Chapter 54 CLYDE "Ihahatid na kita sa Trinitas... hindi pwedeng hindi," I asserted. Kakabihis lang niya, pinahiram siya ng damit ni Ate dahil late na kami nagising at kapag umuwi pa siya sa apartment niya ay ubos oras pa. Kanina pa niya sinasabi na huwag ko na siyang ihatid, eh kaso nga nag-aalala ako na baka kung sino ang mga nandon— baka may nag-aabang na roon na mga reporters, fans, at paparazzi at baka kung ano ang mga gawin ng mga 'yon sa kaniya. I already called my management, at sabi naman nila ay magpapadala ulit sila ng bodyguards para sa amin. "Clyde..." Magrereklamo pa sana siya ulit pero agad na ulit akong nagsalita para hindi na niya matuloy ang kaniyang pagrereklamo, "This is what we promised last night... we'll be each other's partner in every thing, kaya hindi pwedeng

