Chapter 55 VENUS "I'm sorry ha... sorry, hindi man lang kita napagtanggol doon. Kung hindi ako distracted kanina, edi sana naprotektahan kita at hindi ka nasaktan nung babae na 'yon..." Clyde softly said as he was tending to my wounds on my legs and arms. Nandito na kami ngayon sa kanila, at ginagamot niya ngayon ang sugat ko gamit ang bulak, alcohol, at betadine. Katatapos lang niyang gamutin yung kaunting gasgas sa mukha ko, kaya yung mga sagot ko sa binti at braso na ang ginagamot niya ngayon. We are alone now here— wala si Ate Clar ngayon dahil umalis siya kasama si Kuya Drew. Mabuti na lang din at wala siya rito— hindi siya maaabala sa akin. Kung nandito kasi 'yon, panigurado mag-aalala 'yon nang sobra at baka siya pa ang maggamot sa akin, at hindi na niya magawa ang mga dapat at

