Chapter 45 CLYDE "Ano ba 'tong mga nangyayari?!" Napaupo ako sa malamig na sahig ng hospital. Wala akong lakas... hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon— gusto kong maiyak dahil sa nangyari ngayon kay Ate, at gusto ko ring magwala sa galit dahil sa nangyari sa kaniya. What the hell did she do to deserve this? Imposible namang mayroong galit sa kaniya na aabot sa punto na babarilin siya, kaya sigurado ako na hindi ito kaaway ni Ate. Pero wala rin naman akong kaaway... wala akong kilala na pwedeng makagawa nito. Wala akong kilala na nagawan ko ng malaking kasalanan para lang magawa niya ito kay Ate. "Magiging okay si Ate Clar, Clyde... shhh..." Niyakap ako ni Venus nang mahigpit. Habang yakap niya ako, hinihimas-himas niya ang buhok ko na para bang makakatulong iyon para humi

