MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin dalawin ng antok si Annalisa. Masakit kasi ang buong katawan nito. Araw-araw siyang pinag-iinitan ng tinatawag nilang mayora sa loob ng selda nila. Dati daw kasi itong mayora na katulad niya, pinagnakawan at bantaan ang buhay ng kaibigan. Lahat ng mga kasama nilang preso sa selda ay sinusunod ito at pinagsisilbihan. Takot ang mga kasama niya dito, maliban kay Annalisa. Kaya naman siya ang napag-iinitan ng ginang. Lalo na't siya ang pinakamaganda sa kanilang lahat na preso. Mabait din sa kanya ang warden nila kaya naman mainit ang dugo ng ginang kay Annalisa. Walang araw na hindi siya nabubugbog ng mga kasamang preso sa selda na utos ng mayora. Wala naman itong laban at marami silang nagtutulungan sa kanya. Takot kasi ang ginang kung one on one sila

