"Ano nanaman bang problema—" kusa akong natigilan sa pagmamaktol nang iabot nya sa akin ang isang kulay nude na damit.
Puno ng pagtataka ko iyong kinuha nang hindi inaalis sa kanya ang paningin. Gusto kong tanungin kung para saan iyon pero pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko para hindi makapagsalita.
Ramdam ko ang lambot ng tela non sa aking mga kamay at para akong tanga na dinadala non sa aking imahinasyon.
"Para saan ito?" Sa wakas ay may salitang namutawi sa aking bibig.
Saglit nya akong nilingon bago muling ibinalik ang paningin sa ginagawa. Suot nya nanaman iyong reading glass na nakadaragdag sa kagwapuhan nya.
"Wear that." Matipid na sagot nya saka itinuro ang hawak ko.
"Ano?"
"Suotin mo iyan."
"Naintindihan ko!" Bigla ay pagdadabog ko. Inis kong iniupo ang sarili sa sofa na naroon bagaman wala pa syang sinasabi na maupo ako.
"E bakit kailan mo pang magtanong?" Malumanay na tanong nya dahilan para mas lalong tumindi ang init ng aking ulo.
E bakit kailangan hindi sya sa akin nakatingin kapag sumasagot? Hindi nya ba alam na bastos iyon? Wala ba syang GMRC o hindi ba sya tinuruan ni Ninang na ang tamang pakikipag-usap sa tao ay eye-to-eye?!
"Bakit ko naman susuotin yan? Edi maaga akong paglalamayan ni Mommy kapag nakita yan ng ibang—" pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga nang makita sya sa aking harapan.
"You talk too loud," anito saka yumuko upang pagpantayin ang mga mukha. Ayon nanaman ang pakiramdam na parang may nagkakarerahan sa puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.
Iniwas ko ang mukha saka bahagyang umusog ng upo. Palihim kong dinamba ang dibdib pero hindi man lang non nabawasan ang kabang nararamdaman ko.
"Don't worry, isang beses ko pa lang itong nagagamit. Kaysa naman dyan sa damit mong halos lumuwa na ang dibdib mo."
"Enjoy na enjoy mo naman," salita ko, pilit na pinapalakas ang aking dibdib kahit ang totoo ay puno ng pag-aalangan at pagka-ilang ang puso ko matapos sabihin iyon.
"What?"
"Wala. Thanks for this. Can I use your bathroom?"
"Doon." Turo nya sa pinto doon sa may kanan. Mabilis kong tinungo iyon ng wala nang salita. Nang makapasok ay isinandal ko ang sarili sa pinto saka nilingon ang pinto sa aking likuran na tila ba sa pamamagitan non ay makikita ko si Mr. Ashton.
"Fudge! Ano bang nangyayari sa akin?" Tanong ko na nakahawak sa aking dibdib.
Iwinakli ko ang lahat ng isipin nang hindi makakuha ng sagot saka humarap sa salamin. Inis na tignan ko ang butones ng damit na suot saka marahas iyong hinubad.
Sayang ang perang ipinambili ko sa lintik na damit na ito!
Nang maisuot ko ang damit ni Mr. Ashton ay kusa akong natigilan, hindi dahil sa bumagay iyon sa akin kundi pakiramdam ko ay yakap ako nya ako sa mga oras na iyon sa pamamagitan ng kanyang damit na aking suot.
Inilagay ko ang pareho kong kamay sa aking mga braso saka nakapikit na mas dinama pa ang suot na damit.
"Sandra, are you still changing?" Rinig ko ang tatlong mahihinang katok mula sa kabilang banda ng silid dahilan para mabilis akong mapamulat.
Fvck! Am I dreaming na niyayakap nya ako?! Gross, Cassandra! Gross!
Maybe if I am still one of those girl na baliw na baliw sa kanya, baka naihi na ako dito sa sobrang kilig or worse I lose consciousness tulad ng mga nababasa ko sa books.
"Sandra?" I heard him called again. I rolled my eyes at hinayaan syang paulit-ulit na tawagin ang pangalan ko.
His voice is like music to my ears. Iyong nakakasira ba ng eardrums.
Inilabas ko ang liptint sa bag to do my final retouch pero nang buksan ko iyon ay muntikan akong mapatalon sa gulat nang bigla ay marahas na bumukas ang pinto and there I saw him holding the door knob habang naghahabol ng hininga.
Did he run? I wanted to ask. But obviously the answer is no dahil hindi naman sya umalis dito sa opisina nya.
"San—"
"What the fvck, Sir?" Kunot-noong tanong ko.
"I'm s-sorry." Paghingi nya ng pasensya saka napapahiyang nag-iwas ng tingin.
"Didn't you know how to knock?"
"I knock for more than three times pero hindi ka sumasagot. I thought something happened to you." Papahinang tugon nya.
I smile at the back of my mind. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaideya na nag-aalala sya o dahil para syang bata ngayon na nakagawa ng kasalanan.
"Chill now, I am fine," tugon ko saka inilagay ang liptint at damit na kaninang suot sa bag.
Muli kong sinipat ang sarili sa salamin. Nang hindi ako makuntento sa ayos ng damit na suot ay in-tuck-in ko iyon sa highwaist na pantalong suot saka itinupi ng ilang ulit ang manggas. There! Perfect!
"Is this okay? Do I look okay?" Tanong ko na nginitian ang sarili sa salamin bago nilingon si Mr. Ashton.
Blanko ang mukhang tumango sya sa akin saka pabagsak na isinara ang pinto.
Ano nanaman kayang drama non?
Nang makakuntento ay agad akong lumabas sa CR. "I'll keep this shirt, Sir. I know naman na marami kang ganito," saad ko pero hindi nanaman ako nito tinapunan ng tingin nang tumango sya.
"Go." Matipid na utos nya.
I made a face saka padabog na nagtungo sa may pinto pero agad ding napahinto nang magsalita si Mr. Ashton.
"I'll wait for you sa parking lot later," anito na hindi pa rin iniaalis ang paningin sa kanyang pinagkakaabalahan.
Tinanguan ko lamang sya saka nagtuloy na patungo sa susunod na klase. Buti nalang talaga at wala pa ang professor namin kundi ay malilintikan ako talaga.
"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap? Nagpunta ka ba kay Sir?" Tanong ni Melissa nang makaupo ako.
Tumango lang ako saka inilabas ang libro sa aking bag. Bakit pakiramdam ko ay wala akong kabuhay-buhay ngayon matapos kong manggaling sa opisina ni Mr. Ashton?
"Wait. Bakit pakiramdam ko pamilyar ang damit na iyan?"
Gulat na nilingon ko si Melissa matapos marinig ang kanyang sinabi.
"H-hindi, a." Naiilang na tumatawang pagtanggi ko saka yumuko at inis na sininghalan ang sarili. Fudge! Ang sabi nya ay walang makakakilala sa damit nyang ito?! Bakit nakalimutan ko si Melissa na halos lahat ng suotin ni Mr. Ashton ay talagang nakatatak na sa isip nya?!
"Hindi. Pamilyar talaga, e. Even the scent is familiar," tugon nya. Inilagay nya pa ang mga daliri sa baba saka nag-isip habang hinahaplos ang aking balikat.
Tahimik na paulit-ulit akong nagdarasal na sana ay hindi nya maalala pero ganoon na lang ang pagtindi ng kaba ko nang bigla ay malaki itong ngumiti saka pumalakpak.
"Omg! Sir Luke!"
"H-hoy hindi a! Bakit ko naman susuotin ang damit nya?"
Hinampas ako nito sa balikat saka tumawa. "Gaga. I am not saying na suot mo ang damit nya. I am saying na pareho ito sa damit nya," aniya dahilan para makahinga ako ng maluwag, "at saka asa ka naman na ipapahiram ni Sir ang damit nya kahit kanino, sa sobrang arte nya, mukha ngang maski paglalaba ay sya pa ang gumagawa!"
"Talaga?" Pilit ang ngiting tanong ko.
"Omg, Cassandra! Limot mo na ang lahat ng investigations na ginawa natin kay Sir Luke?!"
"Sorry. My mind is really occupied this past few days."
Hanggang sa matapos ang klase ay pinakinggan ko na lamang ang mga kwento ni Melissa bagaman yung ibang parte ay hindi ko na maitindihan pa.
"Sure ka bang hindi ka na ba sasabay sa akin? Bakit ba kasi ngayon mo pa ipinagawa yung kotse mo?" Tanong ni Melissa nang marating nin ang parking lot.
I lied about my car being broken para nang tanungin nya ako kanina kung bakit hindi nya nakita ang kotse ko sa parking lot. Matinding paghingi nga ng tawad ang ginawa ko sa isip being lying to her is feels like lying to my Mom.
"I am fine, Mel. Magtataxi na lang ako," salita ko saka sya inakay patungo sa kanyang kotse.
Ilang ulit nya akong pinilit na isabay pero panay ang pagtanggi ko rito. Mabuti nga at pumayag na sya matapos ang ilang ulit naming pagpipilitan e.
Nang tuluyang mawala ang kanyang kotse sa aking paningin ay agad akong pumihit pakabilang direksyon para magtungo kung saan nakapark ang kotse ni Mr. Ashton.
Dire-diretso akong pumasok dito.
"Where have you been? I've been waiting for you—"
"Edi sana nauna ka nang umuwi." Mataray na saad ko saka iniayos ang aking seatbelt. Ayoko nang mangyari ang kung ano mang nangyari kaninang umaga ano!
Baka isipin nanaman nya na sobrang assuming ko.
Hindi na sya nagsalita pa at nagsimula nang magmaneho. Buong byahe ay parehong kaming tahimik. Siguro ay dahil na rin sa pagod kaya maski mga bibig namin ay hindi na nagagawa pang magsalita.
"What is...happening?" Tanong ko nang marating namin ang bahay. Paano'y napakaraming sasakyan sa labas. Halos bago ang mga iyon sa akin paningin.
Nilingon ko si Mr. Ashton pero tanging kibit balikat lamang ang nakuha kong sagot sa kanya, tanda na wala syang ideya sa kung ano ang nangyayari.
Isa-isa kong kinilala ang mga kotseng nakaparada sa harap ng bahay nang tuliyang makababa. Iilang lamang ang pamilyar sa akin tapos yung iba ay bago na sa paningin ko.
Nagtinginan kami saglit ni Mr. Ashton bago pumasok sa loob. Ang maliwanag at maingay na bahay ang unang sumalubong sa akin.
Puno ng dekorasyon ang sala mula sa pader hanggang sa ceiling. Panay ang paroon at parito ng mga lalaking nakasuot ng polo at bowtie habang dala ang tray na may lamang alak at pakiramdam ko ay doon ko unang naramdaman ang pagsisisi na umuwi pa ako sa bahay nang marinig ko ang boses ni host sa nakatayo habang maganda ang pagkakangiti sa aming dalawa ng lalaking nasa kanan ko.
"Let's us give a round of applause for our engaged couple, Cassandra Hernandez and Luke Agoncillo Ashton!"