bc

Elemental Warriors (Book 1)

book_age16+
331
FOLLOW
1K
READ
others
no-couple
highschool
multiverse
superpower
special ability
like
intro-logo
Blurb

Ang mundo ay napapalibutan o binubuo nang mga elemento, elementong bumabalanse sa mundo. Ang mga ito ay pumipili nang mga taong nararapat na magamit sila, ang mga mapipili ay magkakaroon nang mga kakaibang kakayahan depende sa elementong pipili sa kanila

chap-preview
Free preview
Prologo
Isang libong dekada o mas matagal pang panahon ang lumipas sa panahong pinangalanan nating Jurassic Period. May nakatayong 26 na kastilyong may katumbas na letra o rune, elemento at mga nilalang na sumisimbolo dito. Ang panahong ito ay payapa sapagkat balanse ang mga elemento at namumuhay nang tahimik ang mga tao, hayop o maging ang mga halimaw. Ang panahon rin na ito ay meron lamang iisang lupa kung saan nakakalat ang mga kastilyo. Sa mga kastilyong ito nagmumula ang mga taong espesyal na pinipili nang elemento bilang tagapangalaga nito at tinawag na tagapagmana. Ang lupang ito ay tinawag natin na Atlantis, isang lugar at sibilisasyong sinabing naglaho sa pamamagitan nang pag-lubog sa tubig.   Ang payapang lugar ay biglang naglaho dahil nawasak ang isa sa kastilyo: Ang YORE o Time Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Garuda”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang kontrolin ang oras, kaya nya itong pabagalin, pabilisin o patigilin. Kaya rin nyang makapunta kaagad sa lugar na gusto nyang puntahan at makita o makapunta sa hinarap o nakaraan nang isang bagay o sinuman.   Ang kastilyong ito ay nawasak sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. At dahil sa pagkawasak nito nang biglaan ay walang natirang tao dito. Pagkatapos nito ay nagsisihan ang mga natitirang kastilyo at nagsanib pwersa laban sa ibang kastilyo. Ang mga kastilyong  natira ay ang:   Ang AMPLITUDE o Space Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Amphithere”. Dito nagmumula ang tagapagmana na may kakayahang kontrolin ang ano mang nasa kalawakan, kaya nyang gumawa nang mga replica nang mga ito na sa kanyang katawan mismo lumalabas. Bukod sa kakayahang ito ay kaya rin nyang basahin o kontrolin ang isipan nang isang tao.   Ang BRUTISH o Animal Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Griffin”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gayahin at controlin ang ano mang hayop.   Ang CRYPT o Dark Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Raven”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gumawa, kontrolin o sumanib sa dilim. Ang dilim na nilalabas nito ay kayang higupin ang ano mang bagay na tumama rito.   Ang DAWN o Light Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Dove”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gumawa, kontrolin o sumanib sa liwanag. Ang liwanag na nilalabas nito ay nag-mimistulang laser na kayang tumunaw sa ano mang bagay na tamaan nito.   Ang ENSANGUINGED o Blood Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Gytrash”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang paramihin ang kanyang dugo, kaya rin nyang gumawa nang mga sandatang gawa dito, ang tibay nito ay depende sa dami nang dugong ginamit sa paggawa nito. Dapat ding may hawak na parte nang sandata ang tagapagmana, kung hindi ay babalik ito sa pagiging dugo.   Ang FATALITY o Death Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Demon”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gawing Dark Elements ang mga normal na elemento: Dark Fire - kayang sunugin ang ano mang bagay at hindi namamatay hangat hindi ito tinitigil nang gumawa o naging abo na ang tinutupok nito. Dark Water – isang uri nang malakas na acido na kayang tunawin ang kahit na anong bagay. Dark Land – isang uri nang lupa na parang torpedo na sinusundan at lumalabas sa ilalim nang kalaban na parang drill. Dark Wind – isang uri nang hangin na gawa sa mahika, sinusonod o ginagawa nito ang ano mang naisin nang gumawa dito. Dark Vine – isang uri nang halaman na sinusundan at kinakain ang ano mang kumikilos kapag inutos nang gumawa rito, hindi rin ito basta-basta napuputol o nasusunog. Dark Ice – isang uri nang yelo na hindi kayang tunawin nang apoy ngunit madaling mabasag kasama ang ano mang nasa loob nito. Dark Lightning – isang uri nang koryente na kayang tumagos sa kahit na ano mang bagay. Dark Metal – isang uri nang metal na pinaka matibay sa buong mundo.   Ang sino mang mapipinsala nang Dark Elements ay hindi mapapagaling nang ano mang uri nang pang-gagamot, maliban nalang ang pinanggalingan nito.   Ang GUST o Wind Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Pegasus”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang kontrolin o maging hangin, kaya nitong gawing kasing talim nang kutsilyo ang hangin.   Ang HAIL o Frost Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Unicorn”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gumawa o gawing yelo ang ano mang bagay, kaya rin nitong kontrolin ang mga ito.   Ang INFERNO o Fire Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Phoenix”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gumawa, kontrolin o maging apoy.   Ang JUGGERNAUT o Monster Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Gargoyle”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gumawa nang mga halimaw mula sa ano mang elemento, kaya rin nyang kontrolin ang mga ito matapos nyang mahawakan.   Ang KNOWLEDGE o Technology Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Alphyn”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gumawa nang mga makabagong bagay.   Ang LIGHTNING o Volt Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Thunderbird”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gumawa, kontrolin at maging koryente.   Ang MYSTIC o Emotion Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Qilin”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang malaman ang nararamdaman nang ano mang malapit sa kanya, kaya rin nilang kontrolin ang mga ito gamit ang kanilang emosyon.   Ang NIRVANA o Sky Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Simurgh”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang lumipad nang malaya sa himpapawid, kaya rin nyang kontrolin ang mga ulap o usok at gawin ang naisin rito.   Ang OCEAN o Water Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Sea Serpent”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gumawa, kontrolin at maging tubig.   Ang PANACEA o Health Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Wyvern”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang mang-gamot nang kahit na anong sakit, sugat o diperensya nang sino man, pero kaya rin nitong puminsala o pumatay nang kahit sino kung gugustuhin nya lalo na kung galit ito.   Ang QUAKE o Earth Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Dragon Turtle”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang kontrolin o maging lupa.   Ang RADIANT o Energy Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Hydra”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang kontrolin ang enerhiya nang isang bagay: kaya nitong pasabugin ang mga walang buhay na bagay kapag nahawakan nya ito; ang mga may buhay naman ay dumodoble ang lakas, bilis at resistensya o kasalungat nito; kaya nyang higupin ang pwersa nang atake at ibalik ito nang doble ang lakas.   Ang SPIRIT o Life Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Angel”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang bumuhay at magpagaling nang sino man, kaya rin nitong gamitin ang ano mang elemento.   Ang TABOO o Gravity Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Catoblepas”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang kontrolin ang gravity nang ano mang bagay sa paligid nito.   Ang ULTRA o Alchemy Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Chimera”. Dito nagmumula ang tagapagmana na nakakagamit nang Alchemy, isang kakayahang kayang baguhin ang estraktura nang anumang bagay at gawin itong bagong bagay o ayusing ito.   Ang VESTIGE o Shadow Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Shadow”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gawing sandata ang mga anino, sandatang tanging sa anino lang makikita. Kaya rin nyang gayahin ang anumang kilos o maging kakayahan nang kahit na sino maging nang ibang tagapagmana.   Ang WEALD o Forest Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Golem”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gumawa at kontrolin ang mga halaman.   Ang XENO o Metal Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Minotaur”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gumawa at kontrolin ang ano mang bakal, kaya rin nitong gawing bakal ang kanyang sarili.   At ang huli ay ang ZIRCON o Crystal Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang “Teumessian Fox”. Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang kontrolin ang ano mang gawa sa krystal, kaya rin nyang gawing krystal ang ano mang hawakan nya at maging ang kanyang sarili. Kaya rin nyang gumawa nang barrier na kayang harangan ang lahat o maging gamitin ito bilang sandata.   Sa mga tagapagbantay na ito ay tatlo ang bukod tangi: Ang Anghel na kayang maging Archangel kapag nakakuha sya o binigyan sya nang ibang elemento. Ang Dyablo na kayang maging Archdevil kapag nakakain sya nang ibang elemento. At ang Anino na kayang gumaya nang ibang tagapagbantay.   Dahil sa pag-kalabas nang Archdevil sa unang pagkakataon ay nasira ang ibang kastilyo at natira nalang ang Death, Life, Fire, Land, Water, Wind, Forest, at Animal Castle.   Pagkatapos nang pangyayaring yon ay minabuti na nang mga elemento na ikulong ang sarili sa mga simbolo nang bawat kastilyo at nakakalat sa mga tagong lugar. Pero merong templo sa pinaka-sentro nang lupa na dumiderekta sa mga ito at ang mga ito ay bumubukas lamang sa mga karapat dapat. Ang templo ay bukas tuwing katapusan nang taon, para sa mga tao na may edad sampu upang subukan kung meron silang makukuhang elemento o kahit man lang especial na kakayahan mula sa mga ito.   Magsisimula ang kwento, isang tahimik na gabi sa loob nang Death Castle… “Uwa, uwa…” narinig nang isang lalake na kanina pa nag-aantay sa labas nang isang kwarto. “Kambal kamahalan, kambal ang anak nyo!” sabi nang isang babae na lumabas nang kwarto. “Hinde, maaari” sabi nang lalake na biglang tumayo at sa may nangangambang boses. “Kamahalan!” tawag nang isang lalakeng tumatakbo palapit. “Ano yon?” tanong nang hari na hinarap ang bagong dating. “Pinanganak na po ang Angelic Child” sabi nang lalake na binuksan ang bintana upang makita nang hari ang isang liwanag na nagmumula sa direksyon nang Life Castle. “Totoo nga!” sabi nang hari na ngayon ay lalong nangamba, “Pano na ngayon kamahalan?” tanong nang babae na ngayon ay kinabahan narin “Ibigay mo sakin ang huling lumabas na sangol” utos nang hari. “Sigurado kayo kamahalan, pano kung…” sabi nang babae habang inaabot sa hari ang isang sangol. “Eto ang sabi nang tagapagmana nang Yore bago sya nalagutan nang hininga” sabi nang hari na nilagyan nang papel ang loob nang kumot nang sangol. “Dalhin mo sya sa bungad nang gubat, may naghihintay don na ninja, alam na nya ang gagawin” sabi nang Hari habang ibinibigay ang sangol sa lalake. “Masusunod kamahalan” sabi nang lalake na agad umalis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
25.8K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.6K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
19.3K
bc

Daddy Granpa

read
294.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook