MAAGANG bumangon ang ina nila Analyn para siya ang maghanda ng kanilang agahan. Napangiti ito na makagisnan ang anak na si Annalisa sa tabi niya. Parang kuting na nakasiksik sa bisig ng kanyang ina. Magaan itong kinintilan ng halik sa noo ng ginang na maingat hinaplos sa ulo ang dalaga. “Maligayang pagbabalik sa bahay natin, anak ko. Napakasaya kong. . . nandidito ka na kasama namin. Mahal na mahal kita, Annalisa.” Wika nito na muling hinalikan sa noo ang anak bago bumangon ng kama. Pagpasok nito sa kusina, nagkagulatan pa sila ng binatang si Bryan na sabay silang pumasok ng kusina. Nagmula ang binata sa likod ng bahay at doon sila tumutuloy ng mga bodyguard ni Theodore. “Magandang umaga po, Tita.” Pagbati nito na nagmano pa sa ginang. Napangiting hinaplos ito sa ulo ng ginang na b

