"Bueno, kita nalang tayo sa simula nang tournament" sabi nang pangulo na palabas na nang conference room ilang minuto pagkatapos nang prescon.
"Sige po madame president" paalam ni Anne sa pangulo na nauna na kasama ang assistant, sila ngayon ay nasa normal na damit na nila.
"O Tom, nandito ka pala" narinig nilang sabi nang pangulo sa labas.
"Tom" sabi ni Anne na naalarma.
"Teka lang" sabi ni Sherwin na pinigilan sila Anne gamit ang mga anino nila.
"Bakit mo kami pinipigilan?" tanong ni Shane na nasa unahan.
"Isa ang tatay nya sa kinuha ni Luis, kaya naiintindihan ko sya" sabi ni Sherwin.
"Kung ganoon mabuti pang makita nya ang nangyari" sabi ni Alex.
"Paano ka nakaligtas sa mga pinsala mo?" narinig nilang sabi ni Tom na nakatingin sa kanila.
"Binuhay ko sya" sabi ni Aira dahil walang balak sumagot si Sherwin.
"Binuhay? Kaya mo nga pala yon" sabi ni Tom na tumingin kay Aira.
"Pero ba't hindi mo binuhay ang aking ama?!" galit na sabi ni Tom.
"Teka lang" sabi ni Alex na pumagitna.
"Sa tingin ko mas makakabuti sa lahat kung makikita mo ang nangyari" sabi ni Alex na hinawakan si Tom bago sila nawala.
"Ano, hihintayin pa ba natin sila?" tanong ni Ivan sa mga kasama.
"Gutom na kasi ako" dagdag nito.
"Lagi ka naman gutom" pang-aasar ni Robert.
"Sino bang tao ang hindi ginugutom" depensa ni Ivan.
"Hindi naman oras-oras" sangga ni Kier.
"Hindi naman ah" sabi ni Shane.
"Salamat at may kakampi ako" sabi ni Ivan na lumapit kay Shane.
"Hindi oras-oras dahil minu-minutong gutom si Ivan" sabi ni Shane bago sila nagtawanan.
"Kala ko pa naman kakampi kita" sabi ni Ivan na kunwari nag-tampo pero nakatawa rin.
"Ba't tahimik ka dyan?" tanong ni Nick kay Sherwin dahil ni hindi ito tumawa.
"Kung hindi ako nagwala dati hindi ko mapapatay ang tatay ni Tom at hindi mabubuo ni Luis ang Oni" sabi ni Sherwin.
"Huwag mo nang isipin yon, aksidente ang nangyari" sabi ni Aira na lumapit sa lalake bago bumalik sila Alex.
"Kung ganon kinuha nung lalakeng may gawa nang tournament ang aking ama" sabi ni Tom na mahigpit ang hawak sa dulo nang samurai.
"Kaya hindi dapat si Sherwin ang inatake mo" sabi ni Anne.
"Ba't hindi? Tama nga lang yon para sa kanya at sana hindi mo na sya binuhay" sabi ni Tom na tumingin kay Sherwin tapos kay Aira.
"Anong sinabi mo!" sabi ni Anne na lulusubin si Tom na naghanda narin umatake.
"Teka lang tama sya" sabi ni Sherwin na pinigilan ang mga anino nang dalawa.
"Buti naman alam mo, hindi sya makukuha nung lalakeng yon kung hindi mo sya pinatay at kung binuhay nyo sya agad" sabi ni Tom.
"Wala na tayong magagawa dito" sabi ni Alex bago hinawakan si Tom at nawala.
"Anong ginawa mo?" tanong ni Sherwin na nakatingin kay Alex.
"Binalik ko sya sa kanila" sabi ni Alex.
"Tayo na bago pa sya bumalik" sabi ni Alex na naglakad na palabas.
"Bigyan mo lang sya nang panahon, mapapatawad ka rin non" sabi ni Aira.
"Sana nga" sabi ni Sherwin na nag-buntong hininga.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan...
"Huwag kayong mag-alala kami nang bahala sa Pilipinas habang wala kayo" sabi ni Jen kila Nick na mukhang nag-dadalawang isip umalis.
"Oo nga naman, you can trust us" sabi ni Carlos.
"Sherwin, Aira ipinagmamalaki ko kayo bilang estudyante" sabi ni Dennis sa dalawa na kausap nya sa di kalayuan.
"Salamat po guro" sabay na sabi nang dalawa.
"Mag-ingat kayo sa tournament at huwag nyong alalahanin ang bansa dahil kaya namin itong ipagtanggol" sabi ni Dennis.
"May tiwala naman po kami sa inyong lahat" sabi ni Aira.
"Maliban sa isa" sabi ni Sherwin na nakatingin kay Tom na masama parin ang tingin sa kanya.
"Ano nga ba kasi nangyari sa inyo ni Tom? Mula nung event ka pa nya tinitignan nang masama" sabi ni Dennis.
"Mahabang istorya po" sabi ni Sherwin na tumingin na sa guro.
"Baka maging magkamukha na kayo nyan" pang-aasar ni Phoebe kila Anne at Marie dahil magkatabi ito at parehong nakatingin kila Sherwin.
"Ba't ba kasi hindi ako sumama kay Aira dati" sabi ni Anne na inalis na ang paningin sa dalawa.
"Bakit nga pala nandito ka" sabi ni Anne na nakatingin kay Marie na titig na titig parin kay Sherwin.
"Padating na sila" sabi nang isang sundalo na nakatingin sa himpapawid at nakita ang isang malaking halimaw.
"Eto na ang simula" sabi ni Nick sa mga kasama habang nagtitipon-tipon sila.
"Mag iingat kayo sa tournament, kung pwede nga lang na hindi kayo ang ipadala ko" sabi nang pangulo na nakatingin sa syam.
"Ok lang po kami madame president, sigurado rin naman pong kaming syam ang inaasahan ni Luis" sabi ni Nick.
"Pero mga teenedyer palang kayo" sabi nang pangulo bago may bumagsak mula sa ere, ito ay isang bilog na bato na gumawa nang malaking crater.
"Tumungtong kayo sa bato, mag-sisilbi yang teleporter na magdadala sa mga kalahok sa islang pagdadausan nang tournament" narinig nilang sabi nang isang boses bata na nanggaling sa bato.
"Ang mga manonood ay bukas pa pwedeng pumunta sa isla" dagdag nito.
"Una na po kami" paalam ni Sherwin sa pangulo at para sa grupo.
"Mag-iingat kayo" sabi nang pangulo habang umaakyat ang syam sa bato na umilaw matapos silang makumpleto dito.
"Nasan tayo?" bulong ni Robert nang lumabas sila sa isang lugar na mukhang hotel.
"Dito po kayo bumaba" sabi nang isang babaeng malapit sa kanila.
"Uy baka matunaw" pang-aasar ni Anne dahil natulala ang mga lalake sa babaeng nakasuot nang maigsi at fitted na damit.
"Ako ang unang nakakita sa kanya" bulong ni Robert sa mga kasama dahil nasa tapat nya ang babae.
"Kami po ay si Ashley at narito po kayo sa hotel na inyong tutuluyan hangang lalaban pa kayo sa tournament" sabi ni Ashley habang bumababa sila kaso hindi na nakikinig ang mga lalake dahil nagkalat ang mga "Ashley" sa buong lugar.
"Isarado nyo nga ang mga bunganga nyo, nakakahiya" sabi ni Anne sa likod nang mga lalakeng kasama nila.
"Dito po ang daan" sabi nang isang Ashley na nauna nang maglakad.
"Anong klase sila? Ba't ang dami at magkakamukha" isip ni Shane na hindi na tulala sa halip ay nag-iisip na habang sumusunod.
"Mag-desisyon ka na? Ibabalik mo ba ang Fatality o hindi" isip ni Sherwin na hindi pinansin si Ashley at kanina pa pinag-iisipan kung ibabalik ang Fatality o hindi.
"Sa tingin ko kailangan dahil parang kulang ako, pero..." isip ni Sherwin na naputol nang buksan ni Ashley ang isang pinto.
"Dito po ang inyong kwarto" sabi ni Ashley habang pumapasok ang syam.
"Ang laki" sabi ni Kier na natulala sa loob.
"Ito ay may dalawang kwarto, isa para sa lalake at isa para sa babae" sabi ni Ashley habang nililibot nang syam ang paningin nila.
"Para saan to?" tanong ni Nick nang may nakitang kwintas sa maliit na mesa sa gitna nang kwarto.
"Isa yang patunay na kalahok kayo sa tournament at magkakaroon kayo nang discount sa lahat nang bibilhin nyo at libre kayo dito sa hotel" sagot ni Ashley habang inaabot ni Nick sa iba ang kanilang kwintas.
"Ang inyong bansa ay lalaban sa Block C at pang-labing dalawang laban bukas, ang stadium nang inyong laban ay sa pinakamalapit na stadium" sabi ni Ashley.
"Kung ganoon bukas pa ang talagang simula nang laban" sabi ni Aira na lumapit sa bintana.
"May mga katanungan pa po ba kayo?" tanong ni Ashley
"Wala na, salamat" sabi ni Sherwin bago nagpaalam si Ashley.
"Tara pasyal tayo" yaya ni Anne sa mga kasama.
"Tara" sabay na sabi nang lahat maliban kay Sherwin.
"Bakit?" tanong ni Shane na tumingin sa kaibigan kaso pinakita ni Sherwin ang bag na naglalaman nang crystal nang Fatality.
"Sigurado ka ba? Mas makakabuti kung hindi mo na ibabalik sa'yo ang Fatality" sabi ni Nick.
"Sa tingin ko nga mas mabuti yon, pero pakiramdam ko kulang ang sarili ko" sabi ni Sherwin.
"Pano hanggang mamaya nalang" paalam ni Ivan bago sila lumabas nang kwarto.
"Oras na para ibalik ang Fatality" sabi ni Sherwin habang binubukas ang bag at kinuha ang crystal na umilaw bago sya walang malay na bumagsak.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Drake" narinig ni Drake na sabi nang isang boses babae.
"Nasan ako?" tanong ni Drake nang iminulat nya ang kanyang mata.
"Nasa bahay ka na" sabi nang nanay nya.
"Bahay?" naguluhang sabi ni Drake habang bumabangon.
"Ano pong nangyari?" tanong nito na hinawakan ang ulo.
"Bakit? Anong nangyari?" sabi nang tatay nya na humahangos na pumasok.
"Nagising na si Drake, akala ko kasi kung ano yung ilaw na lumabas sa'yo kanina" sabi nang babae.
"Mabuti naman" masayang sabi nang lalake.
"Bakit po? Ano pong nangyari?" tanong ni Drake na sinubukang tumayo kaso bigla syang napaupo.
"Dahan-dahan lang, anim na buwan kang walang malay" sabi nang babae bago tumayo upang kumuha nang pagkain.
"Anim na buwan!" gulat na sabi ni Drake bago sya nahilo at muling napahiga.
"Nasobrahan ka daw sa gamit nang iyong elemento at hindi ito kinaya nang katawan mo" sabi nang lalake na lumapit sa anak at inalalayan itong bumangon.
"Inumin mo muna to, para magkalaman ang tyan mo" sabi nang nanay nya na may hawak nang mangkok na may lamang sabaw.
"Panaginip lang ang lahat, pero parang totoo" isip ni Drake bago humigop nang sabaw.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinahapunan...
"Sigurado ka?" tanong nang tatay ni Drake dahil nagpumilit itong lumabas.
"Sigurado po ko" sagot ni Drake na nag-stretching sa labas
"Isa pa po, kailangan kong magsanay para maprotektahan ang kastilyo bilang Elemental Warrior" dagdag nito bago nagpaalam at tumakbo.
"Hindi kaya totoo yung panaginip ko" isip ni Drake habang tumatakbo bilang warm-up.
"Kung totoo yon mangyayari palang yon sa hinaharap, pano ko yon nakita?" isip nito kaya bumagsak ito nang...
"Drake" masayang sabi ni Lian na tinalunan si Drake mula sa likod kaya ito bumagsak.
"Lian, nakalimutan mo bang kakagising palang ni Drake" sabi ni Mabe dahil hindi rin nakabawi agad si Drake.
"Pasensya na" sabi ni Lian habang tumatayo.
"Ok lang yon" sabi ni Drake bago may kamay na inalok sa kanya.
"Mabuti naman at nagising ka na" sabi ni Naht na tinulungang tumayo si Drake.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" sabi ni Worp na nakatingin kay Drake na nagpapagpag.
"Oo nga, mabilis ka naman nakakaiwas kay Lian dati kahit na may sakit ka" sabi ni Mach.
"Baka epekto yan nang pagkakatulog mo nang matagal" sabi ni Gyn.
"Siguro nga" sabi ni Drake.
"Drake, gusto ka nga palang makausap ni daddy" sabi ni Naht na naalala ang utos.
"Ang hari? Bakit?" tanong ni Drake na nagtaka.
"Di ko alam, pero pinasundo ka agad nang malaman nyang nagising ka na" sabi ni Naht.
"Tayo na kung ganoon" sabi ni Drake bago sila nagpaalam kila Lian at tumakbo na papunta sa Forest Castle.
"Masama ang kutob ko" sabi ni Lian habang nakatingin sila sa apat na kaibigang tumatakbo paalis.
"Tayo na rin Lian, may utos rin sa atin ang iyong ama" sabi ni Mach.
"Oo nga pala" sabi ni Lian bago sila tumakbo sa kabilang direksyon.