"Boys Love Generation Series" Presents....."Love Will Lead You Back"
Chapter 1
Araw ng Lunes. Maagang nagising si Kian dahil ngayong araw na ito ay first day niya sa pinapasukang paaralan sa high school. Isa siyang transferee student na galing sa private school pero dahil sa financial crisis ng kanyang pamilya kaya napilitan ang kanyang parents na itransfer siya sa isang public school. Ok lang naman sa kanya, at least makakatipid na sila sa ngayon at di na rin mahihirapan ang kanyang mama at papa na tustusan ang kanyang pag aaral. Swerte namang nakakuha siya ng isang scholarship grant mula sa gobyerno kaya laking tulong yun sa studies niya.
3rd year student na ako ngayon at ngayon nga ay unang araw ko sa Dela Victoria National High School. Pagpasok ko pa lang sa gate, nginitian ako ng security guard na nagbabantay doon parang sinasabi niyang "Welcome". Sinuklian ko naman siya ng ngiti sabay pasok na sa paaralan. Sobrang laki ng eskwelahang iyon, bagong gawa ang mga building, kumpleto lahat at sobrang laki ng gymnasium na sa tingin ko doon ginaganap mga programs sa school. Mayroon ding basketbal court para daw yun sa mga estudyanteng mahilig maglaro ng basketball.
Bago ako pumasok sa classroom ko, sumaglit muna ako sa principal's office at binati ako doon, winelcome ako ng buong puso ng principal na si Madam Zenaida Lopez.
Ng papasok na ako sa classroom ko, ipinakilala agad ako ng aking Adviser na si Maam Shayne Sandoval.
MAAM SHAYNE:
Good morning class, we have here a transferee student mula sa private school. May bago kayong classmate, si Kian Badilla. Kian, pls. introduce yourself in front of the class.
Dahan dahan naman akong pumagitna at agad na nagpakilala sa lahat ng studyanteng nandoon.....
KIAN: Hello guys, I'm Kian Badilla , a transferee student mula sa private school ng Dela Salle.
Im 15 years old and isa po akong scholar. Im happy to be part of this school and hopefully marami akong maging kaibigan dito. Thats all, nice meeting you all guys.
Nagpalakpakan ang mga estudyante at sabay na napatayo at winelcome siya. Masaya siya sa araw na iyon dahil iyon ang simula ng bagong journey niya school na iyon. At sanay maging magandang simula din ito para sa kanya lalo pa't isa siyang scholar. Hindi niya sasayangin ang opurtunidad na iyon na ibinibigay sa kanya na labis na makakatulong sa kanyang pag.aaral.
4pm ng hapon, oras na magsipag uwian ang mga estudyante sa paaralang iyon. Palabas ng gate si Kian at nag aabang ng tricycle na masasakyan pauwi ng may biglang bumangga sa kanya. Tingin niya ay nasa 6 feet ang lalaki , matipuno ang katawan, maputi, matangos ang ilong at nakasoot pa ito ng basketball outfit. Sa mga sandaling iyon, biglang natulala si Kian at di niya mapaliwanag ang kanyang nararamdaman dahil nakatayo sa kanyang harapan ang isang gwapong lalaki.
BRENT: Hey, watch out bro! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo. Nagmamadali ako dahil late na ako sa practice ng basketball game namin.
KIAN: Sorry bro, di ko naman intensyon na banggain ka, nagmamadali din kasi ako dahil gusto ko ng maka uwi sa bahay.
BRENT: Fine. Diyan kana Papasok na ako sa loob. Mag.iingat ka next time.
Tinapik siya sa balikat ng gwapong lalaki na iyon at biglang umalis at naiwan siyang nakasunod pa rin ang mata dito. First time niyang humanga sa isang lalaki, well nagkaroon naman siya ng mga crushes noong elementary days niya pero mostly sa mga girls siya attractive at tanggap niya sa sarili na isa siyang bisexual na humahanga both male and female. Sa ngayon kakaiba itong nararamdaman niya. Di niya ma explain sa sarili kung ano ang feelings niya ngayon, bumilis ang t***k ng puso niya sa lalaking iyon. Love at first sight??? Sana muli silang magkita nito at tiyak niya sa sarili niya na mauulit ang pagkikita nila dahil estudyante din ito sa pinapasukan niyang paaralan pero di niya alam kung anong year na ito kasi di naman niya ito nakikita sa 3rd year high school. Malalaman niya rin ito soon.
Nakauwi na ng bahay si Kian, at habang papasok siya sa loob ng bahay ay napansin niyang busy sa pagluluto ang kanyang ina sa kusina. Nilapitan niya ito at sabay na nagmano.
SHERYL: Kumusta naman ang first day of school mo anak, ok ba doon sa nilipatan mong public school?
KIAN: Ok naman Ma. Maganda ang school. Malaki at magaling din magturo ang mga teacher, pero wala pa akong naging kaibigan doon.
SHERYL: Hayaan muna anak, pasasaan ba't may makikilala ka rin doon at maging kaibigan pag lipas ng mga ilang days or weeks. Bagong salta ka pa doon at bilin ko sayo huh wag kang papa api sa kahit na sino, mag ingat ka sa mga taong makaka salamuha mo doon. Piliin mong kaibiganin ang sa tingin mo ay mapagkaka tiwalaan at mabait sayo.
KIAN: Yes Ma, lagi ko po yan tatandaan. Lahat naman ng advices niyo sa akin sinusunod ko po.
SHERYL: Mabuti yan anak, sige magbihis ka muna sa kwarto at ipaghahanda kita ng meryenda alam kong gutom na gutom kana. May inihanda ako dito na favorite mong banana cue.
KIAN: Wow, salamat Ma. Talagang love na love mo ako.
(Sabay yakap sa ina at tuwang tuwa sa inihandang snack dito)
Bandang 7pm, dumating ang ama ni Kian na galing sa trabaho. Kapansin.pansin na nakasimangot ito at halatang problemado. Biglang napalapit ang asawa nitong si Sheryl at inusisa kung ano ang problema nito. Kasalukuyan silang nasa sala at nag.uusap.
SHERYL: Honey, may problema ka ba? Sabihin mo sa akin baka makatulong ako.
ALEXIS: Natanggal kasi ako sa trabaho, honey. Nagbawas kasi ng workers ang may.ari ng restaurant na pinapasukan ko. Di na kasi dinadayo ng customers ang restoran nila at ngayon nga nakapag decide sila na magbawas na lang ng mga workers doon at yun nga isa ako sa di pinalad na mag stay doon.
May dinukot ito sa bulsa, isang puting sobre at agad ibinigay sa asawa nito.....
ALEXIS: Ito yung huling sweldo ko mula sa restaurant na pinapasukan ko, honey. 15k yan may kasama na yan bonus dahil masipag daw ako mag trabaho, tip yan ng amo ko.
SHERYL: Hayaan mo, pagkakasyahin ko ito, wag ka ng mag.alala may naitatabi rin naman ako ditong pera sa paglalabada ko sa amo ko. Sapat na ito para matugunan natin ang gastusin natin sa pang araw araw na buhay.
(Napahawak sa kamay si Alexis sa asawa nitong si Sheryl)
ALEXIS: Hayaan mo, maghahanap ako ng ibang trabaho sa susunod na araw. Di ako sanay na naka.permi lang ako dito sa bahay, haligi ako ng tahanan at responsibilidad ko kayo ng anak natin, ayaw kong nakikita ko kayong nahihirapan.
SHERYL: Wag mo ng problemahin iyon, pasasaan ba't makakaraos din tayo. Wag kang mawalan ng pag.asa, honey. May awa ang diyos, di niya tayo pababayaan.
(Sabay yakap sa asawa na halatang maluluha na)
Lingid sa kaalaman ng mag.asawa, lihim pala na nakikinig sa kwarto nito si Kian na katatapos lang gumawa ng assignment sa English. Labis rin siyang nalungkot sa sinapit ng kanyang ama dahil sa pagka.tanggal nito sa trabaho. Ipinapangako niya sa sarili na balang araw ay iaahon niya sa hirap ang kanyang pamilya. Kahit nag.iisa lang siyang anak, pinalaki siya ng maayos nito at ipinaramdam sa kanya ang totoong pagmamahal. Isang year na lang ang hihintayin niya at ga.graduate na siya ng high.school. Imi.maintain niya ang pagiging scholar hanggang sa pag.aaral niya ng college para di na mahirapan ang kanyang parents na tustusan ang kanyang pang tuition fees.
"Love Will Lead You Back"
(CHAPTER 2)
Pangalawang araw ni Kian sa bagong public school na pinapasukan. Ilang na ilang pa rin siya makihalubilo sa mga kaklase niya kasi di siya sanay makipag kaibigan sa kahit na sino. Way back noong kinder garten siya at magpa hanggang elementary days niya, isa siyang itinuturing na looner sa school nila dahil di daw siya mahilig makipag socialize sa ibang tao. Madalas tuloy ay bully siya noon sa eskwelahan at yun ang ang pinaka aayaw niyang mangyari ngayong high school na siya.
Break.time nun, siksikan ang mga estudyante sa canteen. Halos wala ng space sa loob nito dahil sa dami ng tao doon. Nakiki.linya siya sa mga nakapila ng may humagip ng atensyon niya, nakita niya yung gwapong lalaki na naka bangga niya kahapon sa labas ng gate. Naka.upo ito sa isang sulok, halatang tapos na ito nag snack at ngayon nga kasalukuyan itong busy sa pagta.type sa cp nito, may ka chat o katext siguro ito. Panay pa ang ngiti nito na parang kinikilig. Sa wakas, nakapag.order na rin siya ng snacks at habang dala dala niya ang tray ay sinadya niyang doon pumuwesto sa kinauupuan ng lalaking crush niya. Titig na titig siya dito, ano kayang pangalan ng lalaking ito? Paano ba ako maging close sa kanya? bulong niya sa isip. Gusto niyang mapalapit dito, sanay bigyan siya ng pagkakataon na makilala ito ng personal.
Natapos na mag snack ni Kian sa canteen pero hindi siya nagka lakas loob na lapitan ang gwapong lalaki na varsity player. Nahiya siya baka makahalata pa ito na nababakla siya dito, ayaw pa naman niyang mapahiya sa maraming tao. Bahala na si Batman, tadhana na ang gagawa ng paraan upang magka kilanlan silang dalawa soon. Pabalik na sa classroom si Kian, may dalawa pa siyang subjects na natitira sa umagang iyon. Kailangan pa niyang mag.review dahil may long quiz sila mamaya sa English, may 20minutes pang bakante sa break.time kaya susulitin niya ito para makapag study. Mangilan.ngilan pa kasi ang nasa loob ng classroom, ang ibang kaklase niya ay nasa labas pa at ang iba naman ay nasa canteen pa.
Abala siya sa pag.memorize ng mga oras na iyon ng may biglang may kumalabit sa kanyang likuran. Si Angela na halatang may kailangan sa kanya, kanina pa kasi ito laging nakamasid sa bawat kilos niya.
ANGELA: Hi, I'm Angela. Katulad mo ay isa rin akong transferee student pero nauna lang ako sayo ng
1 week dito. Sanay maging mabuti tayong mag.kaibigan. Pansin ko kasi kahapon pa parang ilang ka makihalobilo sa mga classmates natin.
KIAN: Oo, sensya na ganito lang talaga ako, di ako masyado nakiki pag kaibigan sa kahit na sino. Looner type of person kasi ako masanay kana sa akin.
ANGELA: Ok lang yan, wag mo ng problemahin iyon. Simula sa araw na ito, isa na ako sa maging kaibigan mo, wala rin kasi akong ka close dito. Allergic yata sila sa beauty ko.
(Napangiti ito at kitang kita ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin)
KIAN: Salamat, Angela. At least ngayon, may maituturing na akong kaibigan dito. By the way tapos kana ba mag.review sa English para sa long quiz later?
ANGELA: Oo naman, Nagpuyat pa ako kagabi para dun. At kanina madaling araw, nakapag review na din ako. Good luck na lang sa quiz mamaya, sana maka perfect score tayo.
KIAN: Hopefully, kaya natin i.perfect yan, Angela.. basta mag.tiwala lang tayo sa sariling kakayanan natin.
(Sabay ngiti nito sa bagong kaibigan)
Natapos ang umagang iyon na pareho silang may ngiti sa mga labi dahil sa resulta ng pagsusulit nila. Pareho nilang na i.perfect ang long quiz sa English. Masayang masaya ang dalawang bagong magkaibigan at isa iyong magandang blessing para sa kanila.
Natapos na mag snack ni Kian sa canteen pero hindi siya nagka lakas loob na lapitan ang gwapong lalaki na varsity player. Nahiya siya baka makahalata pa ito na nababakla siya dito, ayaw pa naman niyang mapahiya sa maraming tao. Bahala na si Batman, tadhana na ang gagawa ng paraan upang magka kilanlan silang dalawa soon. Pabalik na sa classroom si Kian, may dalawa pa siyang subjects na natitira sa umagang iyon. Kailangan pa niyang mag.review dahil may long quiz sila mamaya sa English, may 20minutes pang bakante sa break.time kaya susulitin niya ito para makapag study. Mangilan.ngilan pa kasi ang nasa loob ng classroom, ang ibang kaklase niya ay nasa labas pa at ang iba naman ay nasa canteen pa.
Abala siya sa pag.memorize ng mga oras na iyon ng may biglang may kumalabit sa kanyang likuran. Si Angela na halatang may kailangan sa kanya, kanina pa kasi ito laging nakamasid sa bawat kilos niya.
ANGELA: Hi, I'm Angela. Katulad mo ay isa rin akong transferee student pero nauna lang ako sayo ng
1 week dito. Sanay maging mabuti tayong mag.kaibigan. Pansin ko kasi kahapon pa parang ilang ka makihalobilo sa mga classmates natin.
KIAN: Oo, sensya na ganito lang talaga ako, di ako masyado nakiki pag kaibigan sa kahit na sino. Looner type of person kasi ako masanay kana sa akin.
ANGELA: Ok lang yan, wag mo ng problemahin iyon. Simula sa araw na ito, isa na ako sa maging kaibigan mo, wala rin kasi akong ka close dito. Allergic yata sila sa beauty ko.
(Napangiti ito at kitang kita ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin)
KIAN: Salamat, Angela. At least ngayon, may maituturing na akong kaibigan dito. By the way tapos kana ba mag.review sa English para sa long quiz later?
ANGELA: Oo naman, Nagpuyat pa ako kagabi para dun. At kanina madaling araw, nakapag review na din ako. Good luck na lang sa quiz mamaya, sana maka perfect score tayo.
KIAN: Hopefully, kaya natin i.perfect yan, Angela.. basta mag.tiwala lang tayo sa sariling kakayanan natin.
(Sabay ngiti nito sa bagong kaibigan)
Natapos ang umagang iyon na pareho silang may ngiti sa mga labi dahil sa resulta ng pagsusulit nila. Pareho nilang na i.perfect ang long quiz sa English. Masayang masaya ang dalawang bagong magkaibigan at isa iyong magandang blessing para sa kanila.
Pasado alas singko ng hapon pauwi na si Kian, naglalakad muna siya sa loob ng school, inikot ikot niya muna ang buong campus dahil gusto niyang maging pamilyar sa lahat ng kasulok.sulokan dito. Habang naglalakad siya pansin niyang tahimik na ang buong campus, kanina pa kasi 4pm nagsipag.uwian ang mga estudyante doon. Na late lang siya pag.uwi ngayon dahil dumaan muna siya sa library para mag research sa assigment niya sa Science. Hindi pa siya nakakarating sa basketball court ng school ng may mahagip ng kanyang tingin, may dalawang taong nagtatago sa isang lilim ng puno doon. Nakaupo ang dalawa sa bench na nandoon at halatang may kababalaghan na ginagawa sa mga oras na iyon. Dinig na dinig niya ang mga boses nito na parang nag.eenjoy sila sa isa't.isa. Dahil sa curiosity ni Kian, bigla siyang napa.upo at nag.kubli sa mga dahonan ng halaman doon na nakapalibot sa buong school. Bigla siyang napasilip at laking gulat niya ng mamataan niya ang dalawang nilalang na nag.tutukaan. Isang babae at isang lalaki, mukhang magkasintahan ang dalawang ito dahil halatang sabik na sabik ito sa isa't.isa. Di niya alam ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, magka.halong inggit at inis ang nasa puso niya. Bakit ba ganoon ang feelings niya at this moment? Hindi siya dapat makaramdam ng ganoon.
Umabot ng 15 minutes ang pagtatago ni Kian sa likod ng mga halaman doon nang sa wakas ay nagkaroon siya ng pagkakataon na mapagmasdan ang mga mukha nito. Laking gulat niya ng mamukhaan ang kasama ng kahalikan ng babaeng iyon, ang gwapong lalaki na crush niya, yung varsity player. Chickboy pala ito, di naman kataka.taka iyon dahil kita naman sa mukha nito na habulin talaga ng mga babae. Dahil bukod sa kagwapuhan nito ay macho pa, maglalaway ka sa angking karisma nito.
Pauwi na ng bahay si Kian at sa mga sandaling iyon ay hindi mawaglit.waglit sa isip niya ang mga nasaksihan kanina sa loob ng school. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay pansin niyang may bisita sila, may kausap ang kanyang ina. Isang eleganteng babae na tantiya niya ay kaedad lang ng kanyang mama, nasa late 40's na siguro ito pero kita sa pananamit nito na galing ito sa mayamang pamilya. Matapos magmano sa kanyang ina ay napatabi siya sa pagkaka.upo dito. Nakatingin siya sa bisita nilang babae, gulat na gulat siya dahil kamukha niya ito. Biglang napahawak sa kamay niya ang kanyang ina. Mukhang may importante itong sasabihin sa kanya ng mga sandaling iyon dahil halatang kabado ito.
SHERYL: Anak, may dapat kang malaman. Panahon na siguro para malaman mo ang buong katotohanan sa pagkatao mo.
Humarap sa kanya ito at makikita sa mga mata nito na maluluha na, higpit na higpit pa rin ang pagkakahawak sa kamay niya.....
KIAN: Ano po ba ang dapat kong malaman, Ma? Sabihin niyo sa akin ngayon.
SHERYL: Hindi ako ang tunay mong ina, Kian.
Ang babaeng kaharap mo, siya ang biological mother mo. Siya ang totoong nag.luwal sayo, anak. Best friend ko siya at kababata ko mula elementary hanggang high.school. Nung bago pa kaming kasal ng papa mo, nalaman ko buhat sa doktor na di ako magkakaroon ng anak, baog ako. Sabik ako magka.baby noon at sa di inaasahang pagkakataon muling nag.krus ang landas namin nitong best friend kong si Agnes. 20 years old siya ng magbuntis sayo, di siya pinanagutan ng lalaking naka.buntis sa kanya. Iniwan siyang bigla at di na muling nagkita pa. Napagkasunduan namin noon ng papa mo na after niyang manganak, aampunin namin ang anak niya at kami na ang magpapalaki dito. Pumayag naman si Agnes sa set up naming iyon. Binalak niya noon pa man na mag.abroad kaya after niyang mag.silang sayo iniwan ka na niya sa amin.
Napaluha na ito sa mga oras na iyon, pati si Kian ay maluha luha na rin dahil sa natuklasan sa kanyang itinuturing niyang ina simula pagkabata.....
KIAN: Bakit ngayon lang po niyo sinabi sa akin Ma ang katotohanang iyon? 15 years old na ako ngayon, matagal na panahon din kayong nag.lihim sa akin.
SHERYL: Sorry anak. Patawarin mo ako. Di lang ako nagka lakas loob na magsabi sayo ng totoo dahil natatakot akong baka magbago ang pagtingin mo sa amin ng papa mo.
Walang imik si Agnes sa kabilang sofa. Di ito maka.tingin ng diretso sa anak nitong inabandona niya ng mahigit 15 years. Kung hindi lang dahil sa kanyang step father na sobrang mapang.api sa kanya noon ay di sana niya ipapa.ampon ang kanyang anak. Natakot lang siya na baka may masama itong balak sa anak niya kasi napag planuhan nitong ibenta noon at gawing pagkakitaan kaya bago ito magtagumpay sa balak nito ay mailayo niya ito dito sa kapahamakan.
Nagkulong sa kwarto si Kian, di siya makapaniwala sa kanyang natuklasan tungkol sa pagkatao niya. Isa lang siyang ampon, di niya matanggap sa sarili na ang mga magulang na nakagisnan niya ng mahigit 15 years ay di pala niya totoong parents. Paano niya matatanggap sa puso niya ang katotohanang iyon?
~ITUTULOY~