“What is this, mom?!” Inis na tanong ko nang lumapit sya sa amin. Suot nya ang isang kulay rosas na wrap up dress at halos mapunit ang labi sa pagkakangiti.
Hindi ko masisi si Mr. Ashton dahil mukhang wala rin talaga syang kahit ano mang ideya sa nangyayari ngayon. Halos mahulog pa nga ang panga nya sa pagkakanganga kanina matapos syang salubungin ng ilang kamag-anak.
“Today’s your engagement, hija. Your Ninang and I prepared this for you. Where is Melissa?” Kaswal na tugon nya na akala mo isang simpleng birthday-han lang ang okasyon ngayon.
“Anong engagement, e, ‘di ba sabi ko naman – thank you po, tita,” nakangiting tinanguan ko si Tita Miranda nang i-congratualate ako nito. “…hindi ako magpapakasal kay Mr. Ashton!” Mahina ngunit madiing angil ko saka nilingon ang paligid.
Pakiramdam ko ay mas lalo kong naramdaman ang inis nang tawanan nya lamang ako.
Inis na naglakad paalis doon pero bawat hakbang ko ay may kamag-anak kaming humaharang sa akin para batiin ako. Wala naman akong ibang magawa kundi magthank you at ngitian sila dahil nasisigurado kong maski sila ay nagulat sa engagement party na ito.
“May we call on our couple?” Salita ng host saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng venue para hanapin ako.
I look at Mr. Ashton and signal him ‘no’ pero ganoon yata kadesidido ang magulang naming dalawa nang pareho kami nitong hawakan sa pulsuhan saka hilain patungo sa harapan.
“Don’t embarrass me now, Cassandra.” Rinig ko ang pagbabanta sa tinig ni Mommy habang inaalayan akong umakyat sa maliit na stage na naroon.
“You are the one embarrassing me, Mom!” Madiing tugon ko.
Kung hindi lang ako magiging bastos sa harap ng mga kamag-anak namin at kamag-anak nila Ninang ay baka kanina pa ako tumakbo paalis sa lugar na ito!
“Aren’t they lovely? Bagay na bagay kayong dalawa,” anang host but Mr. Ashton and I just stood there while facing the other way. “May lover’s quarrel yata ang ating couple. Why don’t you hold her, Luke?” Tudyo ng host dahilan para lingunin ko ito saka pandilatan.
But I guess he won’t know kung anong meaning no’n. What they know is that we’re engaged, nothing more, nothing less.
“Mr. Ash..... “ hindi ko na nagawa pang magreklamo nang hawakan nya ang aking baywang saka ako hapitin palapit sa kanya. Gumawa ng ingay ang mga taong nakatingin sa amin lalo na sila Ninang at Mommy na magkayakap pa habang paulit-ulit na isinisigaw ang salitang ‘kiss’.
Hindi ba nila napapansin na lahat ng nangyayari ngayon ay pilit?!
Mr. Ashton looked at me as if asking for permission kaya naman palihim kong kinurot ang kanyang tagiliran. The whole venue became silent after a few seconds. Kasabay ng pagdilim ng paligid ay ang pagtugtog ng isang malamyos na musika.
Mas lalong tumindi ang hiyawan nang bigla ay bitawan ako ni Mr. Ashton saka sya lumuhod sa aking harapan.
“May I have this dance?” Tanong nito na nakalahad ang isang kamay.
Sa mga oras na iyon, tila ba isa-isang naglaho ang mga tao sa aking paningin at nanatiling si Mr. Ashton lamang ang nakikita ko at ang maganda nyang pagkakangiti sa akin. Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko para hindi makapagsalita. What he did is unexpected.
I took his hand at hinayaan syang tangayin ako sa gitna ng dance floor.
Napasinghap pa ako nang maramdaman ang kamay nya sa aking baywang. “Chill now, Sandra. Just follow my lead,” aniya sa pinakamalambing na paraan.
Para akong ginayuma dahilan para basta na lamang syang taguan. Hanggang sa sumabay ang mga katawan namin sa musika ay nanatili akong tahimik na sumusunod sa kanyang mga galaw.
“Aww. Careful please.” Salita ni Mr. Ashton nang bigla ay maapakan ko sya. “Just put your hands on my shoulders,” dagdag nya pa at muling ibinalik ang aking mga kamay sa kanyang balikat nang matangka akong tanggalin ito.
Naiilang na kasi ako sa mga tingin na nasa amin at pakiramdam ko ay mas lalo kong pinapaasa sila Mommy na nagugustuhan ko na ang ideya nila.
“Stop overthinking, Sandra. Both our families are here. I am just doing this para hindi tayo mapahiya,” paglilinaw nya.
Nang lingunin ko si Mommy ay halos maiyak na ito sa kakapanuod sa amin. Hawak nya ang camera at mukhang kinukuhanan kami ng video bagaman may in-hire sila para gawin ang bagay na iyon.
“Pwede ba? Napapagod na ako kakabalik dyan sa mga kamay – “
“Okay na ba yan?” Sarkastikong tanong ko saka iniyakap sa kanyang leeg ang aking mga kamay.
Hindi ko alam kung ngiti nga ba na senyales ng kasiyahan ang nakita kong sumilay sa mga labi ni Mr. Ashton o ngiti ng pang-aasar.
“You’re lovely,” aniya dahilan para tigilan ako at mapatitig sa kanya.
Hindi ko gusto ang kung ano mang nangyayari pero may kung ano sa akin na ayaw syang bitawan. I want this moment to last at hindi ko man aminin, ilang ulit na hinihiling ng puso ko na sana hindi na matapos pa ang sandaling ito.
Fvck! No! Hindi pwede!
Huminto ako saka ibinaba ang kamay sa parehong gilid. Nakayukong hinayaan ko na mabingi sa katahimikan bago tuluyang tumakbo paalis sa lugar na iyon.
Hindi pwede. Hindi ako pwedeng mainlove sa kanya. Hindi sa kanya. Hindi sa professor ko dahil nasisigurado ko, nasisigurado kong hindi magiging maganda ang kahihitnan ng lahat ng ito. Just like the book I read, hindi magiging para sa akin ang isang katulad nya nang walang hinihinging kapalit.
“Cassandra!” I heard Mom called me bago ko tuluyang isara ang pinto ng aking silid.
Ikinulong ko ang sarili sa ilalim ng kumot saka tahimik na nag-isip. I need to think of a way para hindi matuloy ang kasal.
KINABUKASAN, hindi ako kinausap ni Mommy tulad ng nakagawian. Naiintindihan ko naman ang inaakto nya pero hindi ko lang kayang tanggapin. Bakit parang ngayon ay ipinamumukha nya pa na ako ang mali? Meddling with my decisions is fine but meddling with my life is a different thing.
They should’ve spoken with me kung may plano pala silang ganon.
“I’m going.” Paalam ko saka nagtungo sa labas. Nakita ko pang nakaparada ang kotse ni Mr. Ashton sa harap ng bahay pero hindi ko na ito pinansin pa at nagtuloy sa sariling sasakyan.
Nang maka-ayos ay agad kong ipinaharurot iyon patungo sa university.
“You’re early, anong mayroon?” Tanong ni Melissa nang marating ko ang room.
“Wala naman. Gusto ko lang makapagpahinga.” I lied saka ipinikit ang mga mata.
“Is Tita still bothering you about the arrange marriange?” Tanong nya. Yeah, naikwento ko ang bagay na iyon kay Melissa. Ang tanging hindi ko lamang ibinigay na detalye ay kung kanino ako gustong ipakasal ni Mommy. “Bakit kasi hindi mo na lang sabihin kay Tita na you like someone else or ask Sir Luke for a favor. Kung pwede mo sya kamong ipakilala na boyfriend mo. I’m sure Tita will automatically drop the arrange marriage thing,”aniya sa paraan na akala mo napakaganda ng kanyang suhestiyon.
Paano kong hihingian ng pabor ang lalaking iyon kung sa kanya mismo ako ikakasal? Edi para akong kumuha ng bato na ipupokpok sa sarili ko kapag ipinakilala ko si Mr. Ashton bilang boyfriend ko!
“Nga pala,” muling pagsasalita nya, “nakapagpaalam ka na ba na pupunta tayo sa Zambales. You promised ha!” Pagpapaalala nya.
Oo nga pala, nakalimutan ko na ang tungkol sa bagay na iyon.
“Ano – mamaya magsasabi ako kay Mommy. Hindi kasi kami – “ natigil ako sa pagsasalita nang marinig ang sunud-sunod na pagkatok sa pinto.
“Ms. Hernandez, pinapatawag ka ho ni Mr. Ashton sa opisina nya,” anang Freshman na nakadungaw sa pinto saka mabilis ding umalis.
Nang ibalik ko ang paningin kay Melissa ay nangungwestyon na ang mga tingin nya sa akin na. Nagsimula na rin akong lingunin ng mga kaklase namin at binibigyan ng parehong tingin ng pagdududa.
“Wala akong ginawa,” salita ko bagaman hindi pa man sya nagtatanong. Ano nanaman ba kasi ang problema ng taong iyon at ipinatatawag nanaman ako?!
Inis na isinandal ko ang sarili sa upuan saka inilagay ang panyo sa aking mukha at pumikit.
Bahala sya sa buhay nya dahil mula ngayon, kahit anong pagpapapunta nya sa akin doon ay hinding-hindi na ako pupunta!
"Ms. Hernandez," pakiramdam ko ay bumaliktad ang kinauupuan ko nang marinig ang baratinong tinig mula sa labas ng pinto. Mabilis akong umayos ng upo saka diretso ang tingin na nilingon ang gawi kung saan narinig ko ang boses and there he is, nakapasok ang parehong kamay sa kanyang bulsa habang nakatingin sa akin. "My office, now!" Maawtoridad nyang saad.
Wala tuloy akong ibang nagawa kundi masama ang loob na sumunod sa kanya.
"Bakit nanaman ba?!" Tanong ko nang makapasok kami sa opisina.
"You embarrased me and my family yesterday." Panimula nya dahilan para magsalubong ang mga kilay ko habang nakatitig sa kanya. Really? Sila pa ang napahiya?
What my Mom and his Mom did to me is enough reason para umalis ako sa lugar na iyon kagabi!
"So? Anong gusto mong sabihin ngayon?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko. "Mommy and Ninang decided to do an engagement party kahit ayoko naman talagang magpakasal sayo, now, kayo nga ba ang napahiya o ako?" Inis na tanong ko. Ipinagkrus nito ang mga braso saka ako pinakatitigan.
Mukhang wala naman syang plano na magsalita kaya naman muli kong kinuha ang tyansa na iyon para sabihin ang nasa loob ko.
"Alam mo ba kung ano ang sasabihin sa akin sa side namin kapag nalaman nila na everything that had happened yesterday is forced and an act ha, Mr. Ashton? You act like you know everything when in fact, ang alam mo lang ay iyong pilit mong isinisiksik dyan sa isip mo." Pagtatapos ko.
I was about to step out when he pulled me into his arms at saka mahigpit akong niyakap.
"I am sorry for making you feel pressured about this wedding, Sandra," aniya.
Pakiramdam ko ay tumigil ang aking paghinga nang maramdaman ang paghalik nya sa aking ulo.