06: Face Him

2060 Words
Chapter 6 VENUS Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. He's right in front of me.. a few inches away, and we're staring at each other for God knows how long. Wala pa ring nagsasalita sa amin. "I'm.. I'm sorry," bigla niyang sinabi at napayuko. I don't know what got into me but I immediately kissed him again. Passionately. He started responding to my kisses after a few seconds, and we just stopped when we felt like we're running out of air. "I liked what you did. Huwag kang mag-sorry," I said right after the kiss. "But I'm still sorry.. sorry kasi tinigilan kitang kulitin ng ilang araw. I thought you still like him..." Hindi na siya nakayuko ngayon, nakatingin na siyang diretsa sa mga mata ko. "I really don't know what I feel about him.. I just don't want to see him and talk to him." Napayuko at bahagyang napailing siya sa sagot ko. Mali ba yung isinagot ko? I just said what I really feel... kasi 'yon naman talaga ang nararamdaman ko. Ayaw ko talagang makita ang pagmumukha ng Nico na 'yon. "Kung patuloy kang iiwas, hindi mo talaga malalaman." He tried to smile to me and then he looked away. "What do you want me to do?" tinanong ko siya. Itinaas ko ang mukha niya gamit ang isa kong kamay, at hinawakan ko naman ang kaniyang braso gamit ang isa kong kamay. "Face him. Talk to him..." diretso niyang sagot. "Kaya ko namang tanggapin kung ano talagang nararamdaman mo. Kung siya pa rin, okay lang.. tyaka mas maganda rin na malaman ko na agad para hindi na ako umasa kung hindi naman pala ako..." dagdag pa niya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Ang hirap naman nito. "Balik lang ako sa loob, baka wala akong swelduhin ngayon." Tumawa siya nang kaunti. Tinapik niya ang likod ko at saka naglakad pabalik ng Loe's. "Balik ka na rin! Libre kita spaghetti pagkakanta ko," sabi niya pa bago siya pumasok sa loob at ipinagpatuloy ang kaniyang pagkanta. Naiinis ako sa sarili ko. Kahit hindi niya sabihin... alam ko, nasasaktan ko siya eh. Hindi ko tuloy alam kung babalik pa ba ako sa loob. Why do you make everything so complicated, Nico? Nakakabwisit ka talaga kahit kailan. Bago ulit ako pumasok sa Loe's ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Clyde.. "Face him.. talk to him." Paano kung malaman ko na si Nico pa rin pala gusto ko... na siya pa rin ang mahal ko? Ano na ang mangyayari? Paano ko masisikmura ang sarili ko when I know that I hurt someone I know that is dear to me? I closed my eyes and took a deep breath. Bahala na. Basta ang alam ko ngayon, si Clyde na talaga ang gusto ko. Pumasok ako sa Loe's at bumalik sa inuupuan ko kaninang table. Patuloy pa rin si CLyde sa pagkanta niya pero this time, nakangiti na siya. He sang 2 songs pa bago siya matapos. Puro OPM songs ang kinanta niya ngayong gabi, hindi ko nga lang alam pareho. Yung unang kinanta lang niya ang familiar ako. "Oh..." He handed me the spaghetti and then sat beside me. "Thank you," sagot ko. "Reviewhin kita?" tinanong niya. Tumango na lang ako at ngumiti sa kaniya. Makakapagreview naman na ako kasi wala nang kumakanta, may mga songs na nagpplay sa speaker pero bearable naman ang volume. He browsed through my handouts and then asked me questions while I'm eating the spaghetti he bought me. Nasagot ko naman halos lahat ng tanong niya, dalawa lang ang hindi kasi hindi ko talaga maalala at tyaka hindi ko pa gaanong nabasa yung part na tinanong niya. "Thanks for doing this." Nginitian ko siya. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at tumingin sa mga mata ko, "All for you." He never fails to make my heart beat real fast. Halata naman na sa pagtibok ng puso ko na siya na ang gusto ko... bakit kailangan ko pang harapin si Nico? Mukhang narito naman na ang sagot... sinisigaw na ng puso ko. "Aralin mo pa 'tong part na 'to.. medyo hindi ka makasagot agad nung ito yung tinatanong ko." Mas lumapit pa siya sa akin at ipinakita niya ang part ng handouts ko na hindi ko pa nga gaano naaaral at nababasa. "Opo, ser..." natatawa kong sinabi. "Mag-1:30 na.. I need to sleep na." Kinuha ko na sa kaniya ang handouts ko at nilagay ito sa bag ko. "Hatid na kita sa apartment mo," he offered. "Hindi ako tatanggi, libre 'yan eh." Tumawa ako at tumayo na sa kinauupuan ko. Agad naman siyang sumunod sa akin at tinuro kung saan nakapark ang motor niya. Bukod sa libre nga iyon, gusto ko pa kasi siya na makasama. "Nakalimutan ko itanong.." Ibinigay niya sa akin ang helmet niya at napatigil saglit para pakinggan kung ano ang itatanong ko, "Pinayagan ka na ng Ate at ng Mom mo na mag-gig at gamitin 'yang motor mo ulit?" Ngumiti siya, and he just nodded as an answer. Isusuot na dapat niya ang isa pa niyang helmet nang humirit pa ulit ako ng isang tanong, "Last na tanong na.. where's your Dad?" "He died. Motorcycle accident. One of the reasons bakit ayaw nilang gamitin ko 'tong motor na 'to.. kay Dad kasi 'to non." Shit. Ang insensitive ko for bringing this up. How stupid of you, Venus. "I'm sorry.. shit.." Napayuko ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Tumawa siya at tinapik ang likod ko, "Okay lang." "Tara na." Isinuot na niya ang helmet niya at sumakay na sa motor. Ilang segundo ko lang isinuot ang helmet niya dahil tinulungan pa niya ako, at pagkatapos ay umangkas na ako sa likod niya. Humawak ako sa balikat niya pero inilipat niya ang mga kamay ko sa waist niya. "Mas safe kung yayakap ka sakin!" Nilakasan niya ang boses niya kasi nakahelmet siya at baka hindi ko marinig. Tumawa na lang ako as a response. Sana lang ay hindi masyadong halata ang pagkakilig ko sa kaniya. "Thank you..." Bumaba ako sa motor niya nang makarating na kami sa apartment ko at ibinigay ko sa kaniya ang helmet niya. "Ano oras start ng shift mo?" Sumandal muna siya saglit sa motor niya. "6:30," sagot ko agad. "I'll pick you up. Intayin mo ko ha." Isinuot na niya ang helmet niya at pagkatapos ay umalis na. Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko. Umalis na agad. Pagkapasok ko ng apartment ko, nagbihis lang ako saglit at pagkatapos ay isinalampak ko na ang sarili ko sa kama. Mabilis lang ako na nakatulog dahil sa pagod ko. 4:45 na ako nagising dahil nga antok na antok ako. Sa pangatlo kong alarm na ako nagising kakapindot ko ng snooze sa mga alarms ko. Matapos kong maligo nang ilang minuto ay agad na akong nagbihis at nag-prepare ng mga pamalit kong damit. "Venus?" Napatayo ako nang marinig ko ang boses ni Clyde sa labas ng apartment. Habang tinatawag niya ang pangalan ko ay marahan siyang kumakatok sa pintuan. "Eto na!!" Tinanggal ko ang tuwalya sa buhok ko at agad na sinuklay ito at nang makita ko sa salaminan ko na maayos na ay agad na akong lumabas ng kwarto at binuksan ko ang pinto. "Binilhan kita ng breakfast." Ipinakita niya sa akin ang dala-dala niyang Jollibee at ngumiti. "Sakto.. wala akong balak magbreakfast ngayon eh." Pinapasok ko siya sa apartment ko at pinaupo siya saglit. "Bakit? Maaga pa naman ah." Curious niyang tanong. "Tinatamad ako magluto. Tyaka anong maaga..." Nag-pause ako saglit para ituro ang wall clock ko, "5:48 na nga." "Buti na lang pala nagdala ako. Doctor ka.. dapat alam mo na breakfast is the most important meal of the day." He clicked his tongue after speaking. He kinda sounded like my Dad. Umupo ako sa tabi niya at binuksan ang dala dala niyang food. "Oh." Inilapit ko sa kaniya ang food para mag-share kame. "Share na tayo, hindi ko mauubos 'yan. 2 piece chicken pa binili mo." Tumawa na lang siya at hindi umangal. "Regarding what you said, yes po Ser.. alam ko po na breakfast is the most important meal, eh kaso wala nang time nga magluto." "Sabihin mo lang kung kailangan mo taga-luto." Kinindatan pa niya ako. "Pagluluto mo ako?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo. Siyempre, dapat may sweldo ako." Tumawa siya habang kinakain ang fries na hawak hawak niya. Tumawa ako at umiling, "Eh ngayon nga fast food lang binili mo sa akin... I doubt na ipagluluto mo ako every morning." Nanguso siya, "Sorry... hindi kasi ako nagising sa alarm ko. Dapat talaga ay ipagluluto kita." Muli akong natawa dahil sa mukha niya. He looks so cute! Para siyang bata na napagsabihan ng magulang. "Baliw..." Mahina ko siyang pinalo sa kaniyang braso. "Joke lang..." "Pero kung gusto mo nga... ipagluluto talaga kita every morning. Basta... basta i-confirm mo muna kung ano na talaga ang nararamdaman mo." Hindi na ako nakasagot sa sinabi niyang iyon dahil nalihis naman na roon ang pag-uusap namin nang biglang mag-ring ang phone ko. Natapos kaming kumain mga 6AM na. Just in time for my shift lang, kasi wala pa namang 30 minutes ang byahe papunta sa Trinitas. Hindi pa ako magco-commute ngayon at sa motor ako ni Raven sasakay... so, maliit ang chance na ma-stuck kami sa traffic. I checked my watch kung anong oras na pagkababa ko mula sa motor ni Clyde. It's just 6:15 so, maaga pa nga ako. "Gusto mo maglibot muna rito sa hospital?" Ibinaba ko sa upuan ng motor niya ang helmet ko at inakay na siya agad papasok ng hospital. "Dito on-call room namin..." Tinuro ko sa kaniya ang on-call room at pinakita sa kaniya ito. Hindi ko siya mapapasok kasi hindi naman siya intern dito kaya pinasilip ko lang sa kaniya. "Diyan kami nagsstay kapag tapos na rounds namin at hindi gaano busy," I explained. "Tas doon!" Itinuro ko yung dulo ng ground floor, "Nakapunta ka na ron.. yun yung hospital library." Nakangiti lang siya sa akin habang inililibot ko siya sa hospital. Nang matapos na niyang tignan yung ibang rooms na sinisilip-silip niya ay inakay ko na siya papasok sa elevator. Dinala ko siya saglit sa labas ng OR at namangha siya sa nakita niyang mga medical equipment. "Bilisan mo magtingin baka may gagamit nito eh." Tinignan ko ang hallway ng OR floor at wala naman gaanong dumadaan-daan kaya hinayaan ko na lang muna siya. "Grabe, ang galing.. Ganito pala sa OR." Namamangha niyang sinabi. "Nakapasok na ako dati rito, kaso 'di ko naman nakita kasi tulog ako no'n." Dagdag pa niya. "Bakit, anyare sa'yo?" tanong ko. Napaiwas siya ng tingin at saka sumagot, "Appendicitis lang." Matapos ang ilang minuto niyang paglilibot ay inaya na niya akong bumaba. Ayaw daw niya na mapagalitan ako kaya binilisan na namin ang paglalakad palabas doon. Hinatid ko na siya hanggang parking lot at nagpasalamat ulit ako sa breakfast na ibinigay niya kanina at sa paghatid sa akin. He was about to leave when I thought of something. "Clyde..." I called him. Tumingin naman siya agad at itinigil muna ang pag-start ng kaniyang motor. "I'm going to meet Nico tomorrow after my shift. Alam ko na wala ka namang gig mamaya pero please... pumunta ka sa Loe's and wait for me there..." Napabuntong hininga ako at napakamot ako sa ulo ko. "Are you going to tell him you're already over him... and you'll come to me and choose me?" I was about to answer 'yes,' pero agad na siyang nagsalita, dahilan para hindi ko iyon masabi. "Okay, pupunta ako... kahit walang kasiguraduhan, I will wait for you there tomorrow." He smiled. Isa-start na sana niya ang motor niya pero bigla ulit siyang napatigil nang may maisip pa ulit siyang sabihin, "Kapag pumunta ka bukas, that means you are choosing me, ah. If you don't come, then, I guess... it's still him." "And Venus, if you choose him... don't feel bad about me. I'll be okay," dagdag pa niya. "I'm certain about my choice, Clyde... I'm very certain that it's y—" "Huwag mo munang sabihin 'yan..." Umiling siya, "Things may change later... ayaw.. ayaw kong umasa." Halatang-halata sa kaniyang boses ang lungkot. "Sige na... aalis na ako," pagpapaalam niya. Tumango siya sa akin bago niya pinaandar ang motor niya at umalis. I know I'll choose you, Clyde. I know... or I don't?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD