Chapter 53 CLYDE "Clyde... hindi ka naniniwala sa kaniya 'di ba? Alam mong kasinungalingan lang 'yon lahat 'di ba?" Pagkahawak ni Venus sa braso ko ay agad din niya iyong binitawan para kay Ate Clar naman ang kaniyang hawakan. "Ate Clar... you don't believe her, right? Alam mong ako yung nagsasabi ng totoo 'di ba?" Habang nagsasalita siya ay tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata niya. Dahil hindi ko kaya na makita siya na ganito, agad akong lumapit sa kaniya para yakapin siya nang mahigpit. "I don't believe her. Kung may paniniwalaan ako sa inyong dalawa, ikaw 'yon, my love. So please... don't cry anymore. Nasasaktan ako kapag nakikita kong umiiyak ang taong mahal na mahal ko," I whispered to her ears as I was caressing the back of her head. Palagi na lang umiiyak at n

