Chapter 40 CLYDE Pinag-break muna kami ng mga 10 minutes para raw makapag-retouch saglit bago mag-shoot para sa next gap. Narito ako ngayon sa room kung saan ako minakeupan kanina, at patingin-tingin ako... hoping na baka nandito rin ang special guest na tinutukoy nila Ms. Leira at Ms. Cherrie. Kinakabahan kasi ako... baka mamaya si Jane pala ang kanilang inimbitahan. Imposible kasing si Venus, kasi sabi ni Venus ay mayroon siyang home consult sa isang patient. "Bakit hindi niyo man lang pinaalam sa akin na may ganito?" medyo inis kong sabi kay Mira. Mahinahon pa rin naman ang pagkakasabi ko, pero bakas sa tono ko ang pagka-inis. "The management of the show wanted your genuine reaction... yung pagkagulat mo sa special guest, kaya hindi nila iyon pinaalam sa 'yo," sagot ni Mira. "Paa

