"Kamusta na kaya sila?" sabi ni Drake na naalala sina Naht.
Sya ngayon ay nasa kwarto na nya, kakatapos palang nila kumain nang hapunan at dahil sa tuwa nang hari ay...
"Maraming salamat sa'yo at hindi napahamak si Reign" sabi nang hari bago gumagat sa pagkain.
"Wala po yon kamahalan, ayon naman po ang dahilan kung bakit ako narito" sabi ni Drake bago kinuha ang kanyang kopita at uminom.
"Gusto ko ang ugali mo" sabi nang hari na nakatingin kay Drake.
"Kaya nga gusto kita para maging kabiyak nang aking anak" dagdag nito.
"Dad!" gulat na protesta ni Reign dahil hindi nakasagot si Drake na nabilaukan.
"Ayaw mo ba sa kanya Reign?" tanong nang reyna.
"May itsura naman sya, matipuno at mabait" sabi nito na tumingin kay Drake na nakatalikod dahil inuubo pa ito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Vode na katabi ni Drake.
"Ayos na ko, salamat" sabi ni Drake bago humarap sa mesa.
"Ano sa tingin mo Drake, maganda naman ang aking anak hindi ba?" sabi nang hari.
"Hindi ko po ikakaila na may kagandahang daglay ang prinsesa, pero..." sabi ni Drake na hindi makatingin sa lahat.
"...baka po may ibang napupusuan ang prinsesa at hindi po ako dugong bughaw kaya hindi po ako karapat dapat sa kanya. Pasensya na po" sabi ni Drake na tumingin sa hari.
"Ik..." sabi ni Cobe kaso...
"Huwag kang maingay" mahinang sabi ni Reign na tinakpan ang bibig ni Cobe.
"Bakit?" tanong nang hari na nakuha ni Reign ang atensyon.
"Muntikan na po kasing sumuka si Cobe buti nalang po natakpan ko" sabi ni Reign na tumingin sa ama.
"Hindi ba?" dagdag nito na tumingin kay Cobe kasabay nang pagtapak sa paa nito.
"Sinabi na kasing huwag masyadong kumain" sabi nang hari dahil tumango si Cobe.
"Una na po kami ni Cobe" sabi ni Reign bago sila nawala.
"Pag-isipan mo nang mabuti Drake, wala akong pakialam kung hindi ka prinsipe, seryoso ako sa sinabi ko" sabi nang hari na muling tumingin kay Drake.
"Pag-iisipan ko po kamahalan" sabi ni Drake.
"Ako, pakakasalan ang Angelic Child" isip ni Drake nang inalala ang nangyari kani-kanina lang.
"Baka nga sya pa ang manguna sa pagpatay sa'yo pag nalaman nilang ikaw ang Demon Child" narinig nyang sabi nang isang boses.
"Baka nga" sabi ni Drake na naglakad na papunta sa mga gamit.
"Ngayong napag-isip-isip kong parang pamilyar ang pangalan mo" sabi ni Drake na inalis ang pangtaas.
"Ang galing ni Cobe, naayos rin nya yung damit" dagdag nito na itinaas ang damit at tinignan ang parteng dapat ay may butas.
"Pano nangyaring pamilyar ang pangalan ko? Sa tagal na walang napapadpad na tagapagmana sa Fatality ay siguradong nakalimutan na nila kung sino ang huling Demon Child" sabi ni Viel habang maayos na nilapag ni Drake ang damit sa tabi.
"Wala nga akong kilala mismo, pero baka merong may pangalang Viel at narinig ko lang ito" sabi ni Drake habang kumukuha nang bagong damit.
"Drake, kailangan nating mag-u..." sabi ni Reign na biglang pumasok sa kwarto kaso natigilan ito nang makitang walang pang-itaas si Drake na tumayo nang pumasok sya.
"Bakit, prinsesa?" tanong ni Drake na nakatingin kay Reign na tumalikod.
"Mag-damit ka muna" sabi ni Reign na namumula na.
"Tapos na prinsesa" sabi ni Drake matapos nyang isuot ang damit na kinuha nya.
"Bukas nalang tayo mag-usap" sabi ni Reign bago sya nawala.
"Anong problema non?" nagtatakang sabi ni Drake na sinarado nalang ang pinto.
"Sinong babae ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa'yo? Gwapo at mabait na, tapos pinakita mo pa ang iyong magandang katawan sa kanya" sabi ni Viel bago tumawa.
"Anong pinagsasabi mo dyan?" sabi ni Drake na naglakas na palapit sa kama.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong nangyari sakin?" sabi ni Reign na nakahiga sa kama at nakatingin sa bubong bago namula nang bumalik sa alaala nya ang nakita nya kanina.
"Bakit di ko sya maalis sa isip ko" sabi ni Reign na nagtalukbong.
"Mukhang umiibig ka na sa kanya" sabi nang isang boses.
"Tigilan mo ko SHIERA, huwag mo nang ipamukha sakin yon" sabi ni Reign na bumangon at tumingin sa dingdeng na harang nang kwarto nila ni Drake.
"Dati ko pa alam yon" dagdag nito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"May dapat kang malaman" sabi ni Viel.
"Ano yon?" sabi ni Drake na nakahiga na sa kama at nakatingin sa bubong.
"Alam mo na may monster form ang bawat elemento hindi ba?" sabi ni Viel.
"Oo" sabi ni Drake.
"Alam mo rin sigurong nagagamit ito nang mga tagapagmana kung kailan nila naisin" sabi ni Viel.
"Lahat maliban sa dalawa" sabi ni Drake.
"Tatlo" sabi ni Viel.
"Tatlo?" naguluhang sabi ni Drake.
"Ang Fatality at Spirit ang dalawa, ano yung isa?" tanong ni Drake.
"Ang Vestige" sabi ni Viel.
"Pero nagamit ko ang monster form nung tournament" sabi ni Drake.
"Magagamit mo nga ang monster form nang Vestige kung kailan mo naisin pero ito ay may kapalit, tulad nang Fatality at Spirit na kailangan munang mamatay" sabi ni Viel.
"Kapalit?" sabi ni Drake na napabangon.
"Bawat anyong gagawin mo ay kapalit nang isang araw sa iyong buhay" sabi ni Viel.
"Isang araw..." sabi ni Drake na natulala.
"Kaya kung ako sayo babawasan ko ang pag-gamit sa monster form" sabi ni Viel.
"Bakit ganon?" sabi ni Drake.
"Ayon ay para maging patas, dahil ang Fatality at Spirit ay dalawa ang anyo at ang Vestige ay kayang gayahin ang ibang monster form" sabi ni Viel.
"May punto ka don, pero bakit ganon? Ilang anyo na ang nagagawa ko gamit ang Vestige" sabi ni Drake na muling humiga at nagtakip nang mukha.
"May isa ka pang dapat malaman, kapag ang tagapagmana ay tumuntong na nang trese anyos ay magiging permanente na ang tatak sa kamay nito" sabi ni Viel.
"Naloko na" sabi ni Drake na muling napabangon.
"Kaya nga dapat ay magsanay ka nang pareho mong kakayahan, ang Vestige at ang Fatality para maprotektahan mo ang sarili mo sa panahong yon" sabi ni Viel.
"O simulan mo nang magsuot nang pantakip sa kamay" dagdag nito.
"Ngayon ang oras para magsanay, tuwing gabi lubusang lumalakas ang Fatality at magandang pantakip ang dilim sa iyong anyo, siguradong walang makakakilala sa'yo kung meron mang makakita" dagdag ni Viel.
"Kung ganon tayo na, simulan na natin ang training" sabi ni Drake bago sya nawala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan...
"Umaga na agad" sabi ni Drake nang masinagan nang araw ang mukha nya.
"Parang kakatulog ko palang" sabi ni Drake na bumangon na.
"Ayos nayon medyo na-master mo na naman ang dark elements" sabi ni Viel.
"Sana lang walang nakakita" sabi ni Drake na nagayos na nang sarili.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Magandang umaga" bati ni Drake kila Xech at Vode nang mapadaan ito sa kwarto nya paglabas nya.
"Magandang umaga rin" bati rin nang dalawa bago lumabas si Reign sa kwarto nya.
"Magandang umaga prinsesa" bati nang tatlo na yumuko.
"Magandang u..." sabi ni Reign na tumingin sa direction nang boses kaso natigilan ito nang makita si Drake.
"Ganon ba palagi yon kapag umaga?" tanong ni Drake dahil inirapan sila ni Reign at naglakad na paalis.
"Sa katunayan, madaming pagbabago sa mga kilos nang prinsesa mula nung matapos ang tournament" sabi ni Xech na nakatingin sa paalis na prinsesa.
"Mas lalo na nung nalaman nyang kinuha ka nang hari para maging bodyguard nya" sabi ni Cobe.
"Baka napa-ibig mo na" pabirong dagdag nito.
"Imposible" natatawang sabi ni Drake bago...
"Excuse me, pinapatawag po kayong tatlo nang hari" sabi nang isang kawal na lumapit sa kanila.
"Salamat, pupunta na kami don" sabi ni Xech bago sila naglakad papunta sa throne room.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Delikado to" narinig nilang sabi ni Haring Rife na palakad-lakad sa throne room.
"Bakit?" tanong ni Cobe kay Vode dahil hindi sila napansin nang hari sa lalim nang iniisip nito.
"May taong nakakita kagabi sa isang nilalang na gumagamit nang Dark Elements sa loob nang gubat" sabi ni Vode.
"Naloko na" isip ni Drake, kaso hindi ito nagpahalata.
"Nakilala ba nya?" tanong ni Xech.
"Ayon nga ang problema, hindi nya nakilala sa dilim nang paligid" sabi ni Vode bago pumasok si Reign.
"Buti naman kumpleto na kayo" sabi nang hari nang nakitang pumasok si Reign at napansin ang apat sa gilid.
"Sabi ko na tama ang desisyon kong kunin si Drake bilang bodyguard mo" sabi nang hari na tumingin kay Reign bago ito naglakad papunta sa trono.
"May problema ba dad" tanong ni Reign nang napansing balisa ang hari.
"Tama ang hula hingil sa Demon Child" sabi nang hari.
"Ang Demon Child?!" gulat na sabi ni Reign.
"May nakakita ritong nag-sasanay sa loob nang gubat" sabi nang hari.
"Pano nya nakuha ang Fatality" sabi ni Reign.
"Siguro ay pumasok din sya sa templo at nilihim nya ito pag-labas nang templo" sabi ni Xech bago tumingin kay Drake.
"Pero pwede ring may gumagaya rito?" dagdag nito bago tumingin lahat kay Drake.
"Hindi ko magagawa yon, wala naman akong motibo para takutin kayo" pagsisinungaling ni Drake.
"Kung sabagay, tama ka" sabi ni Xech na nilagay ang kanang kamay sa may baba nya at nag-isip.
"Drake" tawag nang hari kaya napunta rito ang pansin ni Drake.
"Kamahalan" sabi ni Drake.
"Gusto kong bantayan mo si Reign 24 oras at kahit san sya magpunta, problema lang ay tuwing gabi..." sabi nang hari na nag-isip.
"Alam ko na!" masayang sabi nito.
"Drake, mula sa araw na ito ay dun ka na matulog sa kwarto ni Reign" dagdag nito.
"Ho!" gulat na sabi ni Drake na hindi maipinta ang mukha.
"Dad!" reklamo rin ni Reign.
"Dear, hindi kaya sobra na yon?" sabi nang reyna.
"Sa tingin ko tama kayo kamahalan, ang Fatality ay malakas sa gabi kaya mas pwede itong umatake nang ganitong oras" sabi ni Xech.
"Xech!" galit na sabi ni Reign gamit ang telepathy.
"Pero kamahalan pwede naman po akong hindi matulog sa kwarto nang prinsesa" sabi ni Drake.
"Kung sabagay, pangit ngang tignan hangat hindi kayo naikakasal" sabi nang hari.
"Ano nga pala ang sagot mo sa tanong ko kahapon Drake?" sabi nang hari na tumingin kay Drake.
"Dad naman" sabi ni Reign bago pa makasagot si Drake.
"Kamahalan, kung inyo pong pahihintulutan" singit ni Xech.
"Sige Xech, ano yon?" sabi nang hari na hindi pinansin si Reign na nakasimangot na.
"Pwede ho nating gawing transparent ang dingdeng sa pagitan nang kwarto para mabantayan parin ni Drake ang prinsesa kahit na hindi sila nasa iisang kwarto" mungkahi ni Xech.
"Xech, namumuro ka na" sabi ni Reign gamit ang telepathy kasabay nang pagtingin rito nang masama, na lalong naasar nang makitang nakangiti ito.
"Ano sa tingin nyo Reign? Drake?" tanong nang hari na tumingin sa dalawa.
"Hindi ako sangayon" prangkang sagot ni Reign.
"Okay po yung ideya kamahalan kung pareho kami nang kasarian" sabi ni Drake.
"Pwede naman tayong maglagay nang maliit na lugar sa parehong kwarto kung saan makakapagbihis kayo" sabi ni Cobe na tumingin sa direksyon ni Reign at sinabayan nang ngiti.
"Pati ba naman ikaw" sabi ni Reign na tumingin kay Cobe.
"Para rin naman ito sa'yo prinsesa" sabi ni Vode na nakangiti rin.
"Bakit parang pakiramdam ko na pinagkakaisahan nyo ako" sabi ni Reign na tumingin sa lahat.
"Tayo" pagkorekta ni Drake.
"Pumayag na kayo, lalo ka na Reign dahil tama si Vode para rin to sa'yo" sabi nang reyna na pinilit magmukhang seryoso bago tumingin sa anak.
"Bahala kayo" sabi ni Reign bago naglakad palabas nang throne room.
"Sandali lang prinsesa" sabi ni Drake na yumuko sa hari at reyna bago sinundan si Reign.
"Drake, hinihintay ko parin ang sagot mo" pigil nang hari.
"Pasensya na po kamahalan, pero sa tingin ko po ay may ibang napupusuan ang prinsesa" sabi ni Drake na tumingin sa hari bago muling yumuko at sinundan si Reign.
"Ikaw kaya ang napupusuan nya" sabi ni Cobe nang masigurong nakalabas na si Drake.
"Nagkukunwaring galit, pero gusto naman ang binigay kong ideya" nakangiting sabi ni Xech.
"Parang ikaw dati" sabi nang hari na tumingin sa kanyang reyna.
"Hindi ah, mas malala ang naranasan mo saking mga kamay" sabi nang reyna bago sila tumawa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sandali lang prinsesa" sabi ni Drake na hinahabol si Reign.
"Bakit ka ba sunod nang sunod?!" galit na sabi ni Reign na nilingon si Drake.
"Bodyguard mo ko diba?" kalmadong sabi ni Drake.
"Gusto kong mapag-isa" sabi ni Reign bago ito nawala.
"Sakit sa ulo, hindi naman sya ganito kahapon" sabi ni Drake bago sya may narinig na batang umiiyak sa malapit.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Drake nang makalapit ito sa bata.
"Hindi pa kasi bumabalik ang nanay nya, mag-iisang oras na syang nandito" sabi nang isang batang paalis na kasama ang nanay nya.
"Gusto mo hanapin natin ang nanay mo?" tanong ni Drake sa bata.
"Ayoko sabi ni nanay, huwag daw akong sumama sa hindi ko kilala" sabi nang bata.
"Tama nga naman ang nanay mo don" sabi ni Drake bago tumingin sa paligid.
"Ayon din ang sinabi nya sakin" sabi nang nanay nang isa bata.
"Ok lang ba na iwan ko sya sa'yo? Mukha ka namang mabait" dagdag nito.
"Ok lang po" sagot ni Drake bago sila umalis.
"Gusto mo samahan nalang kita rito hangang bumalik ang nanay mo?" tanong ni Drake pagkaalis nang mag-ina kaso hindi sumagot ang bata kaya umupo nalang sya sa tabi nito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tignan mo yung lalakeng yon, akala ko ba bodyguard ko sya" sabi ni Reign na nakaupo sa ilalim nang punong pinag-papalipasan nya nang oras.
"Asan na sya?" dagdag nito na tumingin sa paligid.
"Di ba sinabi mo gusto mong mapag-isa?" tanong ni Shiera.
"Kung sabagay" sabi ni Reign bago tumayo.
"San ka pupunta?" tanong ni Shiera.
"Babalik na ako sa kastilyo" sagot ni Reign habang nag-papagpag.
"Na-miss mo na agad sya" pang-aasar ni Shiera.
"Tigilan mo nga ako" sabi ni Reign bago sya nawala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa Death Castle...
"Ba't hindi ka mapakali, mahal na prinsipe?" tanong ni Boa kay Lantis na kanina pa paikot-ikot.
"Dahil ba ito sa nabalitaan naming bodyguard nang prinsesa Reign?" tanong ni Nera bago sila tumawa ni Boa.
"Tumigil kayo!" galit na sigaw ni Lantis bago ito naglakad paalis.
"Mainitin talaga ang ulo mo" sabi nang isang boses.
"Bakit kasi ang lalakeng yon ang naging bodyguard ni Reign" sabi ni Lantis habang naglalakad.
"Hindi ko maintindihan, madami namang babaeng nagpaparamdam nang paghanga nila sa'yo bakit patuloy ka parin sa pagsuyo sa kanya" sabi nang boses.
"Dahil sya ang gusto ko mula nung mga bata pa kami" sabi ni Lantis.
"Magkakilala na pala kayo mula nung pag-kabata edi mas may pag-asa ka kaysa sa Mimic" sabi nang boses.
"Sana nga ay ganon lang yon, pero sabi ni Reign ay mamahalin nya ang sino mang lalakeng makakatalo sa kanya" sabi ni Lantis.
"Kung ganon hindi mo sya natalo kahit na wala pa sa kanya ang elemento?" sabi nang boses bago tumawa.
"Tumigil ka ELI, hindi yon nakakatawa" sabi ni Lantis na namula.
"Isa pa magaling sya sa pakikipaglaban dahil lagi syang tinuturuan nang kanilang punong kawal" dagdag nito.
"Kung ganon iniisip mong mamahalin ni Reign ang ninjang yon dahil natalo sya nito? Kung sabagay hindi malayong mahulog ang loob nya rito, gwapo na malakas pa" sabi ni Eli bago muling tumawa.
"Tigilan mo nga ko, ayokong makipag-usap sa'yo, dapat ako ang sinusuportahan mo" sabi ni Lantis.
"Pasensya na" sabi ni Eli na patuloy sa pagtawa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ayon sya" sabi ni Reign nang makilala si Drake sa malayo.
"Lagot sya sakin" sabi ni Reign na naglalakad na palapi.
"Dr..." sabi ni Reign na natigilan nang makita si Drake na ngayon ay nakikipaglaro na sa bata.
"Nanay" narinig nyang masayang sabi nang bata bago tumakbo sa isang babae.
"Baby" sabi nang babae na sinalubong ang bata at binuhat ito.
"Pasensya na ngayon lang ako nakabalik, madami kasing namili" sabi nito.
"Salamat sa pagbantay" sabi nang babae nang napansin si Drake.
"Ayos lang po yon" sabi ni Drake bago nagpaalam sa mag-ina.
"Prinsesa!" gulat na sabi ni Drake nang makita si Reign na nakasandal sa isang malapit na poste.
"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa bata" sabi ni Reign habang naglalakad palapit si Drake.
"Hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong tumulong sa mga batang umiiyak" sabi ni Drake na tumingin sa paalis na mag-ina.
"Eto nanaman" isip ni Reign na hinawakan ang dibdib habang nakatingin kay Drake.
"Ayun kasi yung gawain nang mga batang ninja sa Forest at maging sa Animal Castle, umangat kaming pito sa gawaing yon nung naging tagapagmana kami" sabi ni Drake na tumingin kay Reign.
"Buti ka nga may ginagawa ka bago mo makuha ang Vestige" sabi ni Reign na tumingin sa langit.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Drake.
"Hindi kasi ako nakakalabas nang kastilyo bago ko pa makuha ang Spirit at wala akong ginawa kundi magsanay sa pakikipaglaban mula nung bata pa" sabi ni Reign.
"Dahil ikaw ang Angelic Child?" sabi ni Drake.
"Hindi ko maintindihan, sinabi nilang wala na ang Demon Child pero kung itago at bantayan nila ako dati ay parang buhay ito, para naman may magagawa ang isang batang Demon Child na wala pang elemento" sabi ni Reign.
"Ang Demon Child" mahinang sabi ni Drake na tumingin sa malayo.
"Buti nga narito ka" sabi ni Reign na naging dahilan para muling tumingin sa kanya si Drake.
"Ikaw ang dahilan kaya hindi pa ako pinagbabawalang lumabas nang kastilyo" sabi ni Reign bago naglakad pabalik sa kastilyo.
"Anong ibig mong sabihin, prinsesa?" tanong ni Drake na sumunod kay Reign.
"Dahil ngayon na napatunayan nang buhay ang Demon Child at nakuha narin nito ang Fatality, baka hindi tumagal ay pagbawalan na ulit akong lumabas lalo na kung patuloy itong magpapakita" malungkot na sabi ni Reign na huminto sa paglakad at tumingin kay Drake.
"Hindi mangyayari yon dahil hindi ako aalis sa kastilyo at palaging magiging bodyguard mo" sabi ni Drake.
"Salamat" sabi ni Reign na biglang niyakap si Drake na hindi nakapagsalita sa gulat at niyakap narin ito nang mapansing umiiyak ito.
"Sabi ko na tama ako" sabi ni Vode na biglang sumulpot malapit sa dalawa.
"Vode!" gulat na sabi nang dalawa na agad lumayo sa isa't-isa, si Reign ay nanatiling nakatalikod at nagpunas nang luha.
"Sabi ko na may narar..." hindi na natapos ni Vode ang sasabihin dahil bigla itong nawala.
"Nasan n..." sabi ni Drake na tumingin sa paligid kaso hindi na nya natapos dahil bigla syang hinalikan sa labi ni Reign.
"Pasensya na" sabi ni Reign na biglang tumalikod dahil namumula na ito at ilang segundo ay nawala na ito at naiwan si Drake na nakatulala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ba't ko ginawa yon" sabi ni Reign na nasa kwarto at nakatalukbong nang kumot.
"Talagang nahulog na ang loob mo sa kanya, hindi kita masisisi dahil una sa lahat gwapo sya, matipuno at mabait ano pa ba ang hahanapin mo" sabi ni Shiera.
"Natalo rin nya ako sa isang laban" dagdag ni Reign.
"Natalo?" naguluhang sabi ni Shiera.
"Ayon ang isa ko pang hinahanap sa lalake ang matatalo ako sa isang patas na laban" sabi ni Reign.
"Ano na ngayon ang gagawin mo?" tanong ni Shiera bago may kumatok sa pintuan nang kwarto nya.
"Prinsesa nandyan ka ba sa loob?" narinig nyang sabi ni Xech sa labas.
"Xech, nakita mo ba ang prinsesa?" narinig nyang sabi ni Drake sa labas.
"Hindi mo ba kasama?" sabi ni Xech.
"Bigla nalang nag-teleport paalis, kanina ko pa nga sya hinahanap sa buong kastilyo wala rin sya dun sa tambayan nya" sabi ni Drake.
"Kung ganoon nandito nga sya sa loob" sabi ni Xech.
"Kailangang masiguro natin, hindi ako mapapakali hangat hindi ko alam kung nasaan sya" sabi ni Drake.
"Kaso paano?" tanong ni Xech.
"Ako nang bahala" sabi ni Drake.
"Hindi ka ba lalabas? Mukhang nag-aalala sa'yo si Drake" sabi ni Shiera.
"Hindi ko sya kayang harapin matapos ang nangyari kanina" sabi ni Reign.
"Nasa loob nga sya" narinig nyang sabi ni Drake na medyo nalungkot.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Paano mo nasigurong ang prinsesa nga yon?" tanong ni Xech.
"Nabasa ko ang nasa isip nya" sabi ni Drake bago sumandal sa tabi nang pinto.
"Nabasa? May telepathy ka rin?" sabi ni Xech.
"Meron" maikling sagot ni Drake.
"Kung ganon babalik nalang ako mamaya para gawing transparent ang dingdeng sa pagitan nang kwarto nyo" sabi ni Xech na nagsimula nang maglakad palayo.
"Ipagpapatuloy nyo yon?!" gulat na sabi ni Drake na nakatingin kay Xech.
"Gusto nang mahal na hari, kita nalang tayo mamaya" sabi ni Xech na hindi sya nilingon at sa halip ay kumaway nalang ito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinagabihan...
"Buong araw akong iniwasan nang prinsesa" sabi ni Drake na nakatingin kay Reign na kanina pa nahihimbing sa kabilang kwarto na isang transparent na dingdeng ang naghihiwalay.
"Hindi mo sya masisisi, talagang mahihiya sya sa'yo" sabi ni Viel bago humiga si Drake.
"Anong ginagawa mo? Hindi ka ba magsasanay?" tanong ni Viel.
"Narinig mo naman yung mangyayari kung patuloy na may makakakita sa Demon Child diba" sabi ni Drake.
"Pero ikaw din naman ang mapapahamak kapag hindi mo ito nakontrol lalo na kung lumalabas na ang simbolo nang elemento sa kamay mo" sabi ni Viel.
"Hindi nila ako mapapatay dahil lalabas ang demonyo" sabi ni Drake.
"Hindi nila alam yon, diba sabi ko sayo nasunog na lahat nang tungkol sa Demon Child at Fatality" sabi ni Viel.
"Pano mo ba nalaman na nasunog yon?" tanong ni Drake.
"Dahil ako mismo ang nagsunog nito" sabi ni Viel.
"Ano?!" gulat na sabi ni Drake.
"Hindi mo rin ako masisisi dahil hindi ko makontrol ang sarili ko nung lumabas na ang monster form" sabi ni Viel.
"Hindi mo parin masasabing hindi nila alam ang tungkol don, marahil ay naisip na nilang pareho nang proseso ang paglabas nang monster form nang Spirit at Fatality" sabi ni Drake.
"Hindi mo yon sigurado" sabi ni Viel.
"Pwedeng tama ako hindi ba?" sabi ni Drake.
"Pwedeng ring mali ka" sabi ni Viel.
"Kahit ano pang sabihin mo hindi na magbabago ang isip ko" sabi ni Drake.
"Siguradong ang Angelic Child mismo ang papatay sa'yo pag nalaman nyang ikaw ang Demon Child" sabi ni Viel.
"Bahala na kapag humantong na doon" sabi ni Drake.
"May kailangan kang malaman hingil sa mga elemento at tanging ang Fatality lang ang makakagawa hangang kumpleto pa ang mga tagapagmana at hindi pa nakukuha nang Angelic Child ang lakas nila" sabi ni Viel.
"Ano yon?" tanong ni Drake.