“What did you say?” naninitang tanong ni Rita dito na napatayo sa kanyang desk. Napakibit balikat naman si Analyn na hindi nagpakita ng takot sa dalaga. “Big deal po ba ang nasabi ko, Ma'am? Hindi naman kayo ang tinutukoy ko. So. . . why are you so affected?” sagot ni Analyn dito na nag-igting ang panga na pinaningkitan ito. Maging ang mga kasama nila sa opisina ay masama ang tinging ginagawad kay Analyn na tila napakalaki ng kasalanan nito. Pero hindi ito nagpaapekto at nagpatuloy na lamang sa ginagawang pagi-sketch ng gown na ginagawa nito. “How dare you talk to me like that. Gusto mo bang. . . matanggal sa trabaho? If you didn't know who am I, then let me introduce myself to you,” saad ni Rita na napakamaldita ng pagkakasabi. “I am Rita–” “Wilson.” Tuloy ni Analyn na ikinatigil

