05: First Kiss

2476 Words
Chapter 5 CLYDE "So, totoo sinabi ni Mom? Na may regular gigs ka na?" Masama ang tingin sa akin ni Ate Clar. Kakasumbong lang kasi ni Mom sa kaniya. "Ate.. please, payagan niyo na ako. Ang tanda ko na. Inform ko lang kayo na hindi niyo na ako kailangang baby-hin." Naiinis kong isinagot habang pinaglalaruan ang susi ng motor ko. Eto pa isang issue, ayaw pa rin nila na gamitin ko 'tong motor ko. Ang hassle hassle kaya nang walang motor, ayaw din naman nila ako payagan na bumili ng kotse.. hindi pa raw ako sanay na mag-drive. Tinuro ni Ate Clar ang susi ng motor ko, "Ayan pa. Ayaw mo ring tumigil sa pagmomotor mo. Natatakot kami para sa'yo, okay? Ayaw lang namin na magaya ka kay Dad." "'Nak, please.. makinig ka na lang sa Ate mo." Hinawakan ni Mom ang braso ko at tinignan ako gamit ang mga mata nitong maamo. Hay nako, Mom. Hindi na ako madadala ng tingin mo na 'yan, sorry. "Bakit ba ayaw niyong maniwala na maingat naman ako? Mom, Ate.. mag-iisang taon na akong nagmomotor nang patago. Ni isang beses hindi ako naaksidente. Si Dad kaya siya naaksidente, dahil lasing siya nung dinrive niya 'tong motor. Ako, hindi naman ako naglalasing. Kaya, huwag na kayo mag-alala sa akin. 26 years old na ako, hindi ako 16." Medyo naiinis ko nang sinabi. Napataas na rin ng kaunti ang tono ng boses ko. Pumunta sa kusina si Ate Clar para kumuha ng tubig at bumuntong hininga ito nang malakas. Rinig na rinig ko pa rito. Halatang frustrated siya sa pag-uusap namin na 'to. Si Mom naman ay tumitingin tingin lang sa aming dalawa habang nakaupo at nagcecellphone. "Oo na, sige na. Payag na kami." Umirap sa akin si Ate. Napangiti ako sa kaniya. "Talaga?" Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya habang umiinom siya ng tubig. "Ang sweet naman ng dalawa kong anak," natatawang sinabi ni Mom habang nakatingin sa aming dalawa. "Akala mo papayag ako without conditions?" Kumalas siya sa pagkakayakap ko, ibinaba ang baso ng tubig sa lamesa at saka umupo. "Anong conditions?" Napasimangot ako. "Magtetext ka lagi sa amin. Update us every hour para hindi kami nag-aalala kung buhay ka pa ba o hindi na. And.." Nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang baba at napatingin saglit sa may kisame habang nag-iisip. "Manonood kami ng gig mo kapag may time kami." Napangiwi ang labi ko at agad akong nagreklamo, "Ate!" Ayaw ko na panoorin nila ako, kasi kapag pinanood nila ako.. makikilala nila si Venus. Hindi pa ako handa na sabihin sa kanila 'to. For sure, aasarin lang nila ako kapag nalaman nilang may nililigawan na ako and worse, baka nga magalit pa sila at patigilin ako. "Bawal magreklamo!" Tinakpan niya ang tenga niya at napatawa na lang si Mom sa aming dalawa. Bahala na. Hindi pa naman sila makakapanood sa next gig ko kasi busy na naman si Ate sa photostudio at si Mom, bawal pa siyang maggagalaw kasi kakalabas lang niya ng hospital. It was around 2PM nang umalis kami ni Ate Clar sa bahay at nagpunta sa photostudio namin. Medyo marami ang customers ngayon kaya wala akong choice kung hindi ang tumulong. It's Saturday naman, at wala ako gaanong ginagawa. "Sulat po muna kayo dun sa form..." Itinuro ko dun sa isang babaeng customer yung forms sa may lamesa sa may front door at kinuha ko na ang camera lens para i-set up ang gagamitin na DSLR camera. "Clyde," iniabot sa akin ni Ate ang isang cloth para mapunasan ang lens ng camera na may kaunting alikabok at saka niya pinagpatuloy ang pag-aayos ng flash. We took several pictures, at matapos ang ilang oras ay dumating na ang isa naming photographer kaya nagpaalam na akong umalis. Naisip ko puntahan si Venus, at dalhan ng meryenda. Wala akong time magluto ngayon kaya bibili na lang ako ng pizza sa Yellow Cab. "Hoy, ingat!" Pagpapaalala sa akin ni Ate bago ako lumabas ng photostudio. Tumango lang ako sa kaniya at lumabas na agad. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ko upuan ang motor, medyo mainit kasi dahil nabilad sa pagkakapark. Nang medyo lumamig na ito ay umalis na ako at umorder sa Yellow Cab. Mabilis lang naman na naluto yung order kaya mga 2:45PM ay nakarating na ako sa Trinitas Hospital. Sa may puno ko ipinark ang motor ko para hindi na ito gaanong mainitan. Pagkababa ko ng motor ko ay itetext ko na dapat si Venus, kaso nakita ko na naman yung lalaking nandito nung isang araw kaya napatigil ako at tinignan kung ano ang gagawin niya. For sure, hinahanap na naman niya si Venus. Ano ba kasi siya ni Venus? Ibinaba ko muna saglit sa upuan ng motor ko ang isang box na pizza na hawak ko at pinagmasdan kung anong gagawin nung lalaki. Lumapit na naman siya sa isang nurse at kinausap ito, may dala siya ngayong pagkain at iniabot niya ito sa nurse na kausap niya. Napabuntong hininga ako at isinuot na ulit ang helmet ko. Aalis na lang ako, hindi na pala niya kailangan ng pagkain, may nagdala na sa kaniya eh.. kila Nathan ko na lang 'to dadalhin. I was about to drive away nang makita ko na ibinalik ng nurse ang pagkain dun sa lalaki. Mukhang hindi na naman ito tinanggap ni Venus. Bumaba na ulit ako sa motor ko at tinanggal ko na ang helmet ko. Dadalhin ko na pala ulit sa kaniya. Baka gutom na siya eh. Naglakad ako papasok ng hospital habang tinetext si Venus. I was about to send the text message nang biglang may humarang sa harapan ko. "Who are you?" Tanong niya sa akin. Tinignan ko siya at napansin ko na parang ineeksamina niya ako mula ulo hanggang paa. "Manliligaw niya ako, pre." Tinapik ko ang balikat niya at akmang papasok na sana sa hospital nang magsalita pa siya, "Mahal pa niya ako. Tumigil ka na, wala kang pag-asa." Hindi na niya inintay ang sagot ko at umalis na. Tangina, sino siya para sabihin 'yon? Alam kong hindi siya si Venus at hindi niya alam kung ano talaga nararamdaman ni Venus, pero may doubts ako sa utak ko. Paano nga kung gusto pa ni Venus yung lalaki na 'yon? Affected siya eh.. so ibig sabihin, gusto pa niya. Napailing ako sa iniisip ko at hindi na nagpatuloy sa pagpunta sa hospital. *** VENUS Around 5PM na nang matapos ang shift ko ngayon. Nag-iba na ang mga schedules ng shift at ng day off namin kaya medyo nalungkot ako ngayon.. baka hindi na ako ulit makanood ng gigs ni Clyde eh. "Nakasimangot ka pa rin?" Natatawa akong inasar ni Laurraine. "Teh, mababalik din yung sched natin na ganon. Huwag kang emo diyan." Sabi niya habang inilalagay niya ang madumi niyang hospital scrubs sa kaniyang bag. "Hindi kasi siya nagtetext simula nung Saturday, mag-5 days na. Nung Monday hindi naman ako nakapunta sa gig niya tapos Thursday na ngayon, mamayang mga 12:30AM ang gig niya, I want to come and see him para makita kung anong ganap niya at matanong na rin kung bakit wala siyang paramdam kaso ang dami ko pang aaralin." "Kapag gusto, may paraan." She smirked at me. "Pero kung ako ikaw, hindi na ako pupunta. Obvious namang ghinost ka na, gurl." Dagdag pa niya. So.. ano? Pupuntahan ko ba siya? Paano kung ghinost na nga niya ako? Napatigil ako sa pag-aayos ko ng gamit at napabuntong hininga. I'll just ask Veronica later. Pupunta siya ng apartment ko para maki-download ng applications eh, nasira kasi ang wifi sa condo niya at ayaw daw niyang magpaload. "Una na ko, Laurraine." Nagpaalam na ako pagkatapos kong mag-ayos ng gamit. Nginitian at tinanguan ko naman ang mga co-interns kong naiwan kasama si Laurraine as a sign of goodbye. Bago ako lumabas ng hospital ay tumingin tingin muna ako sa paligid, baka kasi nandito na naman si Nico. It's been 2 days since I last saw him, but he never got to see me. Ayaw kong magpakita sa kaniya, hindi ko nga alam kung anong hindi madaling intindihin sa kagustuhan kong hindi na siya makita at makausap. I was able to breathe when I saw no signs of him. Sana naman talaga tumigil na siya. "I missed you so much!!" Sinalubong ako ni Veronica nang mahigpit niyang yakap pagkapasok ko sa apartment ko. Oo nga pala, she has a spare key sa apartment ko na 'to. "Nauna na ako pumasok sa'yo, ang tagal mo kasi." Sabi niya habang naglalakad pabalik sa kusina, nagluluto na pala siya. "Pinagluluto na kita, eto na bayad ko sa pagconnect ko sa wifi mo, ha." Ibinaba ko muna saglit ang mga gamit ko sa kwarto ko at saka bumalik sa kusina para tignan ang niluluto niya. It smells good- masarap naman talaga siya magluto kaya hindi na ako magrereklamo. "Bakit hindi ka nagbihis? May lakad ka ba mamaya?"Tanong niya sa akin habang tinitikman niya ang niluluto niya. I sat on the dining chair and waited for seconds to answer her. Sige na nga, tatanungin ko na siya. "Remember the guy I told you about..." "Si Clyde?" Agad niyang tanong. Pinatay na niya ang kalan at umupo sa tabi ko. Wow, tapos na siyang magluto. Tumango ako. "Ano meron kay Clyde?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Ang bagal magkwento!" Reklamo niya nang hindi ako nakasagot ng ilang segundo. "I think he's ghosting me." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Akala ko ba nanliligaw na? Bakit? Paano mo nasabing ginoghost ka na?" "It's been days and he's not texting me. Eh noong mga unang araw, sobrang dalas niya magtext. Daig pa nga nanay at tatay kong nasa ibang bansa eh." "So, nagbabalak kang pumunta mamaya sa gig niya, tama?" Tinawanan pa niya aki. Kilalang-kilala na niya talaga ako. "Sige na, puntahan mo na.. kung 'yan ang ikatatahimik ng isip mo. Para matanong mo na rin sa kaniya kung anong nangyayari." Tumayo siya sa pagkakaupo sa tabi ko at kumuha na ng plato at naghain. "Pero siyempre, kain muna tayo ng super sarap na Adobong pusit na niluto ko!" Tumili siya at pinagpatuloy ang paghahain. *** I checked the time sa phone ko, it's already 12:20AM. Mga 5 minutes na akong nakaupo dito sa may gitnang table na may perfect view sa mini stage ng bar but there are still no signs of Clyde. I-text ko kaya siya? No. Masyadong halata na gusto mo siya kapag tinext mo siya. Pakipot ka naman konti, Venus. But... ugh! I already confessed to him that I like him too.. ano pang mawawala 'di ba? Napakamot ako sa ulo ko at kukunin ko na sana ang phone ko nang bigla na siyang dumating at nagsimulang mag-set up ng kaniyang gitara sa mini stage. I kept on staring at his gaze but he didn't even look at me. Nakita kaya niyang nandito ako? Napasimangot ako at ininom ang iced tea ko na medyo maligamgam na at wala na gaanong lasa kasi natunaw na yung yelo. Napangiwi ako nang makita ko na nabasa ang isang reviewer ko. "Puta," inalis ko ang reviewer ko sa table at inilagay sa upuan na nasa tabi ko. Nang matapos na mag-set up si Clyde ay nagsalita na siya sa mic. Again.. I was staring at his eyes while he was speaking.. but it seemed like he's pretending na hindi niya ako nakikita. "So, there's this girl na gusto ko talaga.. I really want to pursue her, pero parang hindi pa niya kayang kalimutan yung past niya." And he looked at me. Tangina, yung puso ko na naman. Nagsimula siyang mag-strum ng gitara habang nakatingin sa akin. Sa pagkakaalam ko, ang kanta na ito ay Kahit 'Di Mo Alam. December Avenue ata ang artist. Kanina, I was really irritated because he wasn't looking at me.. but now, he's staring at me while singing and my heart can't take it anymore. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Is he really singing this for me? Bakit? Ngayon ko lang naisip.. what the. Maybe Nico confronted him or something? Pinatigil siguro siya ni Nico na guluhin ako. I remember last Saturday, Nico brought me food and I didn't accept it. Tapos, ang kwento nung isang nurse may isang lalaki pa raw na may dalang pizza na papasok na pero hindi naman daw tumuloy pagkatapos kausapin ni Nico. Tangina mo talaga, Nico. I saw a tear fell from his left eye and he immediately wiped it. I remember I once read a book.. hindi ko alam kung na matandaan kung ano yung title, but I remember it says there na when a tear came from the left eye, it's pain. Shet.. sorry, Clyde. Sorry, gago yung ex ko. Napabuntong hininga ako sa nakikita ko. Ang hirap naman makakita ng tao na nasasaktan dahil sa'yo. Ilang segundo ang lumipas at napagdesisyunan ko na umalis na. Inayos ko na ang mga reviewers at handouts sa bag ko at agad nang lumabas. Pagkalabas ko ng bar ay narinig ko na tumigil din ang pagkanta ni Clyde. "Venus," he called me. Agad akong lumingon at niyakap siya. Umiiyak na ako ngayon. Siguro ganito talaga kapag stressed? Sobrang emosyonal lagi? "I'm sorry.. nasasaktan kita." Agad akong kumalas sa yakap at naglakad na nang mabilis para hindi na niya ako mahabol. Ayaw ko nang may nakakakita sa akin na umiiyak ako. I really don't like it because I feel like they'll think I'm too fragile. "Huy, saan ka ba pupunta?" Hinablot niya ang braso ko at pinatigil ako sa paglalakad. "Ano ba," tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko, "Huwag mo na ako sundan. Okay? Titigilan mo na ako 'di ba? Kung titigil ka na talaga, huwag mo na ako habulin o kausapin pa." "'Yan talaga gusto mo.. ang tumigil ako?" He asked. His voice broke. "Tumigil ka na nga 'di ba kahit hindi mo ako tinatanong." Diretsa kong sagot. Napabuntong hininga siya. "Clyde, sabi ko sa'yo.. wala akong panahon sa mga ganito. Alam mo bang naiba na schedule ng shifts namin at mamaya may pasok na ulit ako tapos pumunta ako rito para lang malaman na nasasaktan ka na pala dahil sa akin.. 'di mo alam nasasaktan din ako nitong mga nakaraang araw kasi bigla ka na lang hindi nagparamdam. Sana man lang, Clyde, tinanong mo muna ako kung gusto ba kitang patigilin.." Pinunasan ko ang luha ko. f**k, I'm a mess. "Natatakot ako sa isasagot mo, Venus." Tears started to fall from his eyes. "Ayaw kitang tumigil, Clyde. Guluhin mo pa ako. Please? Gusto ko ikaw yung manggugulo sa akin, hindi yung bwisit na Nico na 'yon! And don't ever try to listen to what he says, he's a f*****g jerk, don't believe everything he sa-" And our lips met. The kiss was short, but it really took my breath away. Grabe na rin ang pagwawala ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD