Chapter 9

1718 Words
"Hey bakit parang napaka-init ng ulo mo ngayon?" Rinig kong tanong ni Melissa. Gusto ko sanang kumalma pero sa di kalayuan ay agad kong nakita si Mr. Ashton. Diretso syang nakatingin sa akin. Blanko ang mukha habang magkakrus ang parehong braso. Psh. Akala mo ako pa ang may kasalanan sa kanya ha? "This is new. Cassandra Hernandez is so pissed." Paul whistled. Kadarating lang nito at talagang naisip nyang inisin na kaagad ako. I took a deep breath saka kinuha ang mga gamit ko at nagpatiunang maglakad. "Are you really that pissed, Cass? What happened ba?" Rinig kong tanong ni Melissa nang sundan ako. "I'm fine," pagsisinungaling ko pero ang totoo hindi kasi talaga maalis sa isipan ko ang ginawa ni Mr. Ashton kanina. Pakiramdam ko nga ay ramdam ko pa rin ang paglapat ng labi nya sa aking ulo. Nantili akong tahimik sa paglalakad habang iyong dalawa naman ay panay ang pag-aasaran. Nang marating namin ang café ay napakaraming nang tao roon. Siguro ay dahil kabubukas lang nito kaya masyado pang patok. "Can you order something for me?" Untag ko kay Melissa nang maramdaman ang pagvibrate ng aking cellphone. Agad ko syang nginitian nang tumango ito dahilan para mawala ang pag-aalinlangan sa mga ngiti nya sa akin. From: Unknown Number Have you eaten your lunch? - end of text - Kumunot ang noo ko nang mabasa ang text. At sino naman 'to? Nasisigurado kong hindi ko ito kilala dahil private ang number na iyon. Hindi ko yon pinamimigay kung kani-kanino lang. Parang si mommy, melissa at ninang nga lang yata ang nakakaalam non. To: Unknown Number Who are you? - end of text - Inilapag ko ang aking cellphone sa lamesa. "Sabi mo ililibre mo kami!" Si Melissa ang nagpaalala. Nang hindi sumagot si Paul ay paulit-ulit nya itong hinampas sa braso. "Liar!" Aniya pero agad itong napatigil sa ginagawa nang mapatingin ito sa kabilang gawi ng silid. "Sabihin nyo nga sa akin, si Mr. Ashton talaga ang nakikita ko, hindi ba?" Nanlalaki ang mga matang saad ni Melissa. Nang sundan ko ang daliri nyang palihim na may itinuturo ay agad kong nakita si Mr. Ashton sa di kalayuang table. Marami nang nakatitig sa kanyang babae pero para syang walang pakialam sa mundo. Maski ang babae sa harap nya ay panay na ang pagsasalita pero nananatili ang atensyon nya sa kanyang cellphone. Siguro ay katext nya si ninang. "Cass, hindi ba sya yong—" "Babae sa office ni Mr. Ashton nung nakaraan." Sabay naming salita. Yes. Naalala ko. Sya yon. Yung magandang babae na mala-anghel ang mukha sa faculty nung nakaraan. "Milka?" Sabay kaming napalingon kay Paul nang magsalita ito. Ang nagtatanong naming mga tingin ay agad nyang naunawaan. Isinandal nya ang sarili sa silya saka pinagkrus ang kanyang mga kamay, "si Milka Torres yung babae. Civil engineering," aniya na hindi inaalis ang paningin kina Mr. Ashton. Bigla ay naramdaman ko ang pagkirot ng aking dibdib sa hindi malamang dahilan. Iniiwas ko ang paningin at agad na dumako iyon sa cellphone kong tumunog. From: Unknown Number I'm your fiancé, dummy. - end of text - Fiancé — Mr. Ashton?! Nangunot ang noo ko at nilingon ang table nila. Hindi tulad kanina ay nakikipag-usap na sya kay Milka. Mukhang masaya pa nga ang dalawa sa kung ano mang pinag-uusapan nila dahil panay ang pagtawa nito. Napa-angat ang kaliwang banda ng labi ko. Hindi ko malaman kung saan nanggaling pero naiinis ako sa nakikita ko. Siguro marahil ay sa katotohanang nakuha nya ang pribadong numero ko? From: Unknow Number I'm sitting three tables away from you. Stop staring at me and reply back. - end of text - Iyon ang laman ng text nang muli itong magvibrate. Sa sobrang hiya ay natutop ako pero panay pa rin ang palihim na pagsulyap ko sa kanilang dalawa. Parang may kung ano kasi sa akin na gustong malaman ang bawat reaksyon ni Mr. Ashton kapag kausap nya si Milka. From: Unknow Number Let's meet after lunch. Go to my office. Do not bring your friend with you. - end of text - Hindi ko na pinansin pa ang huling text at inabala ang sarili sa order na dumating na. Panay ang tawanan namin pero parang may mali. May hindi tama sa akin at sa nararamdaman ko pero hindi ko mapunto kung ano. Hanggang sa marating namin ang room at magsimula ang klase ay blanko ako. Lumilipad ang isip ko sa kawalan pero hindi nito alam ang pupuntahan. Napahawak ako sa aking dibdib nang muling rumihestro ang nag-ngingitiang mukha ni Milka at Mr. Ashton. Magkasama pa rin kaya sila? "E, ano naman ngayon kung magkasama sila?! Wala akong pake!" Sigaw ko sa sobrang inis. Ano nga ba namang pake ko? Kung gusto nila ay magsama pa sila sa iisang bahay. WALA.AKONG.PA— "Ms. Hernandez!" Kusa tumigil ang isip ko nang marinig ang pagsigaw. Nang diretsuhin ko ng tingin ang harap ay agad na sinalubong ako ng nanggagalaiting tingin ng aming propesora. Magkakasalubong ang kilay nya. Ang kulubot nyang noo na mas lalo pang kumulubot dahil sa inis ay nagpatindi ng hiya sa akin. "What do you think you're doing ha?!" Muling sigaw nya. Wala akong ibang nagawa kundi humingi ng tawad. "Alam kong —" Kusa syang natigil sa pagsasalita nang may kumatok. "Excuse me, miss, pinapatawag po ni Mr. Ashton si Cassandra Hernandez." Anang estudyante. Sa isip ay hinihiling ko na sana hindi pumayag si Ms. Castro pero lumaylay ang balikat ko nang tumango ito at balingan ako ng tingin. "Hindi pa tayo tapos. Go!" Panay ang pagdadabog ko habang naglalakad. Bakit ba kasi pumayag pa sya? Nasa gitna kami ng klase, dapat hindi sya pumayag na basta-basta ako tawagin ng ibang professor without any valid reason! Isang malalim na hininga muna ang aking pinakawalan nang marating ang pinto ng opisina ni Mr. Ashton bago ito tuluyang buksan. "Good afternoon, sir." Pagbati ko at tumayo sa harap ng kanyang table. Ang kaninang ginagawa ay itinabi nya saka tumayo sa aking harapan. "I told you to meet me here kanina, why didn't you showed up?" Ipinagkrus nya pa ang mga braso saka nakataas ang isang kilay na tinanong ako. Ah. Nagtataray. Red days yarn? At saka kakakita nya lang sa akin kanina, bakit ba gustung-gusto nya akong pinapapunta sa opisina nya?! "May kailangan ho ba kayo, Sir?" I tried to be respectful as possible pero hindi ko magawa. I feel so irritated kapag naaalala ko kung paano sya ngumiti kay Milka tapos sa akin ay napakasungit nya. "Why didn't you answer my text?" Tanong nya dahilan para mas lalong uminit ang ulo ko. Nababaliw na ba sya?! "Duh?! May kasama kang babae tapos itetext mo ako?" I stated the obvious. "What?!" "Mr. Ashton, I think you should know a fact about me. Hindi ako yung tipo ng babae na maninira ng relasyon and I expect you to never repeat what you did." "What did I do?" He asked innocently. Innocent?! Damn that word! He is cheating on her tapos ngayon tatanungin nya kung anong ginawa nya? Ha! What a man! Madiin kong ipinikit ang mga mata ko saka hinilot ang aking sintido. Ngayon ay naiintindihan ko na kung ano ang problema. Dahil pakiramdam ko nakaka-apak ako ng ibang babae, na may palihim akong nasasaktan. Pero kahit napunto ko na iyon, hindi ko pa rin malaman kung ano ang dahilan ng pagkairita ko sa tuwing rerehistro ang itsura nilang dalawa na magkasama at nagtatawanan sa isip ko. "Tell me, Sandra, what did I do?" "You texted me kahit kasama mo ang girlfriend mo." I tried to be calm. Naikuyom ko ang aking palad sa laylayan ng suot kong damit. Maski ang salitang iyon ay nakakapagpasikip ng dibdib ko. Maybe I should really set an appointment with my doctor. Mukhang may problema na nga talaga ang puso ko. "She's not my —" "Oh please, Mr. Ashton —" he cut me off tulad ng ginawa ko. Ramdam ko ang pagkakarambola ng puso ko nang dahan-dahan ay humakbang sya palapit sa akin. Agad kong naipatong ang pareho kong kamay sa lamesa nya nang maramdaman ko iyon sa aking likuran. "W-hat are you doing?" Utal na tanong ko nang ilang inches na lamang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. "You sounded jealous. Are you jealous, Cassandra?" Naroon ang nakakaloko nyang ngiti. He bit his lower lips dahilan para mapunta roon ang aking paningin pero agad ding akong nag-iwas nang makita ang kanyang pagngiti. "In your dreams, Mr. Ashton! In your wildest—" My eyes widened when I felt his lips on me. It was soft and inviting pero matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi ko masapo ang mukha nya at ako mismo ang humalik sa kanya. Nahihiyang napayuko ako nang kusa nyang pakawalan ang aking mga labi. "You really love my surname ha? Call me Luke." "M-move! Masyado kang malapit!" And there, he kissed me again. Damn it! Pakiramdam ko kapag lumapat pa ulit ang labi nya ay hindi ko na iyon gugustuhin at makakasapak na talaga ako ng professor! "Call me Luke." "Ano ba?! Bakit ba —" and kissed me again. Damn it! Ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko buti na lang at nakakapit ako sa table kung hindi ay paniguradong mas malaki na ang pagkakangisi nya kapag tuluyan akong nawalan ng balanse. "Next time my lips touch yours, it wouldn't be just a peck but a deep passionate kiss I'll do. Now call me Luke." He said and put his hands on my side. Mas lalo nyang inilapit pa ang mukha sa akin. I can smell his mint breath and manly cologne. Kaya naman bago pa mangyari ang sinabi nya ay agad ko na syang tinawag sa kanyang pangalan. "L-Luke." "There," aniya saka ngumiti. "A-ano bang kailangan mo at pinatawag mo nanaman ako dito?" Uutal-utal na tanong ko. Pilit kong iniiwas ang aking mukha sa kanya. "Hmm. Nothing? I just wanted to see you." Mahinahong saad nya. Hindi ko malaman pero bigla nanamang umusbong ang kakaibang inis nang remihistro sa isip ko ang itsura nila ni Milka kanina. "Bakit hindi si Milka ang tawagin mo?!" "You look so beautiful being jealous." "I am not —" "Don't be jealous, Sandra. I am all yours," aniya saka hinawakan ang kaliwang pisngi ko at muli akong siniil ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD