MAAGANG bumangon si Analyn para maghanda ng almusal nilang tatlo. Pero laking gulat nito na maabutang gising na ang ina niya at kasalukuyang nagluluto na sa kusina. “Nay! Ang aga niyo naman po,” bulalas nito na ikinalingon ng ina niya. Kiming ngumiti ang ginang na malingunan ang anak nitong halatang bagong gising pa lang. Sabog-sabog pa ang mahaba nitong buhok. “Maaga talaga ako kasi magbubukas pa ako ng bigasan at tindahan natin, anak.” Wika nito na nagpatuloy sa pagluluto. Napangiti naman si Analyn na niyakap ang ina nito mula sa likuran. “Nay, hindi niyo po kailangang magtrabaho ha? Kaya ko po kayong buhayin.” Saad nito habang nakayakap sa ina. “Alam ko naman iyan, anak. Pero nakabawi-bawi naman na ng lakas ang katawan ko eh. Isa pa, magaan lang ang trabaho ko sa tindahan natin

