MAGDIDILIM na nang makabalik sina Theodore at Analyn sa bahay. Inilibot din kasi ni Analyn ito sa plaza nila at sa pinasukan nitong university sa bayan. Matapos nilang mamasyal ay umuwi na sila at walang makakasama ang ina ni Analyn sa hapunan. Paminsan-minsan ay sa bahay nila natutulog si Brenda na pinsan nito para may kasama ang ina niya. Ito lang din kasi ang malapit nilang kaanak na mapagkaka tiwalaan. Pagdating nila sa bahay, sakto naman ng nagsasara na ng tindahan at bigasan nila ang ina at si Brenda kaya tumulong na muna sila. “Oh, nakabalik na pala kayo. Kumusta ang paglilibot niyo sa bayan, anak?” tanong ng ina nito na malingunan ang dalawang bagong dating. Napangiting nagmano naman ang mga ito sa ginang bago sumagot. “Maayos naman po, Nay. Nakakamis lang ang pwesto nati

