Chapter 47 CLYDE "Saan ka nagpunta?" tanong ni Nathan nang makarating na ako sa parking lot. Ibinaba niya lang ang bintana ng kotse niya dahil nagpapalamig na sila sa loob ni Jay. "Sa mga hotel rooms... akala ko kasi hindi sasabihin sa 'yo ng receptionist kung nandito ba si Venus o wala, kaya inisa-isa ko yung mga rooms sa first at second floor," sagot ko sabay upo na sa shotgun seat. Nang mapansin nila na medyo pawis ako at medyo hinihingal ay agad akong inabutan ni Jay ng face towel, "Magpunas ka muna ng pawis mo. Kapag natuyuan ka ng pawis baka magkaubo o kaya sipon ka niyan." "Mas maganda sigurong magkasakit ako para mapilitan na si Venus na magpakita at bumalik sa akin..." I faked a laugh. "Clyde, huwag ka ngang magsalita nang ganiyan." Napapitik sa dila si Nathan. "'Di tama 'y

