NAPAPAPILANTIK ng mga daliri ang binatang si Bryan habang nakaupo sa waiting area ng kulungan. Pinuntahan nito si Annalisa sa kulungan para dalawin at makausap. Kabado ito at hindi alam kung paano magsisimulang kausapin ang dalaga. Hindi naman nagtagal ay lumabas na si Annalisa dala ng dalawang jail officer at tinanggalan ng posas. Kitang nangunotnoo pa ang dalaga na makita kung sino ang bisita nito. Pabalang itong naupo kaharap si Bryan na matiim na nakatitig sa kanya. Ibang-iba kasi ang itsura ng Annalisa na kaharap nito ngayon. Nakapusod ang mahabang buhok. Simpleng pantalon at shirt ang suot at walang make-up. Pero kahit walang make-up ang dalaga at simple lang ang suot, hindi maipagkakaila kung gaano ito kaganda. “What are you doing here?” iritadong tanong nito na naniningkit an

