Chapter 39 CLYDE It's been almost a week since 'It's Here Again' was released. As expected, nag-trending na naman nga ang kanta ko na iyon. It got almost 5 million streams on Spotify sa first day, at nag-top 1 pa iyon sa iTunes. Ang naging downside lang noon ay mas lalong dumami ang sumusunod-sunod kay Venus. Nalungkot nga ako para sa kaniya. Kahapon kasi, sobrang daming mga supporters ko at mga showbiz reporters at paparazzi ang nasa labas ng Trinitas— all because they wanted to interview Venus and they were kind of hoping na pupunta ako, kaya ayon... napagdesisyunan ng board members ng hospital na pagbakasyunin na muna si Venus kahit mga 1 week lang daw. Thankful daw sila kay Venus na kahit papaano ay dumarami ang nagpapacheck-up at doon nagpupunta sa tuwing may sakit dahil sa kaniya

