Chapter 6

1723 Words
Nang marating ang school ay mabilis kong itinago ang sarili sa loob ng sasakyan. Yakap-yakap ang seatbelt, mas ibinaba ko pa ang sarili para lamang hindi makita ng mga estudyanteng aming nadaraanan. Ilang ulit kong ipinagdasal ang sarili. Paniguradong magiging kaaway ko ang lahat sa campus na ito sa oras na makita nilang nakasakay ako sa kotse ng lalaking pinapangarap nila. "Matagal pa ba?" Tanong ko habang inaayos nya ang pagkakapark ng kotse. Mabilis kong itinago ang sarili sa bag na hawak nang makita ang mga babaeng nagpapacute kay Mr. Ashton bagaman nasa loob pa ito ng kotse. "Just a little—what are you doing?" Ramdam ko ang pagtataka sa paraan ng pagtatanong ni Mr. Ashton. Nang lingunin ko ito ay halos magsuntukan na ang mga kilay nya sa pagkakasalubong. "Anong what am I doing?" Puno ng pagtataka ko syang nilingon. "Why are you hiding like....that?" Papahinang tanong nya matapos akong pasadahan ng tingin. Nag-iwas sya ng tingin saka tumikhim. Talaga bang walang kaalam-alam ang lalaking ito sa kung gaano karami ang baliw na baliw sa kanya dito sa campus o sadyang nagkukunwari lang syang walang pakialam para magmukha syang cool? "Alam mo ba kung gaano karami ang babaeng may crush sa'yo dito sa campus ha?" Mahinang tanong ko saka muling sinilip ang labas ng kotse pero mabilis din akong bumalik sa posisyon nang makitang naroon pa rin ang mga estudyante sa gilid ng sasakyan. Ano ba?! Bakit ba hindi na lang umalis ang mga babaeng ito? "Tapos?" Nakataas ang isang kilay na tanong nya. "Anong tapos? Gusto mo bang dumugin ako—" "They won't see you because my car is heavily tinted kaya hindi mo kailangang bumaluktot ng ganyan. At saka," tumikhim pa muna sya bago muling ipinagpatuloy ang sasabihin, "your...." naiilang na itinuro nya ang parte ng kanyang dibdib at nang hindi ko maunawaan ang sinsabi nya ay inginuso nya ako saka nag-iwas ng tingin. Nagbaba ako ng tingin na puno ng pagtataka at halos pumutok ang mga ugat ko sa sobrang hiya nag makitang bukas pala ang apat na butones ng polo kong suot dahilan para kumaway sa kanya ang aking mga dibdib. "....are showing." Pagtatapos nya saka umubo. Mabilis ko iyong tinakpan ng dalawang kamay saka hindi makapaniwala syang sininghalan. "Tinitignan mo ba ang dibdib ko?!" "What the fvck?" Halos magsuntukan ang mga kilay nya sa pagkakasalubong nang lingunin ako. "Ako na nga lang ang concerned na nagsabi sayo tapos ako pa ang masama—why did you do that?!" Tanong nya nang malakas ko syang batukan. At this point, hindi ko alam kung soundproof din ba ang kotse nya pero wala na akong pakialam sa malalakas naming sigawan. "Narito ang mata ko," turo ko sa aking mukha nang mapansin na nasa dibdib ko nanaman ang kanyang paningin, "wala dyan sa baba!" "Hindi ko tinignan ang dibdib mo!" Pagtanggi nya kahit obvious naman na doon sya nakatingin. Duh? Hindi ako ipinanganak kahapon. Alam ko kung ano iyong bumubukol sa pantalon nya at ang dahilan ng pamamawis nya sa kabila ng malakas na aircon sa loob ng sasakyan. "Isa pa, kababae mong tao, napakalakas nyang bunganga mo at masyado kang brutal!" Pagrereklamo nya habang paulit-ulit na hinihimas ang kanyang ulo. Sa sobrang inis ay sinabunutan ko ang sarili. "Punyeta. Bakit ba kasi ikaw pa ang anak ni Ninang?! Bakit ikaw pa?!" "Parang lugi ka pa, ah!" Biglang sabat nya na akala mo ay hindi talaga ako lugi kung maikasal talaga kaming dalawa. Gwapo lang sya at mayaman pero puro aya kamanyakan! "Hindi ba?!" Nagbuga sya ng malalim na hininga, mukhang pinapakalma ang kanyang sarili. "Isn't this what you want?" Biglang mahinahon na tanong nya. "What?!" "You wanted this, Sandra. I know you do. You like me that much para pakiusapan ang Mom mo at si Mommy to arrange us on a marriage na kunwaring hindi mo—" "Professor ka ba talaga ha?" Sa sobrang inis ay hindi ko na napigilan ang sariling kwestyunin ang kanyang propesyon. Natitigilan syang tumitig sa akin pero hindi ko binawi ang salitang binitawan ko. Marahas syang suminghal saka humarap sa akin. "Are you insulting me?" Napipikon syang ngumiti aa akin saka itinaas ang isang kilay nya. "Are you stupid?!" Sarkastikong tanong ko rin. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na wala akong alam sa desisyon nina Mommy at Ninang?! Bobo ka ba para hindi maintindihan ang simpleng tagalog na yon o gusto mo pang english-in ko ang lahat ng sasabihin ko?!" Halos kapusin ako ng hininga matapos ang tuluy-tuloy na pagsigaw. Pakiramdam ko ay aatakihin ako ng highblood kahit wala akong sakit dahil sa lalaking ito! "Okay," tugon nya. Hindi ko alam kung bakit mas lalong tumindi ang inis na nararamdaman ko. Hindi ko mawari kung napapagod lang ba syang magsalita o ayaw nya nang patulan pa ako pero napipikon pa rin ako sa matipid nyang pagsagot. "Ano?!" Inis na tanong ko. Hindi ko talaga mapaniwalaan ang taong ito. Sa dinami-dami ng sinabi ko ay iyon lang ang sagot nya? Yung totoo? Ginagago nya ba ako? "Iyon lang ang sasabihin mo?!" "Do you expect me to say something else?" Wala na talagang ganang tanong nya. Nilingon nya ako gamit ang walang buhay na mga mata nya. Bakit hindi na lang sya tuluyang mawalan ng buhay ngayon sa harapan ko? Nakakainis! "Wala! Letse ka!" "Ms. Hernandez." "Ano nanaman ba?" "Bad words," aniya na nasa aking labi ang paningin. Ilang ulit akong napalunok habang pinanunuod ang pag-angat ng kamay nya patungo sa aking mukha at ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan nang tuluyang maramdaman ko ang init ng kanyang palad sa aking pisngi. "Can I kiss—" hindi ko na hinintay pa na matapos nya ang sasabihin. Mabilis kong binuksan ang pinto ng sasakyan saka lumabas. "Ewan ko sa'yo. Dyan ka na nga," saad ko saka mabilis na tumakbo patungo sa unang building na naroon. Hinawakan ko ang aking dibdib sa tindi ng kabang nararamdaman. Pakiramdam ko ay nakikipagkarerahan ang puso ko ngayon sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Fvck! Siguro ay kailangan kong magpacheck up mamaya o bukas. Mukhang may problema na ang puso ko. "Hoy, Cassandra!" Mula sa kumpulan ng mga taong nag-uunahan sa pagtakbonay nakita ko si Melissa na naglalakad patungo sa aking gabi. Inayos ko ang sarili. Ilang ulit akong humigop ng hangin at ibinuga iyon bago tuluyang humakbang papalapit sa kanya. "Mel, kamusta?" Pilit ang ngiting tanong ko. "What happened?" Kunot noong tanong nya saka nilingon ang aking pinanggalingan. "Nasobrahan ka yata sa blush on. Sobrang pula ng pisngi mo." Puna nya saka hinawakan ang aking pisngi. Fvck. Sinasabi ko na nga. "May kasama ka ba—" "Wala. Let's go." Mabilis ko syang hinila paalis sa lugar na iyon nang makita si Mr. Ashton na lumabas na ng kanyang sasakyan. "Wait lang. Susulyap muna ako kay Sir—" "Prof natin sya ngayong umaga kaya wag ka nang makipagsiksikan pa," saad ko at tuluyan syang hinila paakyat sa aming building. Hindi naman talaga iyon ang rason. Ayoko lang talagang makita ni Mr. Ashton ang pamumula ng aking mga pisngi matapos ang nangyari kanina sa loob ng sasakyan. Bakit ba kasi naisip nya pang magpaalam na halikan ako at hindi na lang nya ginawa?! Wtf, self? Ilang ulit kong kinastigo ang sarili sa ideya na gusto kong maramdaman din ang labi nya sa labi ko. Nanatili akong tulala hanggang sa marinig ang pagbell. "Cass, tawag ka ni Sir." Kalabit sa akin ni Melissa saka inginuso ang harapan. "Ms. Hernandez?" Rinig kong pagtawag nya dahilan para mabilis ko syang lingunin. Hindi tulad ng dati, nakangisi ito sa akin nang dahan-dahan akong tumayo. "Lumilipad nanaman ang isip mo," aniya dahilan para magtawanan ang lahat. E, kung yung bag ko kaya ang paliparin ko sa kanya? "What do you think about love?" "Ha?" Ano nanamang tanong yan? Sa pagkaka-alala ko ay business law ang hawak nyang subject, bakit tungkol sa love ang tanong nya? "What do you think about love?" Pag-uulit nya. Nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko. They all know na maski isang beses ay wala pa akong nagiging boyfriend kaya siguro interesado sila sa magiging sagot ko. Hindi ko alam kung nananadya na lang ba sya o ano e. "Nothing." "You know nothing about love?" Hindi makapaniwalang tanong nya at para mas lalo syang pikunin ay tumango ako. "Interesting." Tatango-tangong dagdag nya saka inilibot ang paningin sa klase. Ano ba kasing klaseng topic yon? Wala naman sa syllabus namin ang salitang iyon. Nang manatili syang tahimik ay muli akong bumalik sa pagkakaupo pero hindi pa man nag-iinit ang pvwet ko sa may silya ay muli na syang nagsalita. "Did I tell you to sit down?" Striktong tanong nya dahilan para mapatayo akong muli ng tuwid. "Sorry ha?" Sarkastikong saad ko saka sya inismiran. Wala na akong paki ngayon sa mga sasabihin ng kaklase ko. This day is hell for me at dahil iyon sa kanya! Fvck! "Sit down." "King ina mo." Mahinang bulong ko. Iyong bulong na ako lamang ang nakakarinig pero alam kong nasundan nya ang pagbuka ng labi ko. "Bakit parang g na g sayo si Sir, girl? Ano bang pinag-usapan nyo kahapon?" Tanong ni Melissa nang maupo ako. Kunot ang noo nya habang palihim akong sinusulyapan. Padabog akong umayoa ng upo. "Wala naman kaming pinag-usapan." Totoo namang wala dahil hindi naman kami ang nag-usap kundi ang pareho naming ina! "Hindi ko alam sa taong yan kung bakit parang galit sa akin!" Ngayon ay parang sa akin nya ibinubunton ang ginaqa sa kanya ni Ninang! "Whoa. Is that you Cassandra Hernandez?" Namamanghang tanong nya saka sinilip ang aking mukha. "Bakit parang inis na inis ka ngayon?" "Hindi mo na gugustuhin na malaman pa, Mel." "Believe me, I do, Cass, pero teka nga bakit ba bumubukas yang butones mo?" Nagbaba ako ng tingin sa aking dibdib at ganoon na lang ang inis na naramdaman ko nang makitang bukas nanaman ang apat na butones ng suot kong damit. "Kanina pa ito sa sasakyan, hindi ko rin alam kung—" "Bes," hinawakan ni Melissa ang kamay ko. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay alanganin na itong nakatingin sa harapan, "nakatingin si Sir Luke sa iyo..." Bulong nya. Nang tumingin ako sa harap ay ang matatalim na tingin kaagad ni Mr. Ashton ang sumalubong sa akin. "Faculty, after class." Ano nanaman bang problema nya ha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD