Chapter 48 VENUS Pagkakalas ko sa pagkakayakap ko kay Ate Clar ay inakay niya muna ako papunta sa isang upuan dito sa hallway ng hospital dahil daw may importante siyang sasabihin. Kahit na gustong-gusto ko nang makapasok sa room ni Clyde at makita siya, hindi na ako nakatanggi dahil base sa ekspresyon ng mukha ni Ate ay mukhang importante talaga ang pag-uusapan namin. Her expression looked so worried... kaya ngayon ay medyo malakas ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. I hope nothing bad happened... or sana hindi ito bad news. I'm so fed up with every thing that's been happening, so sana talaga ay good news ito. "Ano... anong meron, Ate?" kabado kong tanong pagkaupo namin sa bakal na upuan. Medyo nanginig pa nga ako nang kaunti nang tumama na ang balat ng binti ko sa upuan dahil sobrang

