Chapter 36 CLYDE "Oh my god, Clyde... mas dumami yung mga tao sa labas," nanlalaking matang sinabi ni Venus pagkatapos nitong sumilip sa bintana. Narito pa rin kami sa hotel kung saan kami natulog ngayon. Kanina pa namin balak na umalis dito, kaso nga lang ay maraming tao sa labas— obviously, ang iba ang mga fans ko pero karamihan ay mga showbiz reporters at paparazzi. 6AM gising na kami dahil sa ingay ng mga tao sa labas, at 8AM na ngayon. Late na nga si Venus sa shift niya. First time itong nangyari. Oo, naranasan ko na pagkaguluhan na ako sa isang mall show... pero yung ganito— yung sinundan pa talaga ako sa kung nasaan ako kahit wala naman akong event or something, this has never happened before. Epekto siguro ito ng pag-surprise release ko kagabi ng kanta ko. As of now kasi, almo

