NANGINGINIG si Analyn na napaupo sa kanyang desk at sobrang bilis ng kabog ng dibdib! Nagsibalikan na rin ang mga kaopisina niya sa kanilang desk at nagbubulungan pa rin. Sa uri ng tinging ginagawad nila kay Analyn ay kinukutya nila ito at naniniwala sa ibinintang sa kanya ng asawa ng isa sa mga board director na kabit ito ng matanda. “Maganda nga, kabit naman.” Ismid ni Annie na nakamata kay Analyn. “Sinabi mo pa. Napakayabang niya pero. . . kabit lang pala siya ng isang matanda.” Sagot ni Mica dito. “Kaya pala mamahalin ang mga suot at gamit niya. Kasi nga. . . kabit siya ng board director natin. I was just wondering. Ilan kaya ang sugar daddy niya,” saad din ni Shirley. “Pabayaan niyo na, girl. Hindi niyo dapat sinasayang ang oras niyo sa mga walang kwentang tao,” saad ni Rita n

