Hanggang makauwi ako ay nanatili akong lutang. I still can feel his lips against mine at hindi ko iyon nagugustuhan.
Tila ba nagkaroon ng sariling buhay ang kamay ko at dumiretso iyon sa labi ko. His lips is soft and — marahas kong pinunasan ang labi ko. Stupid of me para tugunin ang mga halik nyang iyon! It was obvious na he's taking advantage of how vulnerable I was!
Damn you, Luke! Screw you!
"Cassandra?" Rinig kong pagtawag ni Manang. Inayos ko muna ang sarili bago tuluyang binuksan ang pinto.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya dahilan para kumunot ang noo ko.
"Tumawag ang Mommy mo kanina't sinabi nyang hindi kayo rito kakain," paliwanag nya nang makita ang naguguluhan kong tingin.
"Wala naman hong nabanggit si Mommy kanina," tugon ko. Sinipat ko ang cellphone na hawak ko pero wal maski text si Mommy.
"Ganoon ba? Sige ipagluluto kita," aniya saka ako tinalikuran.
Ilang ulit akong nagbuga ng hininga. "Wag na po, Manang. Hindi rin naman po ako gutom," nakangiting tugon ko.
Sa totoo lang, nagugutom talaga ako kaso nahihiya ako kay Manang kasi mukhang pagod na pagod sya. Parang nagkakarambola na nga ang mga alaga ko sa tyan. Nagutom yata ako sa halikan namin kanina ni Mr. Ashton.
Halikan?! What the fudge, Cassandra?! Talagang naalala mo pa ang bagay na iyon?!
Isang matipid na ngiti pa ulit ang ibinigay ko sa kanya bago tuluyang isara ang pinto. Ibinagsak ko ang sarili sa kama. Hindi na ako nag-abala pa na magbihis dahil pakiramdam ko'y nawawala nanaman ako sa wisyo.
Damn you, Mr. Ashton! Sana ay bumuka ang lupa at lamunin ka na lang non! Ipagpapasalamat ko ang bagay na iyon. Baka nga sa sobrang saya ko kapag ganon ang nangyari ay magpaparty pa ako.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi pa man iyon nagtatagal ay agad ko nang naramdaman ang paulit-ulit na pag-uga.
"It's fine. I'll wake her up."
Mr. Ashton? Pati ba naman sa panaginip ay nang gugulo ka? I pouted with the thought. Yeah. Mula nang mangyari ang hindi dapat mangyari kanina ay hindi na sya nawala sa isip ko. Now, he looks dashingly handsome even just standing there on my dreams.
I extended my hand to touch his face. Soft. Like a baby.
"No wonder how people gets crazy when they see you coming," saad ko saka ngumiti. He smiled at me. Yikes! Kinilig ako!
"Milka is really lucky to have you." Dagdag ko. Gusto ko sanang manahimik na lang at hindi na sya purihin pero hindi ko nagawa nang muling mapadpad ang mga mata ko sa mapupulang labi nya.
I touched his lips at parang tangang nangiti.
"I can still feel your lips against mine." Walang kagatol-gatol na saad ko. I'd trade anything just to feel him again.
"How was it? Do you like it?" He asked, smiling. How I wished Mr. Ashton is really likes this.
Tumango ako. I do like it. Do I have to lie? This is just a dream so telling something will really never hurt my pride. Besides hinding-hindi nya naman malalaman no. Over my dead body! Mamatay na muna ako bago pa man nya malaman na nagustuhan ko ang mga halik nyang iyon! Pero ang mga salitang iyon ay biglang nawala sa isip ko nang unti-unti ay punan nya ang distansya naming dala.
Fudge! This feel so real!
I can't stop myself from wanting more so I put my hand on his nape at mas lalo pa syang idiniin sa akin. Ako ang unang bumitaw sa ginagawa naming iyon. Malaking ngiti ang lumabas sa aking mga labi nang haplusin nya ang aking mukha.
"Do you like it?" Iyon nanaman ang tanong nya pero hindi ko yata magawang mainis kahit pangalawang beses na iyon. Nakangiti kong hinawakan ang kamay nyang nasa aking pisngi saka tumango pero nang mapagtanto ang nangyayari ay gulat akong napabangon.
"Aww! What the fvck, Sandra?!" Sigaw nya. Literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mr. Ashton sa harapan ko habang hawak ang ilong nya.
Nilingon ko ang kanyang likuran ngunit wala roon si manang. Paano nakapasok ang lalaking 'to dito? Myembro yata to ng akyat bahay, e!
"Mr. Ashton?!" T-that's not a dream?! Fvcking kill me now! I kissed him? Shxt, Cass. Calm down. Calm down.
"What?! Aw! Fvck!"
"So-sorry! Sorry!" Bulalas ko nang makitang mayroon nang pula roon sa kanyang kamay. Mabilis akong kumilos para kumuha ng towel sa closet at muling bumalik sa kama. "Here, use this," saad ko saka iniabot sa kanya ang— "fudge! Wait!" Mabilis kong inagaw ang panty ko at tumakbo muli sa closet para kumuha ng panyo.
Fvck! Bakit ba may nahalong panty dito?!
"My nose is bleeding, damn it!" Angil nya.
I rolled my eyes. Duh?! Nakikita ko kaya! I shouldn't feel guilty! This is what he gets from entering someone else's room and taking advantage of a person sleeping no! Buti nga ay yon lang ang inabot nya. I can be a member of that turtle ninja kapag naramdaman ko ang kamay nya sa ibang parte ng katawan ko.
"What are you doing here?" Kaswal na tanong ko. Umayos ako ng upo nang maiabot sa kanya ang panyo at isinandal ang sarili sa headboard ng kama. Prente ko syang tinignan na hindi pa rin magkadaugaga sa pagpupunas ng ilong nya.
"Sinusundo kita! Didn't you read my text na iuuwi kita sa bahay —"
"At bakit mo ako iuuwi sa bahay nyo aber?!" I cut him off. Nakataas ang isang kilay na pinagkrus ko ang aking mga braso saka diretso syang tinignan. "Pervert!"
E, kung sapukin ko kaya sya. I can't imagine na ganito kalandi si Mr. Ashton. Kung alam ko lang noon pa, hindi ko sana sya —
"Mom called me at sinabi nyang doon kayo magdidinner to talk about the wedding!" He shouted at me. Yes. Shout. As in sa sobrang lakas ng boses nya ay napatigalgal ako. Panay ang paghawak nya sa kanyang ilong saka walang pasensya akong lilingunin.
Kasal? Ikakasal si ninang?
"Ikakasal? Sinong ikakasal?" Inosenteng tanong ko.
"You and me, dummy!"
"Ah ikakasal ako sa'yo — ikakasal ako sa'yo?!" Halos lumuwa ang mata ko nang maalala ang sinasabi nya. Bakit nga ba nakalimutan ko iyon?! Masyado ba akong nadala sa halik — este sa pagod kaya nalimutan kong ikakasal ako sa damuho na 'to?!
"Stop acting like you didn't know anything about the wedding, Sandra!"
We were shouting on my room. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umaakyat si Manang. Usually naman kapag may naririnig syang sigaw kahit tili lang dahil sa panunuod ko ng kdrama ay mas mabilis pa sya sa kabayo kung tumakbo paakyat. Ngayon ay wala. Sadya bang pinapaboran ang lalaking 'to ng tadhana ha?!
"Pumayag ba ako na magpakasal sa'yo ha?" Kontra ko. Kundi ba naman sya isa't-kalahating assuming, e! Sana pagiging assuming na lang ang ginawa nyang career at hindi pagtuturo 'no!
Kakastress 'tong lalaki na 'to, aba.
"You kissed me!"
"O, e, anong gusto mong sabihin ngayon?!"
"You liked me! No. Scratch that. You love me kaya magpapakasal ka sa akin!"
"Ulxl. Umasa ka. Gumising ka oy!"
"Stop lying, Sandra. I know you do." Huminahon ang boses nya. Tuloy ay wala akong ibang nagawa kundi pahinahunin din ang pananalita ko.
Mas matanda pa rin sya, Cass. Kaya be respectful. Baka atakihin ng highblood si lolo.
"You know nothing, Mister Luke Ashton. Now leave my room."
"You're wearing undies sa pagtulog? Nevermind. You didn't like me but you kissed me?"
Saglit akong natigilan sa sinabi nya. Sinong tanga ang magtatanong bigla ng ganon? Syempre sya! Sya at sya lang!
"You pervert!" Mabilis kong kinuha ang unan ko saka iyon ibinato sa kanya pero nagpamember yata sya sa isang ninja cult para mabilis iyong maiwasan.
"Sino bang nagsabi na magugustuhan kita after that kiss? You are not a good kisser, Mr. Ashton!" I lied. He is. He really is. I swear on my name na his kisses are like drugs to me but drugs are bad for the health kaya kailangan iwasan.
"You told me you liked it." Proud na saad nya.
Madiin kong ipinikit ang aking mga mata. Minasahe ko ang aking sintido, pilit na pinakakalma ang sarili dahil baka maging kriminal ako nang wala sa oras.
Syempre ayokong mangyari yon. I have future ahead of me. At hindi kasama sa litrato na iyon si Mr. Ashton.
"Dream on."
"Look at me," aniya. Nang magtangka syang hawakan ang aking mukha ay mabilis ko iyong iniiwas. "I am your fiancé whether you like it or not." Kalmadong saad nya.
For a moment ay gusto kong maniwala na gusto nya rin ang kasal na iyon pero sa kabilang banda ay naisip ko na baka may malalim na rason. Of course there is! Estudyante nya ako at propesor ko sya. He knows the rules at alam kong hindi sya yung tipong sisirain ang career nya.
"Stop playing hard to get dahil mas lalo ko lang gugustuhin na maikasal tayo agad."
"Gross! Distance, Mr. Ashton! Distance!" Malakas ko syang itinulak. Para akong nawalan ng hininga nang ilapit nya sa akin ang kanyang mukha. Amoy na amoy ang mint nyang hininga.
"What? You don't actually think that the kiss was just a dream, right?" Ayon nanaman ang nakakaloko nyang ngiti na hindi ko talaga kailan man magugustuhan. "You did think that it was a dream. Then let's do it. Again."
"Ang ano?!"
"Kiss. Para naman maamin mo sa sarili mo na gusto mo ako."
"Are you crazy?! Kahit maghubad ka pa sa harap ko ay hindi ako — anong ginagawa mo?!" Gulat na tanong ko matapos nyang ilock ang pinto ng aking silid. Panay ang pagsipat ko doon pero tuluyan nya nang naharangan ang pinto sa aking paningin.
"Sabi mo ay maghubad ako." Tanong nga saka paisa-isang tinanggal ang butones ng suot nyang polo.
Hindi pa man nya iyon tuluyang nakakalahatian ay mabilis na akong nag-iwas ng tingin.
"Nababaliw ka na ba? Paano kung makita ka ni—"
"What? I lock your door. Para naman hindi ka magselos kapag nakita ng iba ang katawan ko."
Hindi ako makahanp ng tamang salita.
Sa mga puntong ito, pakiramdam ko ay ibang Luke Ashton ang kaharap ko.
"What the—" Gusto kong makita kung may abs sya. Kaso ayoko naman isipin nya na talagang gusto ko sya 'no! Umay!
"Let's see." Iyon lang at tuluyan nya nang sinakop ang distansya naming dalawa.
Screw it! Screw this guy!