter 2

2046 Words
Chapter 2 JASMINE Twelve years later... Ang bilis lumipas ng panahon, twelve years from now malaki na ang pinagbago ko. Dati ako iyong bine-baby ni Mama at Papa ngayon ay dalagang-dalaga na ako. I am twenty four years old now, mula ng nagkasakit si Papa ay ako na ang sumusuporta sa kanila ni Mama. Tumigil din si Mama sa pagtuturo sa Mauritius elementary school. Hindi kasi kaya ng katawan ni Mama ng bigla siyang na-stroke sa init ng panahon at sinabihan din kami ng doctor na bawal ma-stress si Mama at makarinig ng kahit anong ingay. Si Papa naman ay mula ng iniwan ng pamilyang Mauritius ang mansyon ay nawalan din siya ng trabaho. Namiss ko na rin dalawin ang puntod ng kaibigan ko na si Luis, labing dalawang taon hindi ko naapakan ang Mauritius mansyon. Matagal na panahon din na hindi ko siya na bisita mula ng iwan ni Donya Daniela ang mansyon at sinarado din niya malaking mansyon. Wala na rin akong balita sa kanila mula ng pumunta sila ng America. Lumipat na rin kami ng mga magulang ko ng tirahan. Isang oras ang biyahe mula rito sa amin papuntang Mauritius Island. Hindi rin ako sigurado kung muli ba nilang bubuksan ang Mauritius resort. Kung sakali na bubuksan nila hindi ko rin alam kung sino ang mamahala dahil walang ibang anak ang pamilyang Mauritius maliban sa pamangkin nila na si Gilbert Mauritius. Kamusta na kaya siya? Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako na muli kaming magkita o baka bigla nalang siya susulpot sa harapan ko. Sana nga hindi na mag-krus ang landas namin dalawa. O baka nakalimutan na ako sa tagal pa naman na hindi na kaming nagkita at bata pa ako noon. I shook my head, bakit ba kasi biglang pumasok sa isip ko si Mr. Sungit na'yun. "Ma, kumusta po ang pakiramdam n'yo po?" mahinahon na tanong ko kay Mama na nanonood ng drama sa television. "Ayos lang anak," sagot ni Mama sa akin, kinuha ko ang isa niyang kamay at hinalikan ko ito. "Ano kaya Mama kung mag-abroad ako?" tanong ko kay Mama at kumunot ang kanyang noo sa tanong ko. "Bakit mo naman naisip iyan anak, gusto mo ba laging malungkot si Mama kapag malayo ka sa akin. Ang Kuya Jake mo may pamilya na ikaw na lang ang kasama namin ng Papa mo." Saad ni Mama sa akin. Hindi tuloy ako makapagsalita. "Nagbibiro lang po ako Ma, huwag na po kayo malungkot," sabi ko at niyakap ko si Mama. "Ikaw, talagang bata ka," sabi ni Mama sa akin at hinalikan niya ang noo ko. "Ma, hindi na ako bata may jowa na nga po ako e," I said. "Jowa pa lang yan anak, isa pa ayoko sa boyfriend mo kung hindi mo lang talaga mahal ang lalaki na iyun hindi ako boto sa kan'ya." "Mama naman e," umiling-iling si Mama sa akin. Nakita kung pumasok si Papa mukhang galing yata siya sa maliit na lupa namin na binili nila ni Mama. Ilang beses ko ng sinabihan si Papa na kapag mainit ang panahon huwag siya magpa-araw. Libangan lang daw niya dalawin ang mga mangang tinanim niya. "Pa, mukhang malapit na ang ani natin ng mangga?" nakangiting tanong ko kay Papa. "Oo anak, sana nga malaki ang ma-harvest natin sa bunga ng manga natin. Alam mo naman malaki ang utang natin sa banko. Natatakot ako kung hindi natin mabayaran ay ang lupa natin ang kukunin nila." Malungkot na sabi ni Papa sa akin. Umupo si Papa sa tabi namin ni Mama ay niyakap ko siya, nakita kung tumulo ang luha ni Mama. Kung may pera lang sana ako ay matagal ko ng binayaran ang nautang namin na pera sa banko. Dawalang taon na rin kasi namin na hindi namin nabayaran nagkukulang kasi ang pera namin. Nagpapasalamat din kami dahil mabilis kaming pinautang ng banko minsan nagtataka rin kami na kung humihingi kami ng palugit na hindi muna kami makabayad ay okay naman sa banko. Ang sahod ko kasi sa aking trabaho ay napupunta sa mga financial namin araw-araw. Ang mga gamot ni Mama na mini-mentain niya. "Hayaan n'yo Papa, may awa sa atin ang panginoon. Mababayaran po natin ang utang natin sa banko at makakaraos din po tayo. Magtiwala po kayo sa kakayahan ng anak n'yo." Masayang sabi ko kay Papa, pinapalakas ko ang kanyang loob. "Ang bait talaga ng prinsesa namin," saad ni Mama. Niyakap ko silang dalawa. Kinabukasan ay maaga akong gumising. Nagluto ako ng almusal namin bago ako umalis papuntang trabaho ko ay nakahanda ko ang pagkain ni Mama at Papa. Tiningnan ko ang oras sa wall clock na nakasabit almost eight in the morning. Binilisan ko ang kilos ko dahil alas nuebe ng umaga ang pasok ko sa aking trabaho. Ayoko rin na mahuli ako sa trabaho ko. Kinuha ko ang cellphone ko na sa ibabaw ng mesa, tiningnan ko ang cellphone ko kung may mensahe ba si Vinnie sa akin. Si Vinnie ay boyfriend ko, mula ng lumipat sila ng kanyang magulang sa Maynila ay bihira na lang siyang tumawag o magpadala ng message sa akin. Kung hindi pa ako ang kusang tatawag sa kan'ya ay hindi niya ako maalala. Minsan naiisip ko sa sarili ko na parang tanga na ako na naghihintay sa wala sa kan'ya. Sa inis ko ay pinatay ko ang cellphone ko hindi rin ako nag-message sa kan'ya. Hindi ako klase ng babae na nagpapaka-martir sa lalake sa ganda kung ito ito hindi bagay sa akin na maghahabol ng lalaki pero hindi ko rin maiwasan maging marupok. In short marupok pero may utak. Umiling-iling ako at kinuha ko ang kape ko na tinitimpla ko at dahan-dahan kung hinigop ko ang kape ko. "Ikaw lang talaga ang kape sa gamot ng sakit ng ulo ko na back to back ang iniisip." Kausap ko ang sarili ko. "Magandang umaga anak," bati ni Papa sa akin. "Maganda pa sa umaga ang anak mo Pa," bati ko pabalik kay Papa. Nakita ko rin si Mama na sumunod sa likod ni Papa. I'm so happy na hindi na na-stroke ulit si Mama at medyo bumabalik na rin ang kanyang lakas ang rayuma na lang ang hindi nawawala. Nilipitan ko kaagad si Mama at tinulungan ko siyang umupo. Kapag nakikita kung masaya ang mga magulang ko ay pakiramdam ko ang gaan ng pakiramdam ko. Nararamdaman ko rin kay Papa na malalim ang kanyang iniisip. I smile at them, ako rin naglagay ng pagkain nila sa plato. Masaya namin pinagsaluhan ang niluto ko na pansit at pritong dilis. Wala kasing sarap ang lutong probinsya. Ang takaw ko rin kumain. Pagkalipas ng kalahating oras ay tapos na rin akong magbihis. Kinuha ko ang sling bag ko na nakasabit sa likod ng pintuan ko. Masaya akong lumabas ng kwarto ko. "Ma, aalis na po ako, pakisabi na lang po kay Papa umalis na ako," paalam ko kay Mama at hinalikan ko ang magkabilang pisngi niya. Paglabas ko ng bahay ay may nakita akong isang magarang sasakyan na pumarada sa harap ng bahay namin. Inikot ko ang mga mata ko baka naligaw ang sasakyan na ito at dito pa talaga sa harapan ng maliit namin na bahay. Tiningnan kung mabuti ang sasakyan na kulay itim. Muntik na akong mapatalun sa gulat ng makita kung binuksan ng driver ang pintuan ng sasakyan sa back seat. Hindi ako pwedeng magkamali after twelve years ago ay muli kong makita ang ina ng matalik kung kaibigan na si Luis. "Donya, Daniela!" Gulat na sambit ko napahawak ako sa aking dibdib. Para akong na estatwa nakatingin sa kan'ya na kinuha ng isang babae ang isa niyang kamay pababa ng kanyang sasakyan. Malaki rin ang pinagbago ni Donya Daniela tumatanda na rin siya. Infairnes hindi pa rin nawawala sa ang maganda niyang karisma. Nang masagip niya ako ng kanyang mata ay naiyak ako hindi ko mapigilan na tumulo ang aking luha. Mabilis akong lumapit sa kan'ya halos takbuhin ko na siya. Haharangan sana ako ng dalawang maskuladong lalaki ay pinigilan sila ni Donya Daniela. "Jasmine," naiiyak na tawag sa akin ni Donya Daniela. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Ina na rin ang kasi ang turing ko sa kan'ya. Naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang luha sa aking balikat. "Ang tagal n'yong hindi nagparamdam Donya," sabi ko. Hindi pa ako nasagot ni Donya Daniela ay lumapit si Papa at Mama sa amin. Parang kapatid ni Papa at Mama si Donya ng muli silang magkita. Hindi namin napigilan na umiyak. Nahiya ako sa mga taong nakatingin sa amin. Ang iba ay nagtataka kung sino ang bisita namin. Ilang segundo ay pumasok kami sa loob ng bahay. Inalayanan ng babae si donya Daniela. Nang nasa loob na kami ng bahay ay pinaupo ni Mama si donya Daniela. Tinanong kung ano ang gusto nilang inumin. Umiling lang si donya Daniela, hanggang ngayon ay nagtataka ako bakit kay aga na pa rito siya sa amin at paano niya nahanap kung saan kami nakatira. Sa bagay mayaman sila at may sarili silang private investigator. Tumayo ako at nagpaalam dahil ilang minuto na lang ay mahuhuli na ako sa aking trabaho. "Jasmine," mahinang tawag sa akin ni donya Daniela. "Po," sagot ko. "Can we talk for a couple of minutes," she said. "Oo naman po," sagot ko at muli akong umupo sa tabi ni Papa. Nagkatinginan kami nila Mama at Papa, kung ano ba ang pakay ni Donya Daniela. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. She smiled at us. Tiningnan niya ako na naghihintay sa sasabihin niya pero ang isip ko ay sa aking trabaho baka mahuli na ako. Marami pa naman may appointment kay Dr. Emanuel sa clinic. "Gusto sana kita dalhin sa Maynila hija. Gusto ko ikaw ang mag-alaga at gagawin kitang kanang kamay ko. Kung papayag ka sa kagustuhan ko babayaran ko ang utang n'yo sa banko at ipapagamot ko ang Mama sa magagaling na doktor dito sa Pilipinas." Sabi sa amin ni Donya Daniela. She looked at me with a sweet smile. Nginitian ko rin siya tila nakikiusap ang kanyang mata sa akin. Bahagyang nagsalita si Papa at tinanong niya si Donya Daniela. "Ano po ang ibig n'yong sabihin Donya?" tanong ni Papa. "Tulad ng sinabi ko Lorenzo. Sasagutin ko ang lahat ng mga pangangailangan n'yo. Alam naman n'yo na parang anak ko rin Jasmine. Hindi naman ako magtatagal dito sa Pilipinas babalik din kami sa America. May mga bagay lang akong gustong aayusin bago ako bumalik sa America at gusto ko sana si Jasmine ang makasama ko." Wika ni Donya Daniela sa amin. "Donya Daniela, pwede po bang mag-usap lang po tayo ulit o 'di kaya ay kayo muna ang mag-usap nila Papa." Tumayo ako at nagpaalam sa kanila. Humingi rin ako ng paumanhin kay donya at hindi ko na rin hinintay ang kanyang sagot. Mabilis akong lumabas ng bahay, tila hinahabol ako ng aso. Kung kailan pa ako nagmamadali ay saka pa walang jeep o tricycle na dumaraan. Sampung minuto na lang ay mahuhuli na ako sa clinic. Executive secretary for Emanuel dental clinic pa naman ako. "Tricycle, saan na ba kayo, mahuhuli na ako sa trabaho ko? Please naman," kausap ko ang sarili ko. Ginawa ko ay nilakad ko hanggang sa dulo ng kanto baka may dumaan na tricycle. Habang naglalakad ako ay kinuha ko ang cellphone ko sa maliit na sling bag ko. Tiningnan ko ang oras ulit, muntik na akong napamura ng makita ko ang oras pasado alas nuebe na pala ng umaga. Gusto kung sumigaw at umiyak sa inis. Mas binilisan ko ang paglakad ko. Muntik na akong madapa sa putik na may maruming tubig. Hindi ko pala namamalayan na may sasakyan pala sa harapan ko muntik na akong masagasaan. Akala ko ay hihinto na ang puso ko sa takot. Mas nilakasan niya ang busina ng kanyang sasakyan. "Gago ka ba? Ikaw na nga ang muntik makakasagasa sa akin tuloy pa rin ang busina mo ng sasakyan mo!" galit na sigaw ko. Huminto ang sasakyan akala ko ay bubuksan niya ang bintana ng sasakyan niya at baba 'yun pala ay nilakasan niya ang pagpaandar ng kanyang sasakyan. Hanggang sa nahulog sa putik ang maliit na bag ko. "Ma-flat sana ang gulong ng sasakyan mo tikbalang ka, kung sino ka man!" inis ko na sigaw sa sasakyan na parang eroplano kung lumipad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD