Chapter 35 CLYDE "Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong sa akin ni Venus habang isinusuot niya ang Doraemon helmet na ibinigay ko sa kaniya noon. "Basta," matipid na isinagot ko sa kaniya habang nakangiti, ngumuso lang siya at pagkatapos ay umupo na sa likuran ko. Bago ko inistart ang makina ng motor ko ay kinuha ko muna ang dalawa niyang kamay at inilagay ito sa baywang ko. I felt her giggle. "Siguraduhin mo lang na hindi ko pa napupuntahan 'yang pupuntahan natin ngayon ha, sabi mo sa clue mo ikaw lang nakakaalam non, eh." "Sure akong 'di mo pa napupuntahan 'yon." Nilingon ko siya saglit— tinanguan ko siya at tinaas taas ko pa ang kilay ko para ipakita sa kaniya na sure talaga akong hindi pa niya iyon napupuntahan. "Okay, sabi mo eh." Tumawa lang siya. Pinaandar ko na ang motor ko at

