KINABUKASAN ay hindi nga nagbibiro si Theodore na dinala si Analyn sa Palawan kung saan sila magbabakasyon pansamantala. Gusto ni Theodore na mas magkakilala pa sila ni Analyn na wala nang tinatago sa isa't-isa. Hindi naman umangal ang dalaga dahil gusto din niyang makapag simula sila ng panibago ni Theodore bilang si Analyn at hindi nagpapanggap bilang kakambal niya. Masaya ito na nakalaya na siya sa pagpapanggap bilang si Annalisa. Gumaan ang bigat sa dibdib nito at naging panatag na ang isip at puso nito na wala na siyang dinadalang guilt na niloloko niya si Theodore. Ngayon ay malaya na siyang ipakita at ipadama sa binata ang totoong nadarama. Hindi man niya sinasadya na mahulog kay Theodore pero, nagpapa salamat ito na si Annalisa pa rin ang nagdala sa kanya sa binata. Noong una a

